Chapter 1

623 19 1
                                    

Ito na baby jazy PANCAKE_BABE HAHAHAHA oh hindi na ako tamad mag ud.

Shaniah pov.

Ilang araw na ang lumipas at bukas na ang unang pasukan. Hindi ko akalain makakapasa ako sa entrance exam at full scholarship ng Vargaz Del University, isa itong matanyag na paaralan sa Pilipinas. Mayayaman ang nag aaral dito anak ng politiko, artista at kilalang businessman sa bansa. Kaya mahigpit patakaran ng paaralang Vargaz Del University.

Ngayon taon lang din ako nagbakasakaling sumabak sa exam nila at may pa scholarship pa. Hindi na ako nagdalawang isip at grinab ito. Ang alam ko number 1 din ito sa buong Asya lalo na ang Architecture.

Mahigit isang daan ang sumubok dito pero nasa lima lamang kaming nakapasa sa scholarship. Isa na dun si Mitzie na kaibingan ko at katrabaho.

Maliban sa VDU scholarship ay natanggap din ako ng ibang scholarship program na inaanpplyan ko nung nakaraan.

Malaking tulong na din ito sa pag aaral ko at sa anak ko.

Hindi mawala ang ngiti ko habang inaayusan ko si Freya. Pupunta kami ngayon sa Mall bibili kami ng gamit sa school at grocery, malapit na din maubos ang pagkain sa bahay para ngayong buwan. Natanggap ko na din yung sahod ko sa coffee shop ni ate Nalie. Tamang tama lang ito, naka budget na din ito para sa kuryente at tubig. Hindi naman malaki yung binabayan kong kuryente maliban sa ilaw, electric fan at ref lamang ginagamit kong appliances. Tinatanggal ko naman yung kabli ref pag gabi maliban nalang kung may frozen food nakalagay sa ref kaya hindi masakit sa bulsa.

"Mommy, ang ganda mo!" nakangiting turan nito sakin. Sabay halik sa lips ko.

"Thank you baby and you too."

"Tara na baka gabihin pa tayo mamaya sa pag uwi natin." kinuha ko ang kamay nito at sabay lumabas ng bahay.

Pinaenroll ko na din si Freya sa kindergarten malapit sa pinapasukan kong university, May kalakihang tuition fee ang school ni Freya at dahil pinaghandaan ko na'to ay nabayaran ko naman ng buo. Para naman ito sa kinabukasan ng anak ko, hindi ko na inuna ang sarili ko mas mahalaga ngayon si Freya. Bilang isang ina gagawin ang lahat para sa kinabukasan ng kanyang anak. Laki din ang pagpapasasalamat ko sa anak ko kahit isang beses ay hindi niya ako binigyan ng sakit sa ulo kahit ang pagbubuntis ko ay hindi niya ako pinahirapan. Kahit kaming dalawa lang sa buhay.

At isa pa wala akong maiiwan kay Freya pag nasa school ako. Nahihiya na din ako kina ate Nalie sila kasi nag alaga kay Freya nung nakaraang taon dahil na din sa pag aaral ko ng first year sa college. Pinaghabilin ko na din ito sa teacher niya na kukunin ko si Freya after ng klase ko. Mabait naman ang teacher ng bata kasing edad ko pang din.  

Napag usapan na din namin ni Freya na sabay kaming pupunta ng coffee shop at alam niya naman may trabaho din ako.

Nang nakarating kaming Mall marami pa din mga matang patuloy kaming pinagmamasdan, Isa kasing bibo itong si Freya, kahit bata pa ito mapansin mo talaga ang kakaibing ganda nito na tila ba isang manika.

"Baby, Saan mo gusto unang pumunta?" tanong ko dito habang pinagmamasdan ang mga nadadaan naming paninda.

" Let's go to the book store mommy and next the grocery na after that uwi na po tayo." Napatingin agad ako sa kanya. Dahil hindi ko akalain ganon iniisip nito.

"Ayaw mo ba muna mamasyal or mag shopping ng dress mo?" lumuhod ako dito para pantayan ito.

"No mommy, We don't have enough money. And I have many dress na. Maybe next time if we have money, mommy." nakangiting sagot nito sakin. At hinaplos ang aking mukha at hinalikan ang magkabilang pisngi ko.

Miss me, Ms. Vargaz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon