Chapter 10

89 14 8
                                    








Pag balik ko ng bahay gabi na dahil ihinanap kopa ng hotel na pwedeng tuluyan si Sapphire. Nasabi nya kasing mas maganda raw para sa pag papanggap namin na sabay na kaming umuwi.

I hate myself for feeling it and for admitting this to myself, but I'm glad she stayed.. Naisip ko rin kasi na maganda ito para sakin if ever na bigla nalang mag decide si mama na palayasin nanaman ako. Di ako mag mumukhang basang sisiw sa kalye.

Inabutan kong nanonood si Papa at Ileana ng TV, diko naman mahanap si Mama sa paligid kaya lumuwag ang dibdib ko.

"Kamusta ate? Nasaan na si ate Sapphire?" Tanong ng kapatid ko.

"Ayon nasa hotel. Pinag pahinga ko muna, napagod sya kakalakad kanina." Naisip ko at ng bumalik yung ala-ala sa isip ko napa ngiti ako ng wala sa sarili.

"Ayos, makakasama sya sa reunion sa Tuesday." Papa akyat na ako ng marinig yon kaya napa pihit ako paharap ulit sa kanila.

"Ha? Anong reunion?" Walang nag sabi saking may ganoon pala.

"Naisip lang nila ate Lydia.  Kasi daw lahat nandito ngayon. Kaya nai suggest nila kuya na mag reunion. Ilang years narin kasi yung last na family gathering natin na buo tayo, diba?" Nalito ako at nakamot ang kilay ko.

"Ha? Eh anong tawag nila sa kasal? Dipa ba reunion yon? Gusto lang naman nilang magpaka lango sa alak." Tumango si Papa.

"Iyon ang plano nila, doon sila matalino eh." Balik nya pa sakin.

Nag buga ako ng hangin at umakyat na sa kwarto ko. Nag plan na ako ng gagawin namin ni Sapphire bukas, balak ko sana syang ilibot kung saan saan lang para mag thank you. Pagkatapos may naisip pa silang ganito. Panira talaga sila ng plano.

Nag chat ako sa kanya pag upo ko sa kama. Sinabi ko ring di nya kailangan obligahin ang sariling pumunta. I'm sure magiging napaka awkward lang din doon. Ako nga kung pwede lang at di kapamilya di narin ako pupunta.

Pero dadagdag nanaman ito sa dumaraming rason para magalit sakin si Mama. Saka tiyak na gusto nya akong pumunta kasi mayabang sya at gusto nyang ipagmalaki na buo ang pamilya namin, na napapa sunod nya ang mga anak nya.

May iba kasi sa mga pinsan ko na dina magawang umuwi rito sa lugar namin. Sa kadahilanang busy sa trabaho at nagka pamilya na sila sa kung saan saang panig ng bansa at hassle na ang bumalik pa rito. Mahal pa naman ang pamasahe sa ngayon.

It's okay, I'll come. Sulitin na natin itong pag pre-pretend natin.

Ayokong magkaroon ng maraming utang na loob sayo.

You won't be. Just think of this as a small apology narin for what Amber did.

Wag ka ng pumunta doon. I don't want to think about her right now.

Why would you?
Ako dapat ang iniisip mo. Because I'm your girlfriend.

Fake girlfriend.

Well yeah, semantics.
Do I need to bring something pala?

Wag na, may sagot sagot naman na sila.
S

aka lowkey lang tayo, pag masyado kang galante sa mga taong iyon aabusuhin ka nila.


Kahit na small gift lang?
Nakaka hiya namang pumunta ng walang dala.

Believe me, ma ble-bless pa sila kapag sumama ka.

Extreme Attachment (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon