TORTURED BY A MAFIA
KABANATA 17
MANLILIGAW
AFTER ONE YEAR
"Kumain kana naghanda na ako ng makakain natin. Bumaba kana dyan!" si Aaron na sumisigaw galing sa kusina.
For almost three months akong halos hindi makalakad noon ay sa wakas magawa ko ng maihakbang ang mga paa ko.
Nine months narin akong makagalaw galaw ng maayos kaya napawi ko na ang lakas ng aking buong katawan.
"Ito na bababa na" pasigaw kung sagot kay Aaron.
Agad akong bumaba at sumalubong sa akin si Aaron na naka topless lang tanging apron lang ang suot nito at maong na pantalon
"Kain na" aniya saka hinila ang isang silya para maka upo ako.
Sinandukan niya ako ng kanin at ulam at iniligay iyon sa plato.Umupo rin ito katapat ko at nagsimulang kumain.
Simula ng dumating kami dito sa apartment ay palaging siya ang naghahanda ng makakain namin.
Siya narin ang naglalaba ng damit liban sa aking mga undergarments.
"Inaasikaso naman kita sa pagkain Kinsley ah. Bakit parang pumayat ka lalo. Nako naman pag talaga ikaw magkasakit tatawanan kita. Move on move on rin Kinsley. Matagal ng namayapa si Drugo. Hindi ka dapat magpapa apekto ng kahit anong bumabagabag sa utak mo. Tandaan mo nandito pa ako. Trenta y dos pa ako no mabubuhay pa ako ng matagal. Tsaka isipin mo. One year na tayo rito sa apartment wala paring ni sino ang nakakilala sa atin at nalaman na buhay tayo sa kabilang panig. Kaya naman sana alagaan mo ang sarili mo. Nag t-trabaho ako sa construction site kada araw eh. Ni halos Ikaw lang mag isa rito kaya please sige na ha. Nagmamakaawa ako sayo" mahabang saad nito.
Tahimik lang akong tumingin sa plato na may lamang kanin at ulam.
" Sige na kain na, hindi ganyang katawan ang gusto ni Drugo diba. Gusto niya yung maumbok at malusog na katawan mo tulad ng dati kinsley. " Aniya at kinuha ang aking kitsura at kumuha ng kanin at ulam at inilagay roon.
" Say ahh" dagdag pa nito ng sinubuan ako.
" Hindi ako bata Aaron kaya ko" saad ko at kinuha ang kutsara sa kamay nito.
Ako ang nagkusang mag subo sa aking sarili. Ayaw ko ng iasa lahat kay Aaron. Siya na ang nagt-trabaho at nagasikaso dito sa bahay ngunit ako ay palaging nakahiga. Nanghihina at inaalala parin si Drugo.
Tahimik lang kaming kumakain ni Aaron hanggang sa natapos kami. Siya ang naghugas at nagligpit ng mga plato.
Ako naman ay naka upo parin sa silya na aking kinauupuan habang siya ay nakasuot na nang uniporme nito sa construction.
" Tapos na ako. Aalis na ako ah. Babalik pa ako sa construction " aniya saka kinuha ang maliit na kulay itim na bag sa sofa ng bahay.
" Bumalik ka rito Aaron! " Pasigaw kung sabi kaya napalingon ito sa direksyon ko
Napakunot ang noo nito at dali daling bumalik sa sakin.
"May masakit ba?" Pag alalang tanung nito at hinawakan ang ulo at idinampi nito ang kamay sa leeg ko.
"Wala, mag-uusap tayo. May naisip ako. Alam kung hindi ka sanay riyan sa trabaho mong yan kaya umupo ka." Aniya saka sinunod nalang utos ko nito
Umupo ito katapat sa akin at inilagay sa mesa ang bag na kanyang bitbit.
"Ano? May gusto ka sa akin? Nako malabo yan. Magiging single nalang ako habang buhay at tatanawin kang maging masaya." Aniya at akmang tatayo
"Diba sabi ko umupo ka nab-bwesit ako sa mga taong hindi marunong umintindi eh" inis kung sabi kaya bumalik rin ito ka agad.
YOU ARE READING
TORTURED BY A MAFIA (SERIES #1)
RomanceSi Kinsley Villaverde siya ay isang spy na walang kinatatakutan. Miyembro ito sa isang association na walang nakaka alam kahit sino.Kilala ito sa buong campo na isang senior agent. Ngunit sa kabila ng kanyang kagalingan nabihag ito ng isang mafia. S...