"Sige na, dalhin mo na sa loob. Nandyan lang 'yon." Sinamaan ko ng tingin si Papa.
"Baka mamaya murahin ako 'non" Malakas naman syang natawa, wala syang sine seryoso sa mga sinasabi ko.
"Hindi yan, bilis mo na at susunduin pa natin si Ileana." Nag hihimutok akong lumabas ng pajero at nag lakad papunta sa pintuan ng center habang bitbit ang packed lunch ni mama.
Sa loob, tahimik ang maliit na center maliban doon sa baby na biglang umiyak. Hinanap ng mata ko si Mama ng mapunta ako sa information desk,may ginang doon ang ngumiti sakin.
"Ah, tanong kolang po kung nasaan si Mama ko?" Saka ko binatukan ang sarili sa isip isip kasi malamang di nya alam kung sino ang mama ko.
"Geneva, nandito ang anak mo." Lumaki ang mata ko sa sinabi nya. Tinawag nya rin sa gawing kaliwa si mama.
Ilang minuto lang ng lumabas si mama, sandali nya lang akong tinignan bago lumapit doon sa batang umiiyak. Tumayo ako at hinintay syang matapos, mukhang babakunahan pala yung baby.
Pumalahaw ito at pati ako napa pikit ng makita yung karayom. Hanggang sa mawalan ng tunog ang pag iyak nito, maya maya pa kinausap nya yung nanay at yung mga dapat daw gawin para di mamaga yung pinag bakunahan.
Napa lunok ako ng bumalik ang mata nya sakin at mag lakad palapit. Natakot ako at napa atras. Huminto sya sa mismong harapan ko lang saka sya napa baling sa labas matatanaw sa bukas na pintuan ang pajero ni Papa.
"Lunch nyo daw po. Sabi ni Papa iabot ko raw." Kinuha nya ito ng walang salita. "Sige po, susunduin pa namin si Ileana."
"Sabihan mo ang Papa mo na mag bayad na ng kuryente." For a second diko pa alam ang isasagot ng mapa tango ako.
"Sige po." Saka ako patakbong lumabas. Hiningal pa ako ng maka pasok sa sasakyan.
"Anong nangyari sayo?" Natatawang tanong ni Papa habang tinitignan ako.
"Natakot ako pero di nya ako inaway. Sabi nya mag bayad naraw kayo ng ilaw." Nasampal nya ang noo.
"Sabi na't may nakalimutan akong gawin eh. Kanina ko pa iniisip." Nag seat belt ako at habang naka upo parang diko pa mapaniwalaan na di ako sinigawan ni Mama
But it just make sense, talagang di nya ako papagalitan dahil nasa work place sya. Ayaw nya lang siguro maging kahihiyan lalo pa't lagi nyang kasama ang mga tao doon.
Dapat i-ready ko nalang ang sarili ko mamayang pag uwi nya.
Next sinundo namin si Ileana, nag practice lang daw sila kaya dalawang oras lang ang kailangan nyang itagal sa school.
Sa byahe pauwi, she spills the tea. Feeling ko di lang spill ang ginawa nya kundi ibinuhos nya ang nagbabagang tsika. Sa halip tuloy na mag alala diko lang mapigilang matawa sa pagiging animated ng pag kwe-kwento nya.
"Nilabas pa ni mama kagabi yung bolo ni Papa at muntikan pang habulin ng taga si kuya Dick. Mabuti nalang at napigilan sya kaagad." Pinunasan ko ang luha sa mata.
"Sayang diko nakita."
"Mamaya pupunta ulit sa baranggay para daw gumawa ng kasulatan. Bale mag uusap ulit sila." Wala akong gaanong alam sa batas pero alam kong sa edad ni Craig at Keno talagang dapat kay ate sila mapunta.
"Tapos binato kamo nila ang bubong natin? Dipa sila hinuli ni kuya? Para saan pa't pulis sya?" Bumuntong hininga sya.
"Isa pa iyon sa nagpapa init ng ulo ni mama. Paano yung third party kasi eh kapatid ng asawa ni kuya." Lumaki ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Extreme Attachment (wlw)
RomanceAfter going through a severe breakup. Ingrid learns to be cautious; she's adamant that feelings are a waste of time. Instead, she enjoys life; however, she decides to experience it. She has become so comfortable with her sexuality that some may find...