Nagsamasama na ang ingay sa lugar na kinalalagyan ko habang yung isang lalaki sa may gilid ko mukhang may allergy sa tubig at ilang taon na rin syang di nakakaligo. Feeling ko na aamoy na sya ng buong bayan.
Nalukot ang ilong ko sa amoy ng pawis at nitong si kuya na parang may itinatagong hinog na bayabas somewhere. Pinisil ko ng madiin ang ilong ko ng bigla akong maduwal.
"Kidnap? Eh kahit na kailan di nya nga binuhat yung mga pamangkin nya 'tas pagbibintangan mong magnanakaw itong anak ko? Aba't talipandas ka palang gaga ka" Singhal ng mama ko.
Lahat ng tao dito binulyawan nya na, habang pinipigilan sya ni Kuya Bunso. Diko matandaan ang ranggo nya pero si kuya ang isa sa may pinaka mataas ang posisyon rito.
Isa sya sa palagay ko'y tinaranta ni mama. Day off nya kasi pero mabilis pa sila sa alas kwatrong dumating rito ng tumawag ako. At mukhang nasa kalagitnaan sya ng paliligo kasi may bula pa sya sa may tenga.
"Alam mo ba lahat ng pwedeng ikaso sayo kapag napatunayang nagsisinungaling ka? Misis pwede po kayong kasuhan ng slander dyan sa mga false accusations nyo." Natahimik ang babae.
Kung ako ang nasa pwesto nya matatahimik din ako. Kinorner lang naman sya nitong mga ito at kung anu anong kaso na ang gustong isampa sa kanya. Dina nga sya maka singit eh.
Narinig ko kay kuya na talamak na raw itong modus dito. Iyong kapag nakakita sila ng mukhang tatanga tanga sa bus tatabihan nila, 'tas kunyari papa hawak nila yung baby at mag e-eskandalo pag baba ng bus.
Dahil yung kawawang mata-target nila matatakot at maaaligaga. Dina raw makaka laban at ibibigay nalang yung hingin nila. Isang grupo sila kung kumilos at itong babae ang talagang nag tra-trabaho sa field at humahanap ng kawawang biktima. Then yung mga pulis lilitaw,na di naman pala talaga pulis. Kasabwat 1 and 2 lang.
Bumaba kay Ian ang mga mata ko,umiiyak sya at pinipilit parin akong abutin. Sa kanya lang ako na aawa ngayon. Wala kasi syang idea sa hanap buhay ng nanay nya.
Narinig kong kukunin daw yung baby at ita transfer sa pangangalaga ng isang social welfair. Sumingit ako at pinunasan ang pisngi ng baby, saka ko inabutan ng pera yung nanay nya ng palihim, bago pa ako hatakin ng mama ko.
Pauwi nag simula yung pag talak ng nanay ko na hanggang sa pagdating sa bahay di natatapos. Binuhat nila kuya at Papa ang bag at maleta ko. Mabuti nalang din at may kusa sila kasi wala na akong natirang lakas sa kakadada nitong katabi ko.
Nag sagged ako sa upuan at tumitig sa patay na TV. Dina ako nag attempt na mag salita pa at ipag tanggol ang sarili,lalo pa't walang nananalo sa nanay ko. Hindi kasi sya nagkakamali.
"Sinabihan na kasi kitang noong isang araw pa umuwi kana. Kung umuwi kana ng maaga wala ng mangyayaring ganito. Napaka tigas kasi ng ulo mo." Di ako nag salita o kumurap man lang.
"Hayaan mo na muna sya,ito naman kaya ayaw ng umuuwi nyan palagi mo nalang pinapagalitan." Awat sa kanya ni Papa.
Heaven sent talaga ang tatay ko,diko rin nga sure kung paano sya tumagal dito sa ugali ng nanay ko kung maraming babae naman daw ang naghahabol sa kanya noong kapanahunan nila.
"Hala sige at kunsintihin mo pa kaya di nagtitino." Galit na sabi ni mama bago sya maingay na pumanhik ng hagdanan. Bawat tapat nya parang magigiba ang bahay.
"Gutom ka ba? Tubig gusto mo? Sandali at ikukuha kita." Mabilis syang nawala. "Pagpasensyahan mo na iyong mama mo. Alam mo namang mainitin talaga ang ulo nya." Naupo sya sa tabi ko at ipinatong ang isang basong tubig sa harapan ko na kaagad kong nilagok.
![](https://img.wattpad.com/cover/370711220-288-k989732.jpg)
BINABASA MO ANG
Extreme Attachment (wlw)
Roman d'amourAfter going through a severe breakup. Ingrid learns to be cautious; she's adamant that feelings are a waste of time. Instead, she enjoys life; however, she decides to experience it. She has become so comfortable with her sexuality that some may find...