TORTURED BY A MAFIA
KABANATA 8
KASABWAT
Kasalukuyan akong naka upo sa gilid ng kama nitong mansyon ni Philip
Dito na ako nagising ng matapos akong latigohin ng 500 bases.
Naka damit na rin ako at pajama pero ngalang wala akong damit pang loob.
Umiiyak ako kung iisipin yung mga nangyari kahapon. Halos mawalan na ako ng buhay sa subrang sakit
Ang higpit ni Philip. Subra.
"Ayan kase tatakas pa" bulalas ni Aaron na nasa kabilang gilid ng kama.
Hindi ko na ito nilingon at pinabayaan ko lang itong pagalitan ako.
"Ayan natamo mo puro ka tuloy pasa" aniya saka hinawakan ang balikat ko
Kasalukuyan niya akong ginagamot para hindi ma infection yung mga sugat ko.
Tumayo ito at saka narinig kung sumara ang pinto.
Ang akala ko ay lalabas ito pero isinara nya lang ang pintong nakabukas.
"May kwento ako" aniya at saka pinagpatuloy ang pag gagamot.
Ngayun ay tiningnan ko na ito sa mukha at doon naiyak ako.
"Bakit kase ganun Aaron, bakit ang lupit niya" aniko at saka umiyak na naman sa harapan niya.
Hindi ko alam pero si Aaron lang yung tanging malapitan ko sa pahanong wala ako sa mood.
Pero ang pangit tuloy tingnan ngayun na umiyak ako sa harap ng isang lalaki.
"Itigil mo yan Kisnley ang pangit mo tingnan" aniya saka ako napatigil.
Sinapak ko ito kahit subrang sakit ng katawan ko
"Aray palagi mo na akong inaalipusta ah"
"Bobo ngayun lang kita sinapak bwesit ka"
Natahimik kami sandali at siya naman au itinuon ang pag gagamot sa akin.
"Ganyan din ang nangyari sa akin noon nung pilit kung bumalik sa Tarecasi Company sampong taon na ang nakalipas" aniya kaya napatingin ako sa gawi niya.
Patuloy pa rin itong ginagamot ang mga sugat ko at nakayuko parin.
"Noong namatay si Drugo, gusto kung bumalik sa Tarecasi kasi gusto kung mag sumbong kaya nga lang pinasurahan ako ni Philip at pinabugbug sa mga tauhan nito. Kaya ayun kalaunan nagpasakop narin ako sa kanya" mahabang salaysay niya.
Hindi ko akalain na siya pala talaga yung Aaron na nitukoy ng commander namin na pinatay kasama si Drugo noon.
Pero ngayun kaharap ko ito at buhay na buhay.
"Bakit si Drugo lang yung namatay hindi ikaw?" Sabi ko saka ito napatingin sa akin.
Bumuntong hininga muna ito bago nag salita.
"Gusto niyang patayin si Drugo. Walang kwenta raw si Drugo noon kaya ayun pinatay niya" aniya saka bumalik ang tingin sa mga sugat ko.
Tumahimik lang ako at pinagmasdan siya sa kanyang ginawa.
"Kawawa naman yung Kuya Drugo ko. Namatay siya sa kamay ni Philip" saad ko saka naman ito napatingin sa akin ulit.
"Patay na si Drugo. Pero si Philip buhay na buhay" aniya na hindi ko naintindihan.
Kumonot ang noo ko kaya nahalakhak ito ng tawa.
"Bukas may darating na bagong katulong. Galing sa Tarecasi. Si Trina ata" aniya na nagpatigil sa akin ng ilang minito.
YOU ARE READING
TORTURED BY A MAFIA (SERIES #1)
RomantizmSi Kinsley Villaverde siya ay isang spy na walang kinatatakutan. Miyembro ito sa isang association na walang nakaka alam kahit sino.Kilala ito sa buong campo na isang senior agent. Ngunit sa kabila ng kanyang kagalingan nabihag ito ng isang mafia. S...