Prologue

2 0 0
                                    


"Saan ka mag-eenroll na university?" tanong ko sa kaniya. Nakaupo kami sa isa sa mga benches ng school. We are in our Senior High School Level Grade 12. Dalawang buwan na lang ay graduation na namin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa napag-iisipan ang kolehiyo.


"Kung saan ka, dun na din ako." Kaswal niyang sagot.


I looked at him with confusion. Matalino naman siya at madami ding achievements. Kung gugustuhin niyang makapasok sa mga magagandang unibersidad ay kayang-kaya naman niya. Isa pa, ang dami ding nag-o-offer sa kaniyang mga scholarships para sa kolehiyo niya.


Samantalang ako.... "Hindi ko nga alam kung magtutuloy ako sa kolehiyo." I giggled signifying that it was a joke.


He sipped on his softdrinks. Nagmemeryenda muna kami rito bago umuwi. Tanaw namin sa gawi namin ang mga estudyanteng papauwi na. Nakagawian na rin kasi naming dalawa na tumambay muna rito bago umuwi. Makapagrelax man lang ba pagkatapos ng napakahabang pagod sa pag-aaral. Dito lang kami para maghintay na medyo humapon pa.


Napatingin siya sa gawi ako. I took a bite on the chicken sandwich that he bought earlier on the school canteen. Alam niyang iyon lang tanging sandwich na nagustuhan ko ng lasa.


"Hindi ka pa rin ba makapamili ng University na papasukan?" tanong niya. The wind blew. Sumayaw ang malambot niyang buhok sa hampas ng hangin. Ang ilang estudyante ay malakas na nagtatawanan habang pauwi.


I shrugged. Kagabi ay narinig kong nag-uusap sila mama tungkol sa pagkokolehiyo ko. My mother pushed my father to let me to go on college but he said that he cannot make a decision since we do not have any stable financial resources to support my college. Bagay na hindi ko na pinakinggan pa ang kasunod na pag-uusap nila.


That night, I cried. I really want to go on college. Gustong-gusto kong mag-aral.


Ang makarinig ng gaanon ay napakasakit na sa aming mga estudyante lalo na at nagpupursige naman ako. Parte siguro ito ng pagiging mature. Yung tipo bang you will look for the greater things to come. Dahil alam mong future mo na ang nakasalalay dito.


I want to become successful. One day, ako naman ang papalakpakan.


"Ma, susubukan ko pong magtake ng entrance exam." Kabadong sabi ko kay mama ngayong gabi. She's cooking our dinner. Hindi na rin sila bumabata pa para maging easy-easy na lang ako sa buhay. Kahit na wala akong makuhang matatag na suporta, gusto ko pa din talagang makapag-aral. Dahil alam kong kaya ko naman.


As long as I have this dream, itutuloy ko 'to!


Tumango siya. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Subukan mo."


Nabuhayan ako ng loob. Alam kong suportado niya ang pag-aaral ko sa kolehiyo. She's always saying that I will become successful someday. Kailangan ko lang magtiwala.


"Ano namang course gusto mo, anak?" magaan niyang tanong. Ibinaba niya ang hawak na sandok sa plato at naupo sa harap ko. Mataman akong nakatingin sa kanya.


"Engineering sana, Ma." Kumpiyansa kong sabi. Dati wala sa hinagap kong mag-eengineering ako. Ang gusto ko dati ay maging Teacher or di kaya ay maging isang Attorney. Lahat ng propesyon na sa tingin ko ay angkop sa mga babae ay gusto ko. Pero totoo pala na kapag tumatanda tayo ay nag-iiba ang gusto natin. Pero sigurado na ako sa Engineering. Sigurado ako sa landas na tinatahak ko.


Kung hindi man ako makakuha ng suporta mula sa ibang tao, edi mas lalo kong palalakasin ang sarili para magkaroon at madagdagan pa ang lakas ng loob kong mapatuloy. Marahil ay sinusubok lang ako ng tadhana.


Having a dream means having a courage to pursue something beautiful. Alam kong gusto din talaga ng mga magulang kong makapag-aral ako. Yun nga lang ay sadyang nauudlot dahil hindi naman lahat ay pinagpala.


Kapag nakagraduate ako ay ipapagawa ko kaagad ang bahay namin. Maayos naman siya kung titignan pero kasi iba pa din talaga yung gawang semento ang buong bahay at may malinis na pintura.


"Anong Engineering?" si papa ng bigla siyang pumasok sa kusina. Nakita ko ang pagtiim ni mama sa kaniya. "Bakit mag-co-college ka ba?" hamon niyang tanong.


Napababa ako ng tingin sa sahig. His question made me unsecured.


Nauunawaan ko si papa. Hindi naman kami mayaman para masustentuhan ng maayos ang pag-aaral ko. Bukod sa akin ay may kapatid din akong nag-aaral. Mahirap din namang makahanap ng mainam-inam na trabaho dito sa bansa natin. Kahit na anong pagsusumikap mo ay hirap ka pa ding makaahon.


Bagay na gusto kong mabali. Alam kong hirap na sa pagtatrabaho sila mama kaya naman kahit papaano ay gusto kong makapagtapos.


"Dito ka na lang sa bahay." He spoke. "Malabong makatuloy ka dahil wala naman tayong pera. Dito ka na lang sa bahay, tulungan mo si mama sa pagtitinda niya ng lutong-ulam."



And with that, my knees felt weak. My dreams are shattered into tiny pieces. 

Shining AloneWhere stories live. Discover now