TORTURED BY A MAFIA
KABANATA 5
PAGTAKAS
Tatlong buwan ang nakalipas simula ng dumating ako sa mansyon ni Philip.
Tatlong buwan ko na rin itong halos hindi nakikita ng isang buong araw.
Palagi itong nasa library kundi nasa harden at sa mga meetings.
Hindi ko na ito pinansin simula noong nakaraang buwan pa dahil sa mga nalaman ko galing sa kanya.
Subrang sakit ng pinatay niya ang mga kumopkop at nagpalaki sa akin sa dawalang dekada.
Si Aaron nalang palagi ang nakakasama ko sa loob ng mansyon at minsan ay nakikipag kwentuhan pa ako sa ibang mga katulong. Ngunit ang iba namay pinagsidahan ko lang ng masamang tingin dahil sa kanilang trato sa akin.
"Nandito lang naman kasi yang babae nayan dahil gusto ni sir ng laruan." Ani ni Cessa. Isa sa mga katulong na grabe ang bunganga kung makapagsalita akala mo naman maganda.
"Pera lang naman habol niyan ni sir kaya katawan nalang ang pinuhunan" sagot naman ni Elen. Isa rin sa katulong na feeling maganda.
Tumikhim lang ako ng marinig ko sila sa loob ng kusina. Malawak ang espasyo ng kusina kaya nag eecho ang boses ng dalawa.
Napalingon lang ang mga ito bigla at nanlaki ang matang nakatingin sa akin
"M-maam k-kanina kabapa dyan?" Utal-utal na tanung ni Elen.
"Hmmm maybe, baka nga kanina pa" aniko at kinuha ang baso at sinalinan ng tubig at uminom.
Nakita kung nagsisihan ang dalawa kaya pinagsidahan ko lang ito ng masasamang tingin.
" Eh ma'am pasensya napo talaga ma'am hindi po namin sinansadya maam. Maawa po kayo s-" ani ni Elen na hindi natuloy dahil sa malakas kung pag lapag sa baso sa isang malaking mesa.
Naririnig ko pang halos mag away na ang dalawa sa pagsisihan ng kung sino ang may sala at nagsimula ng chismisan.
"Baka nakalimutan nyo mga manang, kung saan ako nanggaling at bakit ako nandito. Baka lalabas kayo bigla... ng walang buhay." Aniko sa kanila at kita sa kanilang mga mata ang takot
Nginisihan ko lang ang mga ito at saka na ako tumalikod paalis para babalik sa kwarto kung halos isang buong apartment ko na noon dahil sa lawak nito.
"Ma'am pasensya napo talaga hindi po namin sinansadya huwag nyo po kaming saktan ma'am huhuhu!" narinig kung umiiyak sa likoran ko. Si Cessa.
Aba akala mo naman artista.
"Ma'am pasensya napo huwag nyo kaming patayin ma'am may anak pa po kami maliliit pa ang mga iyon ma'am" ani ni Elen na nakaluhod na umiiyak sa harapan ko.
Sumunod naman sa gawi niya ang isa kaya akala mo namay may actingan. Ano to Pinoy big brother?
" Anong nangyari? " Isang malamig na boses ang narinig ko sa likoran kaya nilingon ko ito.
Isang matangkad na lalaki na naka white long sleeve na may necktie pa sa leeg at naka black slock pants at halatang galit na nakatingin sa akin.
" Pagsabihan mo iyang mga katulong mo Philip. Baka ano pang magawa ko" ani ko at saka tinalikuran ko at umalis.
Iniwan ko ang dalawang nag aactingan. Tssk kala mo naman bagay sa kanila.
Nakaupo ako sa kama habang nag boborda sa isang lampin. Medyo gumaan rin ang loob ko ng tulungan ako ni Aaron kung paano mag burda ng lampin. Isang pangalan ang ibinurda ko roon. Drugo.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto. Nasanay akong hindi mag lock ng pintuan dahil alam kung kahit anong oras ay papasok si Philip na galit at ito torture naman ulit na parang hayop.
" Pinalayas ko na sila" aniya na halatang nasa bukanan pa ng pinto habang nakatayo.
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy parin sa pagbuburda ng pangalan ng lalaking minsan kung naging kasama sa buhay.
" Ayaw kung masaktan ang loob mo Kinsley kaya pinakaladkad ko sila palayo dito. " Dagdag pa niya at narinig kung isinara nito ang pintuan.
Dahan-dahan ko itong ni lingon at nandoon parin ang hinayupak na nakatayo sa may pintuan na nakayuko ang ulo.
Aba parang batang paslit na pinapagalitan ah. Hindi bagay.
" Kausapin mo na ako Kinsley. Tatlong buwan muna akong iniiwasan. Tatlong buwan narin kitang hindi-" aniya na hindi natuloy dahil sa pag sabat ko
" Hindi natikman ganun ba? " Saad ko at agad naman itong napatingin sa akin.
Kita ang mga panga nitong umiigting at ang nga kamay nitong puno ng ugat na nakatingin sa akin.
" Hindi ganun Kinsley. Ganun naba ako kasama? " Aniya at naglakad papalapit sa akin.
Hindi ko naman ito pinigilan dahil kapag papalag ako ay sakit ang maabot ko.
" Kausapin muna ako My little brat. Mamamasyal tayo" dagdag pa nito at napa angat naman ako sa ulo.
Ngumisi lang itong nakatingin sa akin at ako naman ay kabado dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Maaari akong makatakas kapag ilalabas nya ako dito sa mansyon. Total magaling na naman ang balikat at binti ko dahil sa araw-araw na pag asikaso sa akin ni Aaron ay magawa ko na ulit makigpaglaban. Pero kailangan mabawi ko ang lakas ko. Ilang buwan rin akong palaging nakahiga.
Makatakas man ako ay alam ko naman na hahanap hanapin niya parin ako.
Pero anong silbi non kapag wala na akong pagsasabihan ng mga nalalaman ko. Bwesit talaga.
"C'mon my little spy brat. Kausapin muna ako." Aniya na nakangiti.
"Sige mamasyal tayo Philip" saad ko at nakita ko namang ngumisi ito at tumayo na ulit.
"Prepared yourself ipagpadala kita ni Aaron ng damit dito " aniya at mabilis na lumabas ng silid.
Humanda ka Philip. Matitikman mo ang bagsik ng isang api.
#ANGELYNPEN'ER
YOU ARE READING
TORTURED BY A MAFIA (SERIES #1)
RomanceSi Kinsley Villaverde siya ay isang spy na walang kinatatakutan. Miyembro ito sa isang association na walang nakaka alam kahit sino.Kilala ito sa buong campo na isang senior agent. Ngunit sa kabila ng kanyang kagalingan nabihag ito ng isang mafia. S...