Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Why does it feel like everything is getting more complicated? Bakit ako napadpad sa ganitong sitwasyon? Why is it me always na pinagigitnaan ng dalawang tipak ng batong dudurog lang din sa akin? Akala ko tapos na yung mga nangyari kagabi pero 'di pa pala. May mas malala pang ipapagawa ang damuhong 'yon sa akin na hindi ko kayang gawin. Tangina niya, ano? Papatayin niya ako roon sa selos? Bahala siya.
Flashback
It's Saturday. Finally, a rest day na hinahanap-hanap ko. Ngunit ang ine-expect kong magandang bungad sa gising ko ay tila mananatili lamang na panaginip magpakailanman.
Napaungot ako nang tumunog ang cellphone ko-hindi sa alarm kundi sa tawag ng demonyo. I squint my eyes on it at pinahinaan muna ang brightness at tsaka sinagot.
"Hello," Parang lumabas ang kaluluwa ko nang marinig ang malalim niyang boses sa kabilang linya. Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga at napaupo sa kama kahit na papungas-pungas pa.
"O-Oh?!" Sinubukan kong kunyari ay naiinis nang tumugon ako.
"Did I wake you up?" Oo, tangina mo!! Pero 'di ko iyon sinabi. Ka-aga-aga pero nagmumura na kaagad ako sa isip. "Ibababa ko na 'to if you still want to sleep."
"Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na, inistorbo mo na ako." He sighed deeply na para bang pasan-pasan ang problema sa buong mundo. Inistorbo ako and now he wants to hang it up just because he thinks I'm sleepy? Masusuntok ko talaga 'to eh.
"I'm here at the parking lot of your condo building." I checked the current time at nakitang it's still 6:30 AM. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo sa inis.
"Maghintay ka. I'll hang up now." Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at binaba na ang tawag. Inayos ko muna ang sarili at naghilamos. Baka masabihan pa ako nun na dugyot.
Tahimik pa ang hallway hanggang sa makababa ako dahil nga medyo maaga pa at mostly sa mga nasa rooms ay tulog pa. Naglakad ako papunta sa parking lot kung saan ay nadatnan kong nakasandal si Kiernan sa kotse niya, arms crossed, expression cold as ever habang nakatitig sa phone niya.
I cleared my throat para kunin ang atensyon niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, and I saw his adam's apple bob up and down, as if he swallowed something hard.
"Pwede namang mamaya 'di ba?"
Napakamot siya sa ulo. "Sorry for disturbing you but... it's all about the message you sent last night."
Ilang beses pa akong napakurap nang bumalik lahat ng mga pinagsasabi ko sa kaniya kagabi at mga agam-agam na tila bangungot na paulit-ulit na gumagambala sa panaginip ko. "U-uh, y-yes-of c-course!"
I hesitated. Alam kong hindi magiging madali 'to. Mariin akong napapikit. "Gusto ka niyang yayain sa dinner."
Tahimik lang siya. Pero kitang-kita ko kung paano bahagyang tumigas ang panga niya. His grip on his phone tightened, at parang lumamig pa ang tingin niya sa akin. "And?"
"Gusto niyang pumayag ka. It's just one dinner."
Hindi siya sumagot. He just stared at me-long and hard-na parang sinusuri niya ang susunod kong hakbang. Oh shit, I look like a Reize' bait in this frame.
Then, his lips curled into a slow, calculating smirk. "Ayoko."
Napairap ako ngunit hindi maikakailang nagulat din sa tinuran niya after he smoothly swifted his emotions. "Kiernan-"
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romance[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
