Chapter 25: [FINALE] Red Moon

7 3 0
                                    

Olive POV

Ito na ang oras upang harapin ang tunay na kalaban.Ang sumpa ng pulang buwan. Luminaw ang langit pero tuluyang nilamon ng dilim ang paligid.Nagsisilabasan din ang tala. Bumaling siya kay ethan na nasa pwesto parin nito hanggang ngayon.Lalapitan niya sana kaso may malakas na sigawan ang papaunta sa kanya. Desperado ang boses na iyon. Tila mga kaluluwang nasusunog sa impyerno

"D'rebellious!"usal ni ethan. Tama nga ito,ang d rebellious nga iyon na pasugod sa pwesto niya lalaki't babae may dalang patalim. Pangsaksak sa kanya.

Biglabg sumiklab ang apoy na pumapalibot sa kanya kaya automatic na huminto ang lahat hanggang sa lumitaw ang buwan. Malinaw pa ito. Walang bahid ng dugo. The ring of fire is vanished. Kumalat ang takot sa mukha ng lahat. Little by little,binibitawan nila ang kanilang sandata.

"NOOOOOOOO!"lumitaw si Hylla sa crowd. Mahina't gutay-gutay ang damit. Sumulpot din ang faussee wolfee sa pangunguna ni Knight.

'Too late."usal niya while pointing her like gun. "I'm really sorry." Tinira niya ang blue fire like metiorites na pabagsak sa earth atmosphere. Tinamaan ito sa leeg at natunaw. Napasinghap siya.Humarap sa direction ng buwan na unti-unting pumupula subalit habang nangyayari iyon ay tila tinutusok-tusok naman siya ng milyong-milyong karayum sa katawan. Iyon na marahil ang radiation ng sumpa na di matatakasan ng lahat. Pina-paralyze siya. Gusto siyang sunugin at tunawin. Bukod sa kanya,sina-suffer din iyon ng iba. Mas malala ang sa mga taong-lobo. Halos mabaliw sila sa sobrang parusa. Ito na nga ang sumpa ng pulang buwan. Ito na ang pagkakataon na dapat maging matapang siya.

Pursigido niyang tinaas ang dalawang kamay. Umiilaw ng pula ang vampire emblem. Sinusunog ang loob niya. Sobrang kirot. Gusto niya nang mamatay para matapos na kaso nagwewelga ng 'NO' ang kaluluwa niya. "Labanan mo 'to Olive." "Talunin mo si Mayari!" "parang awa mo na,pawiin mo ang sakit.'' Mga thoughts na nagsusulpotan sa isip niya para imotivate siya.

"YAAAAAHH!"sigaw niya. Naniningas ang dulo ng daliri niya. Nadidissolve naman ang balat niya. Nilulupig siya. Gayunpaman,determinado siyang talunin ito gaya ng pagtalo sa dalawang matinding kaaway.

"Kaya mo yan olive!" "Para sa lahat ng immortal." "Para sa lahat!"sigaw niya saka biglang umusok.Huminto sa kaka-suffer ang lahat kasunod ng pagkagulat nila dahil naging asul ang buwan.

.........

Ethaniel POV

Nasa kanyang posisyon lang siya. Tulala kahit suma-suffer sa sumpa ng buwan. Naghilom iyon nang umusok ang paligid. Bumagsak si Olive sa lupa kasabay ng pagbughaw ang buwan. Ang mga taong lobo ay bumalik sa kanilang anyong tao. Nakaluhod ang lahat ng bampira. D' rebellious man o noewin.

Maya-maya'y may lumitaw sa gitna ng buwan. Isang mayuming babae na transparent ang figure. Ito na nga si mayari,ang dyosa ng buwan.

"Gaya ng sinabi ko sa propechy,may half-vampire na magliligtas sa inyo. Iyon na nga si Olive na nilampasan ang binigay kung pagsubok sa kanya bagamat inosente tignan subalit nasa puso niya ang pagiging matapang. And I'm proud of it. Kaya labis ang pagsisisi ko nang sinumpa ko kayo dahil kayo ang kumukempleto sa akin."

"Sa ngayong nalampasan ni Olive ang sumpang binigay ko ay binabasbasan ko kayo na mamuhay ng payapa,may pagkakaisa at malaya. Mabuhay kayong lahat."

Ngumiti si Mayari at naglaho. Nagsipagtayuan ang lahat. Nagyakapan at nagkamustahan. Tumayo siya para lapitan si Olive.

"Olive?"anas niya in soft voice yung nakaka-charm. Minulat ni Olive ang mga mata sabay bangon at niyapos siya

"Nagtagumpay tayo!"masayang pahayag nito sa basag na boses.

"Oo."tinugunan niya ng mahigpit na yakap ito.

"Dahil sayo nagawa ko ang lahat ng ito kung wala ka,di ko yun makakaya. That's the reason na mahal kita sobra. You're my hero! My Love." Sabi ni Olive na humiwalay sa kanya.
Sa halip na sagutin niya ay hinalikan niya ito sa labi. Matagal na niyang gusting gawin ito. Ngayon lang siya nabigyan ng chance. Mabuti,di kumuryente ang katawan ni Olive. Kahit one hour ang halikan nila. Okay lang. Kaso...

"Congratulations!!"Disturbo ni Selene kaya nagulat si Olive. Inalis nito ang labi sa labi niya.
He grimaced.

Dumating si Raven at Tasha. Napangisi lang ang dalawa.

~THE END~

Lesson Learn: Sa buhay di pwedeng walang pagsubok na dadaan kasi tao tayo at yung mga pagsubok na iyon ay depende kung gaano kalakas ang hagupit kaya bilang tao dapat tayo'y maging matapang sa pagharap non. Wag tayong sumuko kagaya ni Olive kasi di lahat ng pagsubok ay habang buhay. Malalampasan din natin iyon kaya wag tayong basta-bastang magdesisyong sumuko agad.



Acknowledgement

First of All Thanks kay God kasi binigyan niya ako ng talent sa larangan ng pasusulat at pagbigay ng panahon sa pagsulat. Thank you din kay Nanay kasi naiintindihan niya ang kahibangan ko bilang amateur writer. So many-many thank you sa readers ko silent man o hindi,dahil sa inyo na-momotivate ako sa pagsusulat. Kayo ang dahilan kaya okay lang sa akin ang magkapawis at pagsakit ang kamay sa pag- encode nito. Para naman sa inyo to eh,okay lang kahit di niyo magustuhan.

This story is inspired by Elena Gilbert and Damon Salvatore of Vampire diaries. Imortal,teleserye of Abs-cbn, Twilight saga,underworld,and vampire academy...

Dusk EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon