Habang ngumunguya walang kahit na isa sa kanila ang naisip mag salita. Ito na yata ang pinaka awkward na atmosphere na syang kinalagyan ko, and to think na last, last week lang kasabay kong kumakain sa mesa ang mama ko na hate na hate ang sexual preference ko.
Umangat ang mata ko kay Sapphire na kanina parin naka titig sa mangkok ng sweet and sour cream. Tumatagos ang tingin nya roon kaya sa palagay ko may iba pang gumugulo sa kanya.
Dahil sa kanya kaya ko lang naman talaga naisip na pag lutuin si Amber. If dipa ganoon ka-obvious, gusto kolang talaga syang makasamang mag dinner. And I know she would decline the offer even if I asked nicely.
Bumuntong hininga ako bago uminom ng tubig. Nahanap ng mata ko sila Amber, tumatalim ang tingin nya maya't maya kay Lincoln. What's up with that?
"So wala pa kayo planong mag anak?" Naisip kong itanong.
"Wala kang pakialam mag anak man kami o hindi." Tumaas ang kilay ko.
"Hmm, then who gave you the right to interfere with our relationship?" Taas kilay na tanong ko.
"That's different, she's my cousin for Pete's sake" Mahina akong natawa.
"And I can recall that Lincoln is my longtime boyfriend back then, for Pete's sake. Nakakalimutan mo ba kung sino ka Amber? Gusto mong ipa alala ko sayo?" Tuwid kong sinalubong ang mga mata nya ng mag iwas sya ng tingin.
Ayaw kona sanang sabihin pa iyon kaya lang sya itong ayaw talagang tigilan yung dapat ay secret na relationship namin ni Sapphire. Ang kapal ng mukha nyang makigulo, kung sya nga di namin pinapakialaman.
"Ano bang nangyayari dito? Naguguluhan na ako." Alba said butting in.
Walang nag salita samin, that exact moment din kasi naisip ni Sapphire na makipag titigan sakin. Tumambol ang puso ko at ng tumayo sya wala rin akong salitang tumayo para sundan sya.
Sa hallway malapit sa banyo sya tumigil at hinarap ako. Nag aapoy sa iba't ibang emosyon ang mga mata nya.
Sumandal ako sa pader na nasa likuran at hinintay syang mag salita ng pumikit sya at ilang beses huminga ng malalim.
"Ano bang gusto mo? Are you really that heartless?" Hinawi ko ang buhok.
"I'm not heartless. Gutom lang talaga at tamad ng mag luto." Nag tagis ang bagang nya.
"I'm not here to be your entertainment,Ingrid. I told you ayaw na kitang makita." Doon dinaanan ng lungkot ang katawan ko.
"But I still want to see you." Mahinang sagot ko.
"What? So you can get inside my pants? I'm done with that." I fidget with my fingers while thinking of things to say.
"We don't have to do any of that if you don't want to." I bristle when her eyes become icy cold.
"Let's stop here. I'm not ever going to fall for that." She squared her jaw, and I felt fear infiltrate my heart.
Natatakot akong baka dito na nga mag tapos ang lahat kung diko parin mahahanap yung tapang na sabihin sa kanya ang nilalaman ng puso ko. But at the same time, natatakot din akong umamin dahil paano nalang kung wala rin namang maging pagbabago kapag nalaman nya.
Nag init ang mga mata ko ng lagpasan nya ako, hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya. Gusto ko ring mag salita kaya lang diko mahanap ang dila ko.
Kasabay noon kada segundo pabilis pa ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nag init ang mga mata ko habang iniisip na paano nalang nga kung ayaw nya na sakin.
BINABASA MO ANG
Extreme Attachment (wlw)
RomanceAfter going through a severe breakup. Ingrid learns to be cautious; she's adamant that feelings are a waste of time. Instead, she enjoys life; however, she decides to experience it. She has become so comfortable with her sexuality that some may find...