Chapter 18

259 23 3
                                    

Warning: Grammatically Error. Not edited.

Shaniah's pov.

Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko ngayon. Bigla nalang ako nawalan ng gana simula ng magpadpad ako sa office ni Miss Xavier.

Dalawang araw na ang lumipas simula nagpunta ako dun.

Ngayong araw na din nagsimula ang Foundation week.

Para mawala sa isip ko ang nangyari ikakain ko nalang to.

Nasali ako sa Chess tournament kahit ayaw ko. Chess game ang napiling sport para salihan ko. Bukod sa uupo kalang at mag iisip pano talunin ang kalaban ay hindi ka pa mapapagod.

I want to be a chill person shshshshs.

Mamayang 9am pa laro ko. Hindi ko alam kung anong department kalaban ko mamaya. Ayaw sabihin ng organizer's kung sino.

Hindi naman talaga ako sasali sa laro kung hindi lang ako nilista ni Mikka name ko habang nasa cr ako. Kaya pa tawang tawa siya nang makalabas kami ng room pagkatapos ng klase namin sa last subject sa umaga.

Muntik ko pang sakalin si Mikka ng malaman ko yung ginawa niyang pagsali sakin. Mabuti nalang alam ko pano maglaro ng chess, ito din kasi bonding namin ni daddy noon.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko si Daddy. Matagal ko na silang pinatawaan ni Mommy sa ginawa nila sakin.

"hoyyy nakikinig ka ba?" Mikka said while she's flipped my forehead.

Napabalik ang diwa ko sa ginawa nito.

Namumuro na 'to sakin.

"Ano ba sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas himas noo ko.

"Kanina pa ako dito salita ng salita hindi ka talaga nakikinig...Tanong ko kasi anteh anong oras ba laro mo mamayang hapon ng sabay sabay na tayong pumunta dun."

"9am pa." Sagot ko dito. 

"Kayo pala unang sasabak sa unang laro. Galingan mo Shan, may mwa mwa ka sakin pag nanalo ka."  pahayag nito at sabay subo.

"Tarantado." Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Gumiti lang ito sakin at pinagpatuloy ang paglamon nito. Habang ako naman ay nalalumbabang pinagmamasdan ang mga labas pasok dito sa loob ng cafeteria.

May dalawang oras pa kami bago magsimula yung game. Nakatambay kami ni Mikka dito sa cafeteria total maaga pa naman at na isipan nalang tumabay dito at namin kumain habang hinihintay ang oras. Si Paige naman ay may lakad ngayong araw, babawi nalang daw siya sa susunod. 

Naningkit ang mata ko ng makita ko ang dalawang aninong papasok. Nakayapos ang braso nito sa braso ng isa.

Sarap putulin.

Ngumingiti itong habang patango-tango na tila ba may magandang pinag uusapan ang dalawa.

Nagpupuhos kaloob looban ko sa nakikita ngayon. Di ko alam kong bakit ganito nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama. 

"Ayus kalang?" nag alalang tanong ni Mikka.

"Yes." Labas ilong kong pagkakasabi ko sa kanya. Dahil sa tuno ko ay agad namin itong napatigil saglit. At hindi ko namalayan subrang higpit ko na  pala pagkakakuyom ko sa dalawang kamao ko.

Nanatiling nasa dalawa pa din tingin ko. Binalingan naman ni Mikka kung sinong tinitignan ko sa unahan.

Napamaang nalamang ito kung sinong tinitignan ko.

Si Monkey at si Miss Vargaz.

"Bagay talaga silang dalawa." Parang kinikilig ito.

Hindi ko na gustuhan ang turan nito kaya iniwan ko ito ng walang pasabi.

Miss me, Ms. Vargaz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon