Chapter 11

65 12 8
                                    






"Can you, for once, stop being childish? Before getting mad at her every decision, think for yourself. And to be honest, Ingrid.  Sa palagay ko, she's trying her best. Kasi kahit na ayaw nya sakin dito di nya ako pinigilang sumama." Nag ikot ako ng mata.

"Hindi mo sya kilala! Ibebenta nya nga ako ng buhay eh." Tumaas ng di sinasadya ang boses ko sa gigil. Bumuntong hininga sya.

"I know she is showing that she loves you in the wrong way. But can't you see that she had her frustrations about life and the choices she made? At ayaw nyang matulad ka sa kanya. Mali sya pero gusto nya lang dimo na maranasan yung mga pinagdaanan nya. That's how I see it." Sinamaan ko ng tingin ang mas papadilim pang kalangitan.

"Wala ka ng ibang ginawa kundi ang inisin sya. You're clearly provoking her to act like that towards you." Kinagat ko ang ibabang labi

Kasi kahit anong sabihin nya diko maintindihan si mama. Mabuting lalaki si Papa at kaya sila nagpa kasal dahil sa mahal nila ang isa't isa. Pero bakit gusto nyang pasunurin ako kahit pa alam nyang magiging miserable ako sa desiyong iyon.

Di nya rin makuha sa sarili nyang tanggapin ako, kung dito naman talaga ako magiging masaya. Childish na kung childish, pero diko sya gustong maintindihan.

Sinipa ko ang seashell sa talampakan ko, saka lumipat sa kanya ang matalim na tingin ko. Tumayo kami roon at nag titigan habang back ground noise yung ginagawang ingay ng mga pinsan kong lalaking sumasayaw at kumakanta na parang nasa isang boy band pa.

"Bakit ako ang pinapagalitan mo?" Tanong ko ng maka bawi.

"Hindi kita pina pagalitan ang sinasabi ko lang wala na sa lugar yang pang iinis mo." Kalmadong balik nya.

"Pinag taasan mo ko ng boses. Paanong di galit yon?" May kalakasan ko ring sagot.

"Okay, sorry kung medyo tumaas ang boses ko pero mas nauna kang sumigaw dyan." Pinag tinginan kami ng iba pero sa inis ko wala ako sa mood na maging lovey dovey. Normal naman din sa mag girlfriend ang mag away, kaya okay lang ito.

"Ang gusto kong girlfriend supportive at di nang aaway." Mahina ng turan ko.

Nag ikot sya ng mga mata at hinawakan ang kamay ko saka nya ako hinatak sa katawan nya. Sa harapan ng mga pinsan kong nanonood hinalikan nya ang noo ko.

"Wag ka ng magalit dyan. Di nalang tayo lalapit doon para di kayo sumasabog ni tita." Napa nguso ako baka tumingala ng konti.

"Okay." Hinalikan nya ang tungki ng ilong ko na tuluyan ng ikina tili ng audience namin.

Napa iling iling ako ng humiwalay sa kanya. Lumapit samin ang mga pinsan kong dalaga pa. Nag tanong sila ng kung anu ano, kasama na doon si Ileana marami rin syang naipong questions.

May ngiti namang sumagot si Sapphire at nakipag kwentuhan sa kanila. Naupo kaming magkakatabi lang,ngumangata rin kami ng kung anu anong dinadala nila rito.

"Paano kayo nagkakilala?" Nagka tinginan kami ni Sapphire. Saka ako napa isip.

It will sound weird, but I can clearly recall that day as if it happened just like yesterday. We met at the party of a common friend. 

Nung time na iyon ang nilalandi ko talaga ay yung isa sa mga kaibigan nya. I mean, I know she's pretty the first time we met but not the kind of pretty na may shock factor.

Ilang beses syang naging topic ng mga taong naka usap ko. Di naman masama ang mga sinasabi nila, it's just that they don't know how to act around her.

So as the night progressed, she already got all my attention by just staying silent throughout the conversation. Boredom ang syang pinaka mababasa sa mukha nya, although she's trying to be nice. But her face betrayed her by showing how done with everything she appeared to be. 

Extreme Attachment (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon