FTMBD
From: 09**********
Where are you?
Dahan-dahan kong ininom ang juice na binili ko sa cafeteria habang paulit-ulit na binabasa ang text na natanggap ko kanina habang naglilibot. Hindi ko ito magawang replyan kasi, first of all, hindi ko naman kilala kung sino.
Wala man lang pangalan. Wala ring kasunod na message. Ni hindi man lang nagpakilala kung sino siyang Poncio Pilato. Pero baka wrong send lang?
Binaba ko sa gilid ang juice at kinagatan naman ang sandwich. Habang ngumunguya ay naglalaban ang dalawang bahagi ng utak ko kung dapat ba akong mag-reply o hindi.
Hindi ko na dapat ito pinoproblema, pero pakiramdam ko kasi, kailangan ko siyang pansinin.
Seryoso akong nag-compose ng reply nang biglang mag-vibrate ulit ang phone ko. This time, may tumatawag—with the same number parin. Sa sobrang gulat ko, muntik ko pang maitapon ang phone.
Shit.
I hit the answer button and put the phone to my ear, not saying anything. Mahirap na. Baka scammer lang.
"Where are you?"
(●__●)
That voice...
"Young Master Demetrius?"
Paano niya nalaman ang number ko? Well, marami siyang koneksyon kaya hindi ko na dapat tanungin pa. Ang dapat kong pagtakahan ay kung bakit siya tumatawag sa'kin. May nagawa ba akong kasalanan?
Nang wala akong marinig mula sa kabilang linya, nilayo ko ang phone sa tenga para tingnan kung on-going pa ba ang tawag. Nang makita kong naka-timer parin, binalik ko ito sa tenga.
"Uhm... Young Master Demetrius? Hello? Young Master, yohooo!"
Walang sagot. Tanging paghinga lamang niyang kalmado ang naririnig ko sa kabilang linya. Pero at least alam kong buhay siya.
Napabuntong-hininga ako, at napangiti nang may maisip na kalokohan. "Young Master... Do you wanna build a snowman? Come on let's go and play. I never see you anymore, come out the door. It's like you've gone away! We used to be best buddies, and now we're not. I wish you would tell me why~"
"What are you doing?"
Nagpigil ako ng tawa nang marinig ang boses niya. Nai-imagine ko na ngayon ang kunot niyang noo. Kasalanan niya 'to. Napakanta tuloy ako. Bakit kasi tatawag siya tapos tatahimik lang? Sana nag-text nalang, 'di ba? Tsk.
"I'm singing you a song, Young Master. You're calling, yet you don't talk. How can I possibly know why you called in the first place?" nakanguso kong sabi atsaka tumayo.
Bitbit ko ang juice at sandwich, lumapit sa harang ng rooftop para pagmasdan ang mga estudyante sa ibaba. Dito ko piniling kumain ng lunch kasi sobrang ingay sa baba. At oo, kahit nakakagutom na sandwich at juice lang ang lunch ko, wala akong choice kasi nakalimutan ko magdala ng pera.
"Where are you?" tanong niya ulit.
"School," kalmado kong sabi habang pinagmamasdan parin ang mga estudyante sa ibaba. Para silang mga langgam tapos ako iyong demonyo na aapak sakanila.
YOU ARE READING
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
Ficção GeralAlora is a renowned firefighter. She has extinguished many fires and saved numerous lives, but she has also witnessed and experienced heartbreaking moments, even though she tries to remain tough. However, she met her demise due to a bomb explosion...
