TORTURED BY A MAFIA
KABANATA 11
KAMATAYAN
"Kinsley tara na kuhanin muna lahat ng gamit mo tatakas na tayo" sabi ni Trina na nanginginig na
Bumalik kami sa mansyon para kuhanin ang lahat ng gamit.
Si Kurt at Aaron Yung naabotan namin na subrang nagalala naman
"Talaga bang tatakas kayo, pano na si Boss?" Pagtatanung ni Aaron.
Pinakawalan namin ito sa bodega kung saan ito kinulong ni Philip doon.
Mas lumakas pa ang putok ng mga baril sa labas at yung iba namang kasamahan ni Calvin ay nakapasok na.
"Hindi Trina. Hindi ako tatakas kapag hindi ko kasama si Drugo." Ani ko at ramdam ko na ang mainit na tubig na dumadaloy sa pisge ko.
"Wala na, patay na si Philip, I mean si Drugo patay na yun kita mo namang sugatan yun hindi ba" pagpapaalala ni Trina sa akin
"Hindi, buhay si Drugo, hindi siya mamamatay ng ganun ganun lang Trina. May kapangyarihan siya sa buong asya." Saad ko naman at kita sa mga mata ng tatlong kaharap ko ang pag-alala sa kalagayan ni Philip.
"Lalabas ako. Magpapa dukot ako. Hindi ako papayag na mawala na naman sa akin si Drugo. Mahal ko siya Trina sana alam mo na yun. Matagal ko nang hinahanap si Drugo pero ngayung nakilala ko lalayo naman ako sa kanya" pasigaw kung saad kahit na hinang hina na ako.
Halos mabingi na kami sa putukan ng Baril sa labas ng mansyon.
Marami ng patay sa kasamahan ni Calvin at gayun din sa amin
" Anong gagawin mo ha" pagtatanung ni Aaron at may halong pagtataka sa kanyang mukha.
Kumuha muna ako ng lakas magsalita at hinarap ko ang mga ito
" I'll let Calvin Fuck me, mailigtas ko lang si Drugo" saad ko at nakita ko ang paglaki ng kanilang mga mata
Tumayo naman si Aaron kung saan ito naka upo at hinawakan ang ulo niya.
" Kinsley ano ba, ilugar mo naman yang kalandian mo okay. Si Drugo ang abalahin mo at baka patay na yun. Isa pa Kinsley hindi kalang laspagin nung Calvin nayun at baka mapatay kapa sa subrang pagkahumaling sayo nun" ani ni Aaron at tumingin sa labas ng mansyon.
Ang kaninang halos mabingi na kami sa ingay ng mga baril ay napalitan naman ng katahimikan.
Katahimikan.
" Trina, Kurt, Aaron. Buo na ang desisyon ko lalaban ako iligtas ko si Philip. Ililigtas ko si Drugo" ani ko at saka lalabas na sana ng silid.
"Kinsley baka mamatay kapa don, sasama kami. Sasamahan ka namin, iaalay namin ang buhay namin para sayo at kay Drugo. Hirap mapigilan ng pag-ibig" saad naman ni Trina at tiningnan ang dalawa na ngayuy depress na ang mga mukha.
Lumabas kami ng mansyon at doon nakita namin ang mga nagkalat na patay na mga associates
Maingat kaming nagmasid sa paligid at naka handa ang isat isa.
Si Aaron ay may hawak na palakol at sa gilid naman nito ang baril. Medic lang ito pero may karanansan sa pakikipaglaban
Si Trina naman ay hawak ang isang martilyo at sa kabila gilid naman nito ang hand weapon.
Si Kurt ay may hawak na arms light na puno ng bala at ang hand weapon nito.
Ako naman ay may hawak na baseball bat at handweapon sa gilid ng aking pantalon
Medyo may liwanag narin dahil nga ay alas sinco na ito ng umaga.
Dumating kami sa pinagyarihan na kung saan nagtatalo si Calvin at Philip roon. Pero ng makarating kami ay wala na ang dalawa.
YOU ARE READING
TORTURED BY A MAFIA (SERIES #1)
RomansaSi Kinsley Villaverde siya ay isang spy na walang kinatatakutan. Miyembro ito sa isang association na walang nakaka alam kahit sino.Kilala ito sa buong campo na isang senior agent. Ngunit sa kabila ng kanyang kagalingan nabihag ito ng isang mafia. S...