Chapter 17

5K 191 33
                                    

"The Lady? Girlfriend?" Tulalang ibinaba ni Hester ang hawak na tray at nanlalaki ang mga matang dahan-dahang tinatakpan ang bibig niya. Shit, he heard.

"G-girlfriend? Lady?" It's like he was shouting yet he's whispering when he removed the hands covering his mouth.

"Yenna! Ano? Totoo? Girlfriend mo? Lady? As in Lady Rhianne? The Lady of Rianzares?" Mabagal ang pagbigkas niya ng mga salita habang parang sumisigaw pa rin nang pabulong, tila namamangha siya sa narinig.

"Shut up, Hester! Sit down." Inis na sabi ni Ophie at hinila paupo si Hester.

"Wait, wait, hindi ako makahinga." Pinapaypayan ni Hester ang sarili.

"Seryoso? The Lady?" Patuloy siya sa pagpapapaypay sa sarili. Mukha namang hindi siya naiinis o nandidiri sa namumuong kung ano sa utak niya, parang excited pa siya sa nalaman niya.

"She's not my girlfriend." Finally, nasabi ko rin iyon.

"Not yet." Ophie cleared.

"Teka, paano? Gagi, malandi ka!" Natatawang sabi ni Hester.

"Siya ang lumandi sa a—," I bit my lower lip. Masyadong pasmado ang bibig ko.

"Ikaaaw haaa," sinundot sundot ni Hester ang tagiliran ko. Ano ba naman itong taong ito! Ang laki laking lalaki tapos ganito mang-asar.

"Shut up na nga Hester. As I was saying, the lady wants to see you. I told her that the situation is just because of your Lolo receiving death threats, kaya pinapalibutan ka ng mga bodyguards." Ophie said.

"Paano ko naman matatakasan ang mga bodyguards ko? Tingnan mo nga sila, halos hindi na sila kumurap sa kakanood sa bawat galaw ko." Iritang sabi ko.

"Ako'ng bahala." Ophie smirked. Kinakabahan ako sa kung ano'ng pinaplano niya.

Hindi ko alam kung ano'ng pinaplano ni Ophie. Yes, I'm waiting pero tapos na ang mga klase namin ay wala pang ginagawa si Ophie.

"Girl, you have tagos omg!" Literal na bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin iyon ni Ophie at mabilis niyang pinuluputan ang beywang ko para matakpan ang pwetan ko ng dala niyang hoodie.

"Hester, bili ka ng napkin bilis! Puntahan mo na lang kami sa CR sa 2nd floor!" Hiyaw ni Ophie.

"Ophie, 'wag kang sumigaw ano ba?" Bakit ba pinaghihiyawan ng babaeng ito na may mens ako?

"Sige, hintayin niyo 'ko!" Tumakbo na si Hester pababa ng building.

"Oh ano, hanggang paglalagay ng napkin susunod kayo?" Natigilan ang mga bodyguards ko nang taasan sila ng kilay ni Ophie.

"Hintayin ka namin sa labas ng building, Ma'am Yenna." Tumango ako roon sa isa.

Naunang umalis ang mga bodyguards ko.

"Mga bobo, tara na!" Mabilis akong hinila ni Ophie sa kabilang hagdan ng building nang makita sa glass windows ng building na palayo na ang mga bodyguards ko. Tumigil sila sa ilalim ng puno, ilang metro ang layo mula sa building.

Ipinasok ako ni Ophie sa CR ng 2nd floor.

"Ophie, ano bang—,"

"Here, isuot mo." May dala siyang ibang kulay ng hoodie, flat shoes, at skinny jeans. Wtf? Akala ko ba'y maglalagay ako ng napkin?

"Ophie—,"

"Bilisan mo, masamang pinaghihintay ang Lady ng Rianzares." She smiled.

Wala sa sariling napangiti rin ako't mabilis na nagbihis. Nakuha ko na ang gusto niyang mangyari. Wala talaga akong mens.

Lost in the Lady's WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon