Madiin kong kinagat ang ibabang labi saka huminga ng malalim. Pag angat ng mga mata ko sa kalangitan tanging kadiliman ang sumalubong sakin. Halos pitch black na dito sa kinauupuan ko at wala na akong maaninag.
Nag vibrate ang cellphone ko na naging sanhi ng liwanag. Tinignan ko ulit yung litrato at dahil siguro sa kalmado nako napansin kong in unusual angle ang litrato.
Halatang edited, saka ko nasampal ang noo na hinayaan ko silang makakuha ng ganitong reaksyon sakin kahit pa halata ring nananadya lang sila.
At alam kong di hawak ni Sapphire ang cellphone nya ngayon kaya naka sisigurado rin akong di sya ang nag message sakin.
Then nag resurface yung inis sa puso ko, na ano bang ginagawa nya ngayon at hinayaan nyang mapunta sa kung sino ang cellphone nya?
Nag buga ako ng hangin at ipinatay ang cellphone ko. Maya't maya parin kasi ang pag me message ng nanay nya at siguro tuwang tuwa sya sa pang iinis nya.
Nanlata ako sa pwesto ko habang magulo ang isipan ko. Kung ano ang dapat gawin ngayon, gusto ko sanang magalit pero si Sapphire lang ang gusto kong sakalin ngayon. Kaya lang wala naman sya rito para din pakalmahin ako.
Clueless na ako sa dapat na gawin sa nanay nya. Tumayo ako at nag lakad lakad, tumunog yung maliliit na batong natatapakan ko saka ako napa lingon sa kaliwa kong puno lang din ng dilim.
Tumanaw ako sa malayo hanggang sa lumipas ang mga segundo. Nanatili ako sa ganoong posisyon ng mag simulang mangawit ang mga binti ko saka ako napa lingon sa kanan ko kung nasaan ang daan pabalik.
Nanigas ako ng makakita ng pares ng mata na naka titig sakin. Nanindig ang mga balahibo ko at napa sigaw saka may lumapit sakin at hinawakan ako.
"Anak, kumalma ka." Napa palahaw ako ng marinig ang boses ni Papa.
"Papa naman! Ang dilim dilim tas bigla kang susulpot dyan!" Malakas syang natawa at hinaplos ang likuran ko.
"Hinanap lang kita at uuwi na tayo. Akala ng mama mo kung ano ng nangyari sayo" Sinapo ko ang kumakabog na dibdib.
"Akala ko may kapre. Muntik nakong himatayin" Pinunasan ko ang pisngi at napa singhot.
"Sorry na, sinubukan kitang tawagan kaya lang di yata naka bukas cellphone mo kaya nag alala nako. Ang dilim pa naman dito." Yumakap ako sa kanya at inalalayan nya naman ako papunta sa sasakyan nya.
Pagdating wala parin sila Mama kaya nanghihina akong pumasok sa pajero at sumandal. Ipinikit ko ang mga mata,ilang beses nag flash back yung nangyari kanina at until now dinadaanan parin ako ng takot.
"Sorry na, anak." Turan ni Papa maya maya ng matahimik kami.
"Okay lang pa,pero muntik na talagang maging tatlo nalang ang anak mo." Nakamot nya ang batok.
"Diko naman alam na magugulat ka. Akala ko narinig mo naring palapit na ako eh." Nadiinan ko ang mga mata.
"Maraming namamatay sa maling akala,Pa. Ikaw muntik maka patay." Nagbaba sya ng ulo,pinilit ko namang huminga.
"Sorry-" Naputol ang sasabihin nya pa ng bumukas ang pintuan ng kotse at pumasok si Mama.
Nagkaroon nanaman ng katahimikan hanggang sa dumating rin si ate. Walang salitang binuhay ni Papa ang makina. Di naman awkward sa pagitan namin pero mukhang lahat kami may kanya kanya ring iniisip.
Kinagat ko ang ibabang labi at tumanaw nalang sa labas ng bintana. Hinayaan kong lumipas ang mga segundo sa katahimikan at pag hinto ng sasakyan sa bahay namin walang salita akong bumaba at pumanhik ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Extreme Attachment (wlw)
RomanceAfter going through a severe breakup. Ingrid learns to be cautious; she's adamant that feelings are a waste of time. Instead, she enjoys life; however, she decides to experience it. She has become so comfortable with her sexuality that some may find...