'Multo'. Ang mga akala kong totoo na, gawa lang pala ng mga malikmata.
_________
Isang linggo. Naging isang buwan. Tatlumpung araw. Pito-daan at dalawampung oras. Apatnapu't tatlong libo, dalawang daang minuto. Dalawang milyon, limang daan at siyamnapu't dalawang libong segundo. Pero pakiramdam ko, mas matagal pa doon ang lumipas. Mas matagal pa sa kahit anong unit ng oras na kaya kong bilangin. Kasi, sa bawat segundo, minuto, oras, at araw na lumilipas, mas lalo kong nararamdaman yung bigat ng pagkakamali ko. Yung bigat ng mga salitang binitawan ko. Yung bigat ng distansya.
Isang buwan na ang nakalipas mula nung huling beses na nakita ko siya. Mula nung huling beses na tumugon ako sa halik niya. Damn it. Sumasakit lang lalo ang ulo ko tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring 'yun. I didn't even know why the heck did I responded with that kiss.
I really thought I was ready to face him and his world after that. But that memories remained a pang in my chest na paulit-ulit tinatarak ang puso ko sa sakit hindi sa kadahilanang hindi pa ako handa pero sa konsensiya. Gabi-gabi akong binabagabag ng mga agam-agam kung naging tama ba ang desisyon ginawa ko. But I hurt him-again.
Pero mas masakit yung sumunod. Yung mga salitang lumabas sa bibig ko.
Flashback
Ako ang unang kumawala sa halik naming dalawa when I sense something is off.
"K-kiernan... hindi pa ako handa." Sabi ko sa kanya, halos pabulong. Parang may malaking bato na nakabara sa lalamunan ko. "S-sorry,"
He showed me a confused look.
"I-I still l-like, Reize."
Ang sakit. Ang sakit sabihin sa kanya yun. Ang sakit sabihin sa sarili ko yun. Kasi deep down, alam ko na hindi yun ang totoo. Alam ko na may ibang nararamdaman ako para sa kaniya. Isang bagay na mas malalim, mas matindi, mas... totoo. Pero takot ako. Takot ako sa kung anong sasabihin ng mundo. Takot ako sa kung anong mangyayari sa aming dalawa. Ginagawa ko nalang panakip butas si Reize na kahit anong pilit kong ipagsisikan ang sarili ko, lugmok pa rin. Takot ako sa sarili ko.
"I just... I just needed to be sure," dagdag ko pa, trying to justify my actions. "I needed to know if... if what I was feeling was real."
Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Paano ko nasabi yun sa kanya? Paano ko nagawang saktan siya ng ganun?
I just fucking made a decision that I know could affect my mental state again. Tinago ko iyon sa mga kaibigan ko and fighting for it alone for almost a month.
End of flashback
Siguro, tama nga siya. Siguro, nasaktan ko siya ng sobra. Siguro, hindi niya na ako mapapatawad. Siguro, tinanggap na niya na hindi talaga kami pwede. Siguro, galit siya. And honestly, I won't blame him if he is. I deserve it. I deserve all the anger, all the pain, all the hurt. Kasi ako ang may kasalanan. Ako ang sumira sa lahat.
Pero kahit ganun, hindi ko pa rin maiwasang umasa. Umasa na baka isang araw, magkikita ulit kami. Umasa na baka isang araw, mapapatawad niya ako. Umasa na baka isang araw, mabibigyan pa kami ng chance.
I would like to talk to him at ipakita na nagsisisi na ako but how?! Ni anino niya ay hindi ko mahahilap saang lupalop man ako pumunta. I tried reaching through his socials pero he's just leaving me on read. Good thing na hindi niya ako bina-block sa sobrang kakulitan ko. I even ask Ishaan and Kuya Morvan about his whereabouts but they just keep saying na busy ito sa pag-aaral.
If I know, they are hiding him from me. Hindi ko na rin nakikita si Reize na kasama siya. One time, pasikreto kong sinundan ito nang may sumundo sa kaniyang kotse na hindi pamilyar sa akin. Not until, huminto ito at lumabas ang driver. It was a man. But not Kiernan. I wonder who's he but then again, it doesn't matter anymore.
BINABASA MO ANG
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romansa[1st Series under IKIGAI] Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy h...
