17

9K 224 53
                                        

Tuluyan kaming nakarating sa family owned beach resort ni Kiernan pasado alas-dos ng hapon.

Lulan ako ng matte Black Range Rover niya kasama sina Ivelle at Joshua. Josh even insisted na dadalhin niya ang kotse niya but Kiernan said na sa kaniya nalang daw kami sasakay.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko nang huminto na ang sasakyan. Bumaling ako kina Ivellena hindi mapigilang mag-video-video habang katabi ang isa na tahimik lang sa likod.

Pagbaba namin, agad akong sinalubong ng simoy ng dagat. Sa harap namin ay bumungad ang malawak na white sand beach at eleganteng resort villas na parang mga imahe sa travel magazines.

Tumungo si Kiernan sa likuran at binuksan ang trunk para kunin ang bags namin.

"Ang ganda," bulong ni Ivelle, "Ang elegante talaga ng afam mo beh."

Tahimik lang si Joshua habang pinapahid ang pawis sa noo, clearly overwhelmed as I noticed.

Ilang minuto lang, dumating ang isang navy blue Audi Q8. Mukhang kakalabas lang sa carwash, sobrang kintab pa ng pintura. I saw Kuya Morgan na bumaba sa drivers seat, sumunod si Reize na nag-wave agad sa amin. Lumiwanag naman ang mukha ko.

"Elio!" sigaw ni Reize.

I waved back too, pero bago pa ako makasagot, sumunod namang dumating ang convoy nito—isang customized na silver van.

"Fuck, they're here." Biglang sabat ni Kiernan. Lumingon ako sa kanya at tila problemado itong nakatingin sa van na dumating habang buhat-buhat ang bags naming dalawa.

Isa-isang bumaba ang mga kaibigan niya. Napatulala agad ako sa kung gaano sila katangkad halos. They all look like a foreigner na may mga half Filipino genes. Agad na umingay ang mga ito nang makababa. Rinig ko pa ang mahihinang pagmumura ng katabi ko.

At I didn’t expect the last person to step out at the van. Nakasuot ito ng black crop top, ripped jeans, combat boots and a shades. That badass outfit.

"Omygad, ang ganda jusko." Pabulong na saad ni Ivelle. "Sino ba 'yan?"

"Lenora Nixie De Luca," sagot ni Kiernan, deadpan. "Keegan's cousin. Yung mukhang asungot na nakablack."

I stared hard at natulala na lang. Literal akong natigilan sa kinatatayuan ko.. Ganito siguro ang pakiramdam kapag nakita ng isnag die hard fan ang idol niya na akalang sa online lang makikita.

Tumingin ako kay Kiernan. "Part siya ng circle mo?"

Umikot ang mga mata niya at tamad na tumango. Hindi ko iyon pinansin at pinako muli ang mata kay ate Lenora.

"Wow, can't believe it. Ang liit lang ng mundo." I'm so stupid at the part na iisang school lang pala sila ng isang 'to at hindi malabong magkakilala sila dahil their cof is famous sa univ nila.

At lalo akong nanlamig nang biglang lumapit ito mula sa kinaroroonan namin. Sumunod ang iba pa nilang kaibigan. Napalunok ako nang ngumiti ito.

"Ikaw si Elio, 'di ba?" tanong niya, kalmado pero may slight amusement sa boses.

I almost squeaked. "Uh—uhh—ye-yes. That's me."

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon