Chapter 16

6.3K 222 41
                                    

"Yenna, wake up!"

"O-Ophie—," nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ophie at Hester.

"What are you doing here?" I asked, confused.

"Kinukulit ako ni Hester kanina when I went here. He said he wants to see you kaso sabi ng Kuya mo, nandito raw ang Mommy mo. We waited for him to text kung kailan pwedeng pumunta." She said. Lumingon ako sa orasan at nakitang 1am na.

"May pasok tayo bukas, are you coming to school?" Hester asked. I want to laugh.

"You came here just to ask that?"

"Syempre baka mamaya hindi ka na pumasok edi hindi ka na namin nakita!" Sabi naman ni Ophie.

"I don't know yet. Hindi ko alam ang plano ni Mommy o kung papapasukin niya ba ako." I said.

"Here... Your Kuya bought you a new phone. He asked me to give you this." Ophie said and handed me a phone. Mom confiscated my phone as well.

"Thank you." I turned the phone on. Kailangan kong mag-ingat na hindi makita ni Mommy ang cellphone na ito.

"Hindi kami pwedeng magtagal rito, Yenna, I'm sorry. Your Kuya's just trying to control the situation for us. Send us a message if your Mom allows you to go to school or not, okay?" I nodded.

"Ophie—,"

"Shut up Hester. We have to leave." Mariing sabi ni Ophie.

"Tangina kasi, masasapak ko 'yang si Jusue e." Mukhang alam na rin ni Hester ang nangyari.

"We better go—,"

"Ophie... A-alam ba ni Andy at Claire?" I asked. Umiling si Ophie.

"Ako lang ang sinabihan ng Kuya mo. Nahuli lang ako ni Hester kanina palabas ng street niyo." Napatango naman ako.

"Bye, Yen." Ophie kissed me on my cheek before going out of my room kasama si Hester.

I was about to install messenger but I chose not to. Malalaman ni Mommy na active ang socmeds ko and I can't risk that. Hindi niya dapat malaman na may hawak na akong cellphone.

I opened the contacts, naroon naman ang number ni Kuya at Ophie. I guess that's fine.

Natulog akong muli at nagising sa katok sa pinto ko.

"Ma'am pinagigising po kayo ng Mommy niyo. May pasok daw po kayo." I looked at the clock and saw that it's just 8 in the morning. Akala ko naman ay malelate na ako.

"I'm awake." I said and I heard footsteps walking away from my room.

I took my time in the shower habang iniisip kung ano'ng gagawin ko ngayong araw. Siguro'y idadahilan ko na lamang sa mga kaibigan kong busy ako sa requirements namin para makauwi ako agad. Tutal ay malapit na ang OJT namin, naghahabol din talaga ng oras sa requirements.

Si Kuya ang nag-asikaso ng OJT ko dahil busy ako sa thesis. Sabi naman niya'y siya na raw ang bahala roon dahil pwede namang ssa company namin ako mag OJT.

"Jusue's waiting for you. Bilisan mo ang mga kilos mo." Mom said. Jusue? Why would he wait for me?

"I don't want to go with him, Mom. I'm good with my bodyguards and driver." Tumaas ang kilay ni Mommy pero hindi na siya nagsalita tungkol doon at itinuloy ang pagkain.

Nang lumabas ako ng bahay ay naroon nga si Jusue but I still called my driver.

"Yenna—,"

"Let's go." Pinagsarhan ko siya ng pinto ng kotse. Nakasunod din sa amin ang sasakyan ng mga bodyguards na ipinadala ni Mommy. Hindi ko alam kung ano'ng sinabi niya sa kanila. Hindi ko alam kung sasama ba sila sa klase ko o ano.

Lost in the Lady's WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon