Chapter 13

96 13 9
                                    








Diko sure kung paano kong napa kalma si Alba pero kina usap ko sya ng masinsinang wag nya ng galawin si Amber at hayaan nya na ang nangyari kasi diko narin naman gustong gumawa ng gulo.

Saka sa loob loob nagpapasalamat ako sa sapak ni Amber. Natauhan kasi akong katangahang sumabay lang ako sa agos ng mga pangyayari sa pagitan namin ni Sapphire.

Gusto ko ngayong suyuin sya, kung sabihin nya ring manligaw ako gagawin ko. Just for her to at least consider a relationship with me. A real relationship, that is. Because right now, I don't think I'm ever going to be satisfied with having a piece of her. Dahil ka swapangan man, gusto kong angkinin sya ng buong buo.

Ang kaso lang nato torpe naman ako. Natatakot akong maka usap si Sapphire lalo pa't alam kong galit parin sya sakin. Ilang araw narin kaming di nag kikita na ipina pagpasalamat ko ng malaki.

Kahit kasi naipaayos ko na ang ilong ko namaga parin ang halos kalahati ng mukha ko, nagkaroon pa ng malaking pasa na ayaw kong ipakita kahit na kanino.

Nag kulong lang ako sa unit ko, pumupunta naman palagi sila Alba at nagdadala ng pagkain. Kahit pa ayos na ako nag aalala parin kasi sila. At baka daw puntahan nanaman ako ni Amber, isa pa yon sa added worries nila.

Diko magawang i-kwento sa kanila kung tungkol din saan talaga yung nangyari dahil alam kong mas lalo silang mag iisip.

Sa pang apat na araw ng pag tatago ko, napilitan na akong lumabas at kailangan ko naring mag trabaho. Di nga pala ako mayaman. At tapos na yung leave na hiningi ko.

Nag face mask at shades ako para maitago parin yung maliit na pasa dahil may make up man diko sure kung paano tuluyan itong mag di disappear. Ayoko namang sobrang kapalan ang make up ko at baka mag mukha akong bangkay.

Pagbaba ng lobby,lumundag ang puso kong this last few days parang natutulog pa. Dahil lang sa nakita ko si Sapphire na may kasamang babae. Naka pang work out outfit silang parehas at mukha katatapos tumakbo.

Nanliit ang mga mata ko ng maging sobrang lapit ng babae sa kanya. Natulos ako sa kinatatayuan ko ng mapuno ng karahasan ang utak ko. Di naman ako ganito dati pero parang balak kong manakit bigla.

Huminga ako ng paulit ulit at sinubukang kumalma. I just need to push all those emotions aside. Ginawa ko ito sa sarili ko, kung mas kinausap ko rin kasi sya ng maayos baka nagka linawan pa kami.

Pero naduwag akong mag salita, nag jump to conclusions din ako na mas lalong mali. Alam ko naman na dati iyon, wala lang ako pinagkatutunan.

Maya maya pa nadako sakin ang mata nya, pansin kong natigilan din sya bago nya maisip na hatakin yung babae palapit pa sa katawan nya. Last time we talked, I chose violence, so it's not shocking if she chooses to torture me now.

Di naman ganoon kasakit,parang gusto ko lang tumalon sa isa sa pinaka mataas na lugar na matatagpuan at lumipad. Kung makaka lipad nga ba ako.

Alam nyang pina panood ko sila dahil naka side eye pa sya. Kundi pa halatain masyado, maybe just to spite me, she would even kiss the girl in front of me.

Napa isip ako, hilig ko ba talagang nasasaktan? Kasi sa halip na umiwas at hayaan sya. Mas malaki parin kaysa sakin yung urge na kausapin sya.

Looks like, kailangan kong isuot ang mask ni Great Pretender Ingrid ng napaka aga. Kasi ayokong ipahalata sa kanila kung gaano sila kasakit sa matang tignan.

Tumayo ako ng tuwid, saka ako nag lakad palapit sa kanila at ngumiti ng pagka laki laki. When she realizes I'm really planning on talking to them, she grips the girl's waist and puffs her chest.

Extreme Attachment (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon