10

8.7K 178 19
                                        

Dahan-dahan akong napamulat ng mata nang maramdamang wala na akong katabi sa hinihigaan. Napabangon ako at tinawag ang pangalan niya pero wala talaga.

Instead, I just saw a sticky notes na nakadikit sa study table ko. Ba't ba ang hilig niya sa mga ganito.

'Eat your meal in the kitchen. Pinagluto na kita as a thank you for letting me stay here again. Until next time! :)' - Kier

Kaagad kong nasipat ang sariling mukha sa salamin na nakangiti. Inayos ko naman ang sarili ko at ginising ang sarili na baka natutulog pa at naghahalucinate. Wala ng next time, ulol!

I get myself ready na rin after reading his notes at sinunod siya. Alangan namang hindi ko kakainin ang efforts niya. Pero sa totoo lang, masarap naman talaga ang niluto niya. He's like a professional chief to be honest. Or more like a husband material.

And your are his wife!

Napangiwi ako sa sigaw ng aking isipin at nanginig. Agad ko na itong winaksi at binilisan na lamang ang pagkain. Gago yun ah.

Pareho ng panahon ngayon. Gloomy rin ang pakiramdam ko. Ewan ko, simula kanina paggising ay nilalamig talaga ako, sinisipon at medyo masama ang pakiramdam. Kulay gray lang ang makikita sa buong kalangitan. Walang araw, tanging ulap lang lahat.

Ayoko rin naman umabsent kasi ngayon ang long quiz namin. Ewan ko ba, sa buong magdamag na ulan kagabi wala man lang announcement ng cancellation of classes. Nakakabanas pumasok.

Pumasok pa rin ako kahit na nakakaramdam ng kaunting pagkahilo. Pagkarating ay nadatnan ko ang lahat sa classroom na busy sa kanya-kanyang study. Umupo ako katabi ni Ivelle na ngayo'y taimtim na nagbabasa sa notebook niya. Napahinto ito nang mapansin ako.

"Oh? Ba't namumutla ka? Anyare sa 'yo?" Kunot-noong tanong niya. Nilapat nito ang kamay sa noo ko.

"Huy, nilalagnat ka. Ba't kapa pumasok?" May kalakasang sigaw niya. Napalingon naman si Joshua sa amin. I remove her hand at me.

"Huwag ka ngang OA, sinat lang 'to." Mas lalo niya lang akong sinamaan ng tingin.

"Gago ka ba? Eh ang init-init mo na oh."

Lumapit din si Joshua ng bahagya para kapahin ang noo ko. Napaigtad pa ito nang lumapat ang palad niya dito. Napabuntong hininga naman ako. Kaya pala sumasakit ang ulo ko at nilalamig. Inaapoy na pala ng lagnat.

"Are you sure you're okay? Magpahinga kana muna sa Infirmary." Mahinang usal niya but I just shook my head in keeping stay strong eventhough isang suntok lang sa akin ay hihiga na ako sa sahig.

"I'm alright, Josh. Ang oa niyo talagang dalawa, kaya ko 'to. Mag q-quiz pa tayo kaya continue your study session."

"Don't be too hard to yourself naman, Eli. At tsaka, ano bang nangyari kagabi? Akala ko ba may payong ka? Eh hindi ka naman magkakasakit kung 'di ka nabasa ng ulan ah." Hindi ko siya tiningnan dahil alam kung huling-huli niya na ako. Napalunok nalang ako at hindi alam ang sasabihin.

I get their sincerity and I feel sorry about them kasi tila binabalewala ko lang but I just want to get things worse so that the discussion will not get longer.

Magsasalita pa sana ako when the teacher for our first subject arrive. Natahimik naman ang lahat at nagsikanya-kanya ng balik sa kanilang mga upuan.

"Okay class, since wala namang announcement na suspended ang klase ngayon. Let's have a quiz, get 1 whole sheet of paper."

'Hala ma'am!'

'Pwedeng bukas nalang, ma'am?'

'Maawa ka sa amin ma'am huhuhu!'

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon