Chapter 5

315 13 1
                                    

Shaniah's pov.

Isang tapik sa braso ko ang nagpagising sakin.

"Gising na Shai," Nakangiting bungad sakin ni Nay Sonia. Tinitigan ko lang ito. Hanggang sa maiyak ako.

"Ano bang nangyari sayong bata ka bakit ka umiiyak?" tanong nito sakin. Umiling iling lang ako habang sumisiksik sa may tiyan niya. Gusto ko magsumbong kaso natatakot din ako sa magiging reaction niya. 

"Nasa baba na ang parents, ikaw nalang hinihintay nila sa pagkainan."

"Mauna na kayo 'nay susunod ako magpapalit lang ako ng damit."

Lumabas naman ito sa kwarto ko. Pumunta ako sa cr para maghilamos. Nang hindi mahalata na galing ako sa iyak. Nagpalit na din ako ng comfortable na damit. Isang pares ng plain white shirt at cotton short.

Pagkababa ko nabutan kong nag uusap ang parents ko sa hapagkainan. Humalik naman ako sa kanila bilang pag bati. Umupo ako sa harap ni mommy habang si Daddy naman nasa kabisera nakaupo.

"How's your day, Shaniah?" Tanong sakin ni Daddy. Bahagya akong napaangat ng tingin sa kanya. Dahil ngayon lang niya ako tinanong kung kamusta ang araw ko.

"Good." ngumiti ako ng bagya sa kanya. At pinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain. Dinamihan ko ang pagkain ko ngayon gabi lalo na may isa pa akong pinapakain.

Puro business at political lang ang topic nila mommy, wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Sumasagot lang ako pag may tinatanong sila sakin. The rest sila na ang nag uusap.

Nagpaalam ako sa kanilang dalawa pagkatapos kong kumain.

Umakyat agad ako sa kwarto ko at umupo sa dulo ng kama ko. Tinititigan ko lang ang puting pader nasa harapan ko. Wala akong gana sa lahat.

"Baby don't leave mommy." kausap ko sa tiyan ko. Napangiti ako ng bahagya habang inalala ko ang gabi na yun.

***
Warning: R18

"Shaniah nasan kana ba? ikaw nalang hinihintay namin dito." nakasigaw na tanong nito sakin.

"Malapit na." 

"Dalian mo, Malapit ng malasing ang dalawa." 

Malakas ang na tugtugin ang background nito kaya hindi ko masyado marinig ang sinasabi ni Audrey.                        

Dali dali kong inayos bahagya ang make up ko.

Isang hapit na mini dress ang suot ko. Regalo sakin ni Ate nung isang araw katatapos lang ng 18 birthday ko.  Midyo kita ang cleavage ko. Pero okay naman. Sa club ang napagpasyahan naming puntahan ng mga kaibigan ko. Katatapos lang ng med term namin na nagpadugo ng utak namin magkakaibigan.

Pinayagan naman ako ni mommy na pumunta sa club basta pag 11 ay dapat nakauwi na ako. 

Dali dali akong sumakay sa kotse at nagpahatid kay kuya Ronnie sa Dark arc club, isang sikat na night club dito sa Davao.

"Kuya don't sundo sundo me later, kay Princess ako sasabay mamaya pag uwi." paalam ko kay kuya Ronnie.

"Gosh girl, bakit ang tagal mo." bungad sakin ni Audrey pagkalapit ko sa table nila. I just kiss her cheek. Umupo naman ako sa tabi ni Alex at kumuha ng beer nasa table namin. I roam around in the dance floor, masyadong malakas ang song ng dj na nagpapabuhay sa dance floor. Madami na ang lasing. May nakikita akong naghahalikan sa tabi tabi. I ignore it.

Umupo naman si Audey sa harapan ko at nagsimula na din itong uminom. Baghagya ng lasing si Princess at Alex. 

"Nabuntis daw ni Mark si Shane, kaya galit na galit ang jowa ni Shane ng nalaman na buntis ito."  Masayang chismis ni Alex samin. Namumula na ang mukha nito.

Miss me, Ms. Vargaz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon