Chapter 13

5.6K 230 22
                                    

Masarap magluto ang mga kaibigan ni Lady Rhianne pero sobrang ingay talaga nila. Nagustuhan ko rin ang ginawa ni Violett sa buhok ko dahil nilagyan niya ng mga pink yarns ang braid ko.

"Here, wear this." Binigyan ako ni Lady Rhianne ng pyjamas set na burgundy.

"Sa'yo 'to?" I asked. Agad naman akong napangiti nang tumango siya.

Inamoy ko iyon at hindi ako nabigong maamoy siya mula sa pyjamas.

"You can smell me directly, darling. Why settle for my clothes?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"I-I'll take a bath." Sabi ko at nagtungo na sa bathroom niya.

Nagyayang manood ng movies ang mga kaibigan niya pero sabi ko'y maghahalf bath muna ako dahil medyo nanlalagkit na ako.

Since naligo naman na ako kaninang umaga, I chose to put up the braided hair inside a shower cap para hindi iyon matanggal. Violett spent almost an hour making them.

"You smell so good with my bath soap." The Lady smelled my nape nang makalabas ako sa bathroom. Narito pa pala siya sa kwarto. Nakatakip lamang ng malaking tuwalya ang katawan ko.

Nagshower din si Lady Rhianne kaya hinintay ko siya bago bumaba. Nang bumaba kami'y marami nang pagkaing nakalagay sa center table. Nagpadeliver yata sila dahil mayroong box ng pizza, potato waves, fries, friend chicken, chips, at kung ano ano pa.

"What do you wanna watch?" Ako ang tinanong ni Magenta.

"K-kahit ano."

"Inside Out na lang! Wala pa ba kayong copy?" Ricky asked. Nanonood pala sila ng ganoon?

"Haven't asked my secretary for that." Lady said.

"'Ba 'yan! Kahit ano na lang." Nauwi kami sa horror films.

Nakaupo kami ni Lady Rhianne sa sofa, sina Rendon at Lei ay magkasama sa isang loveseat, Magenta, Ricky, and Violett sitting on the floor, at si Jhie at Uriel ay nasa magkaibang solong upuan.

Lady Rhianne gave me a blanket. Fully air-conditioned kasi ang rest house na ito kaya naman imbes na mayroong mga vacant spaces to go outside, sliding doors ang naroon.

Ibinalot ko ang aming mga sarili sa blanket before I leaned my head on her shoulder para makasiksik ako sa kaniya. Ramdam ko na rin nga kasi ang lamig. Hindi naman siya nagreklamo roon.

Under the blanket, I felt her hand on mine na hindi ko rin naman pinigilan. She's caressing my hand from time to time habang nanonood kami ng movie habang ang kabilang kamay niya ay sinusubuan ako ng mga pagkain o pahihigupin ako ng inumin. May straw iyon kaya hindi kami nahihirapan.

Inabot kami ng madaling araw at tulog na ang kambal. Si Magenta ay nakahilig sa balikat ni Ricky habang si Violett ay sa hita naman niya. Tingin ko'y tulog na rin si Ricky dahil ramdam kong bumibigat na rin ang kaniyang paghinga.

I looked around and was stunned to see Jhiezzel looking straight at me. Hindi naman siya napapansin ni Lady Rhianne kaya hindi ko na rin pinansin. I closed my eyes at hinayaan din ang sariling makatulog sa balikat ni Lady Rhianne.

Nagising akong magkayakap kami ni Lady Rhianne dito sa sofa. Malaki naman ito kaya kasya kaming dalawa.

"Swimming na huyyyy!" Ginising ni Violett si Lady Rhianne na agad kumunot ang noo.

"Go drown yourselves. Let me stay with my darling." Nakapikit na bulong ni Lady Rhianne. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Ang KJ! Gusto rin maligo ni Yenna!" Inugog siya ni Violett.

She opened her eyes and drifted her gaze on me.

"You wanna swim?" She asked, halata pa sa boses niyang inaantok pa siya.

Lost in the Lady's WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon