Chapter 9

7.1K 271 19
                                    

Two weeks before my birthday, sinesermonan ako ni Kuya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong napipiling dress para sa birthday ko.

"Keith, she's also busy. Pick anything you like!" Iritang sabi niya. Nagrereklamo na kasi yata iyong friend niyang designer na hindi pa rin nasisimulan ang damit ko dahil wala akong nagugustuhang design.

"I'll pick later after class, Kuya. Bye!" Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at lumabas na ng bahay.

Yuell Kinn Del Rio
Be back right after class or you're suspended for another week. You need to pick your dress ASAP, Keith.

I sighed, bahala na. I looked at my bag where my invitations are. Ibibigay ko ito sa mga kaibigan ko.

"Thanks Yenna! Omg, I am excited." Claire said.

"The invitations were already printed but I still couldn't choose a dress." I frustratedly said.

Napatingin ako sa bag ko nang may kumuha ng pansin ko. May isa pang invitation? May nadampot yata akong isa pang invitation.

Lady Rhianne Gell Rianzares

Invited si Lady Rhianne? Ibig sabihin ay invited rin siya sa mga nakaraang birthday parties ko? Dahil sabi ni kuya, iyon din ang list noong mga nakaraan. Bakit hindi ko siya napapansin noong mga nakaraang birthdays ko?

Matapos ang klase ay nagmadali akong dumiretso sa basement parking, umaasang naroon pa si Lady Rhianne.

"Why are you running again, darling?" I looked at her. Naroon ulit siya't nakasandal sa sasakyan niya.

"I—I was looking for you, baka hindi kita maabutan dito." I said.

"I'm always waiting for you here, right?" She chuckled.

"Do you have someone to fetch you?" Tumango ako at inilibot ang paningin sa paligid. Wala pa ang sundo ko. I looked at my watch, ang alam ng sundo ko ay may last class pa ako. Mamaya pa siguro siya.

"Can I... go with you first?" She raised an eyebrow at me. Napakagat ako ng labi ko. Ang kapal ba ng mukha ko?

She walks toward the door of her car's passenger seat and opens it. Malaki ang ngiti ko nang sinundan ko siya at pumasok ako sa sasakyan niya.

Umikot siya para sumakay din sa driver's seat at sinimulang paandarin ang sasakyan niya.

"Lady... Bakit wala kang driver?" I asked. Hindi kasi ako pinapayagan ni Dad na mag-aral magdrive. Mas gusto nilang may naghahatid sa akin.

"I don't like drivers. There are already a lot of people in the mansion, at least I want to be alone in my car. Mayroon namang nakapaligid sa aking mga body guards, they're watching me from afar, ready to take action whenever needed." Tumango ako. Imposible nga namang literal na mag-isa siyang umaalis. She's the heiress of the wealthiest clan in the country kaya hindi rin basta basta safe at madali ang buhay niya.

Nagmeryenda kami sa dining area niya nang makarating kami sa mansion.

"Come here, darling." She gestured for me to sit on her lap again. I bit my lower lip, remembering what happened the last time I sat on her lap in this dining area.

"I will just hug you." She said and lent me her hand.

Naalala ko ang invitation. Hinalikwat ko ang bag ko at kinuha iyon bago ako lumapit sa kaniya't umupo sa hita niya.

"What's this?" She then read her name in front of the invitation.

"Oh, you're turning 22." She smiled. Ipinulupot niya sa akin ang isanag braso niya bago binuksan ang invitation.

Lost in the Lady's WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon