12

7.9K 232 52
                                        

(Song for this week's update. RIP sa puso mo Eli haha.)

______________

"You sure you didn't forget anything?"

"Oo nga!" Naiinis na turan ko. Kanina pa siya na parang sirang plaka sa pagtatanong na tinutugunan ko naman ng paulit-ulit  na sagot.

"Just making sure tho," pabulong na usal niya. Naiiling naman akong pumasok sa kotse niya. Suot ko ang panibagong damit na mula na naman sa kaniya. Magkaka obligasyon na naman ako sa pagsasauli nito sa kaniya.

Pumasok na siya ng sasakyan tsaka sinarado ang pintuan. I made sure na naka seatbelt na ako dahil baka kung ano na naman ang mangyari. Nag assume ako na iyon ang dahilan kung bakit siya napatingin sa akin bago niya pinaandar ang sasakyan. Ngumisi na lang ako sa kaniya at itinuon ang tingin sa labas. Medyo makulimlim pa rin ang panahon pero wala ng ulang babasa sayo sa labas.

Habang binabagtas ang daan, binuksan niya ang stereo at may pinatugtog nang kung ano.

Young and fine and dark and handsome

The boy from South Detroit keep bossing

Sumasabay rin siya sa pagkanta but siya lang naman din ang nakakarinig ng boses niya. Dahil sa pagka buryo ay sumasabay din sa beat ang ulo ko ngunit hindi naman exaggerated.

Young and he fine and he tall and he handsome (oh, yeah)

Talkin' so fine, I might hold it for ransom

Put it in drive, I'm not shy, I might let ya

Cruise all night

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaniya nang kumanta na ang linya na yun sa bmf ni sza. Agad akong umiwas ng tingin at ramdam ang pag-iinit ng mukha dahil pareho lang pala naming ginawa 'yun sa isa't isa. At ang mas kinaiinis ko ay ang nakangisi niyang mukha. Mukhang nag-eenjoy pa ang gago. Grr, bweset ka talaga!!

30 minutes later.

Nakahinto kami ngayon sa harap ng building na kinaroroonan ng condo ko. Kiernan was gripping the steering wheel of his Porsche 911 Turbo S, the soft glow of the city lights reflecting off the sleek dashboard. Ginabi na kami. Sa lakas ng ulan kanina, hindi ko inexpect na ganito kabilis bumalik sa normal ang panahon. 

Tahimik lang kami. Walang nagsasalita. 

"Thanks for the ride," I finally said, unbuckling my seatbelt. 

"Mm," was all he said, pero hindi pa rin siya gumagalaw. 

I turned to him, raising a brow. "Baka naman pwede mo ng buksan ang pinto ng sasakyan mo." 

He smirked. "Bukas 'yan, baka ikaw nga tong ayaw pa umalis eh." 

I rolled my eyes. "Feelingero." 

Ngunit nang akma na akong bubuksan ang pinto, he suddenly gripped my wrist. I looked at him in surprise. 

"Wait." His voice was serious now. 

I frowned. "What?" 

Pinaglaruan niya ang steering wheel, as if contemplating something. Then, he finally spoke. 

"That person—Xiee. Do you wanna know who she is, right?" 

Nanlaki ang mata ko. "What—Hindi—" 

"You're bad at lying, Eli," he chuckled, pero kita ko sa mukha niya na hindi lang basta pang-aasar ito. "Alam kong nakita mo ang messages na tinext niya sa phone ko."

IKIGAI Series #1: EstrangheroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon