Shaniah's pov.
Isang tapik sa pisngi ang nagpagising sakin. Hindi ko akalain nakatulog pala ako.
"Mommy I'm hungry na," Freya said while pouting. Cutie. "Kanina pa kita ginigising ayaw mo naman gumising mommy." patuloy nito.
"Okay baby, handa ko na yung food natin." Inalis ko muna ito sa kandungan ko at inilagay sa aking tabi. Nangmakita ko naman comfortable na siyang nakaupo sa tabi ko agad ko naman kinuha ang dala kong bag kung nasan nakalagay ang pagkain naming dalawa na hinanda ko kaninang umaga.
Pakbet at hotdogs lang ang niluto ko kanina para na din sa baon namin ngayon. Mahilig si Freya sa gulay. Kaya madalas lang itong magkasakit hindi siya tulad ng ibang bata na pihikan pagdating sa pagkain.
Magana itong kumain, napangiti naman ako at sinabayan itong kumain. Mabuti nalang talaga ginising ako ni freya ilang 30 mins nalang kasi bago magsimula ang susunod kong klase para sa huli kong subject.
"Baby dito kalang ah. Wag kang aalis dito. Babalik ako pagkatapos ng klase. Wag na wag kang sasama kahit kanino. Naiintindihan mo ba?" bilin ko sa kanya. Tango lang binigay nito at naintindihan naman agad ako nito.
Binigay ko naman sa kanya ang coloring book para may pagkaabalahan ito habang wala pa ako.
Hinalikan ko muna ito sa noo bago iwan si Freya.
May tiwala naman ako sa anak ko kahit 3 yrs old palang ito. Pag sinabi ko talaga susundin niya.
Maaga din natapos ang klase ko ngayong hapon binigyan lang din kami ng task ni Miss Granner, May Meeting daw lahat ng teacher ngayong hapon. Kaya bukas na daw siya mag didiscuss samin.
Pinuntahan ko naman agad kong 'san ko iniwan ang anak ko. Sa malayuan kita ko na itong hindi siya nag iisa. May kasama itong babae. Nakita kong nakatalikod ito saking banda kaya si Freya lang ang nakikita ko ang mukha. Bakas ang mukha nito ng saya dahil sa kausap nito.
"Baby!" kuhang pansin ko kay Freya.
Nilingon naman ako ng dalawa isa na dun ang nakatalikod sakin. Hindi ko akalain dito ko ulit makikita ang maganda kong guro.
Miss Vargaz.
Tumayo si Freya sa kanyang kinauupuan at tumakbo sakin. At nagpapabuhat kinuha ko naman ito at hinalikad sa pisngi.
"Mommy, she's the lady i make kwento to you," Freya said at me. I just nodded at her.
"Tita Selene this is my mommy, she's pretty right?"
Bahagyan tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi ng anak ko. Ang nasarapan ko naman ay walang pinapakitang emosyon. Nakatayo lang ito ng tuwid habang nakatingin kay Freya.
"Baby ano ano nalang sinasabi mo sa kanya." saway ko dito.
"Mommy don't be shy, wala ka nun." Napamaang ako sa sinabi ni Freya. Tanginang batang to, tapon ko kaya to. Ako walang hiya syempre meron naman kahit makapal ang mukha ko.
"Yes she's pretty." Sagot naman nasarapan namin. Bahagyang namula mukha ko.
"Mauna na po kami Ma'am," baling ko dito. Bahagya itong tumango.
Kinuha ko naman ang bag ni Freya at nilagay ang gamit niya sa bag.
"Baby let's go, Pupunta na tayo sa Ninang Nalie mo."
Mas dumami ang napapatingin samin ni Freya lalo na uwian na ang lahat ng estudyante. Ito naman nakahawak sa kamay ko ay nakangiti lang habang naglalakad. Bumitaw ito sa kamay ko para kumaway kaway sa mga bumabati sa kanya at bumabati din pabalik.
BINABASA MO ANG
Miss me, Ms. Vargaz
Romancegxg This story is for open minded people not a homophobic person. Started: Jun 30, 2024 Finished: -