Habang naliligo ng araw na iyon napapa isip ako kung normal lang ba ito. Nag lalagas kasi ang buhok ko pero ang kapal parin. Tama lang ba ito? May problema na ba ako?
Lumabas akong tumutulo parin ang tubig sa balat ko, tinignan ko ang sarili sa salamin habang nag pupunas. Hinaplos ko ang tiyan ko pati na ang boobs ko. Masakit ang dibdib ko ngayon dahil sa nalate yata ang period ko.
Tumalikod ako at sunod na tinignan ang pwet ko. Malaki parin naman walang pinagbago. Nag tapis ako ng beywang at naupo para mag lotion at tumulala sa naka awang na bintana.
Sa napansin nanlaki ang mga mata kong naka awang iyon. Kanina pako naka bold dito at nag pose pako ng kung anu ano tapos baka mamaya may audience pala ako.
Lumakad ang lamig sa gulugod ko ma imagine palang na baka ako na ang maging latest topic ng mga marites sa kanto. At dahil sa napaka likot ng imagination baka rin may naka kuha pa ng video o picture ko na naka hubad.
Paano pako lalabas ng bahay kapag nangyari 'yon? Habang buhay nalang akong mag kukulong rito dinaig pako ni lola bigla. Kasi wala na akong mukhang ihaharap sa mundo.
May panginginig ang bawat tapak ko ng lumapit sa bintana, lumuwag ang daluyan ng hangin ko ng maka hinga impossible rin pala na may makakita sakin. Isa na kasi ang bahay namin sa may pinaka mataas na palapag sa parteng ito.
Dinaanan ng relief ang katawan ko saka ako bumalik sa pag su-suklay ng buhok. Habang pinapatuyo ang lotion nag panty lang ako at naupo sa kutson.
Kailangan ko ng mag ayos ng gamit ko dahil sa uuwi na ako bukas. Ngayon medyo tinatamad naman akong bumalik pa doon kasi nandoon ang problema at kung maaari lang ayaw ko ng makita ang nanay ni Sapphire.
Ayoko ng mag exist sa mundo na nandoon din sya. Kaya lang di naman ako special at wala rin akong super powers. Ang kaya ko lang gawin ay ang umiwas, bahala sila kung wala ng respeto iyon para sa kanila. Ayoko na talaga silang makita.
Sadness flooded my heart, and I couldn't help but pout when Sapphire entered my mind. Looks like,pati sya diko narin makikita. Well, magkikita parin kami technically. Pero iiwasan ko rin sya para wala nalang problema.
Bumigat ang katawan ko at nanghina habang ina atake ako ng mga alaala ng magandang mukha ng Mama's girl na 'yon.
The first time I thought about it, I wasn't sure if I would be able to handle not seeing her. But right now I can bet my pretty ass that the next ten years will be filled with anguish and disappointment.
Sumakit ang puso ko at parang may pwersa ang nagpapa sikip ng daluyan ng hangin ko. Parang ang hirap huminga tuwing iisipin kong kailangan ko na talagang tapusin itong relasyon namin.
Ganoon ba talaga pag mahal mo?
Alam kong minahal ko si Lincoln at nung kami pa handa rin naman akong gawin ang lahat ng bagay para sa kanya, para maging masaya sya.
Pero ibang iba yung intensity noon sa degree ng kay Sapphire. Dahil parang hawak nya ako sa leeg, I mean figuratively. I want her and I crave her every single day.
I want all of her attention to myself. Siguro swapang nga talaga ako. At diko kaya kapag may kaagaw na ako sa atensyon nya. Na palaging ginagawa nung nanay nya.
Nakamot ko ang anit at humiga matapos makapag t-shirt na maluwag. Siguro itutulog ko nalang muna ito kaysa tuluyan akong mabaliw.
Naalimpungatan ako ng may maramdamang naka yakap sakin napa kunot noo ako ng mapansin itong maputing kamay na naka pulupot sa may tiyan ko. Kumurap kurap pa ako dahil wala parin akong idea kung panaginip lang ba ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/370711220-288-k989732.jpg)
BINABASA MO ANG
Extreme Attachment (wlw)
RomanceAfter going through a severe breakup. Ingrid learns to be cautious; she's adamant that feelings are a waste of time. Instead, she enjoys life; however, she decides to experience it. She has become so comfortable with her sexuality that some may find...