Chapter 5

1 0 0
                                    

First day of class. Unang araw para mangatog ang tuhod. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil hindi pa ako sanay. Kahit saan ako lumingon ay ang dami pa din talagang estudyante lalo na mga first year na paroo't parito.

Muntikan pa nga akong maligaw kung saang ang susunod kong klase kung hindi lang ako inihatid ni Renz. Hindi kami magkaklase ni Renz dahil BS in Civil Engineering ang kinuha niya habang ako naman ay BS in Agricultural and Biosystems Engineering. Parehas na First Year Student.

"Bring one-fourth sheet of paper." Maawtoridad na sabi ng teacher namin sa isang major. "Write your name and section." Kita ko ang gulat sa mga mukha ng mga kaklase ko. First day na first day ba naman kasi ay nagpapaquiz na.

"Don't worry. Madali lang 'to. It's just a general information in Engineering." She casually said. "Number one!" I prepared myself. "What is the formula for the perimeter of the square?"

Perimeter of square? Yeah! I remember it.

I wrote down my answer confidently. "Number 2! Where we can find the Kilometer 0 reference point here in Luzon?" she paused giving us time to think. I wrote down Luneta/Rizal Park across the statue of Rizal. "Number 3! How many meters are there in 1 kilometer? Ang dali naman nun." She said crossing her arms.

I wrote down 1000 meters in my paper. Tahimik lang ang buong klase. Hindi ko maiwasang pagpawisan kahit naman na may naisasagot ako.

"Number 4! Give me the density of water?"alinlangan kong sinulat ang sagot kong 1000kg/cubic meter sa papel. Ang alam ko kasi ay density ito ng pure water but water density can be 997 kg/cubic meter kapag nareach na niya ng temperature na 24 degrees Celsius.

"Last number! Give the formula for area of rectangle." Sinulat ko na lamang ang Length x Width sa papel dahil nagsisimula na siyang magbilang para ipass na ang papel.

It was a tiring day yet a memorable one to start my college journey. Kinahapunan ay nagkita kami ni Renz. Kwinento ko sa kanya ang buong maghapon ko.

Kumain na lamang kami sa Alumni para sa dinner. College na college na ang datingan niya. Mas nadepina pa ang kanyang balikat at dibdib. Rason kung bakit pakiramdam ko ay ligtas ako kapag kasama siya.

Kung ako ay nangangapa pa, siya naman ay mukhang sanay na sanay. Pero kasi diba, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kasama ko siya. I need to learn on my own. I need to stand with my own feet. Kahit na nga sabihing nandyan lang siya para sa akin, still I need to learn on my own.

Ganoon palagi ang routine namin. Papasok ako buong araw tapos kapag uwian sa hapon ay hihintayin niya ako sa room ko para matapos ang klase. Tuwing Martes at Huwebes ay madalang kaming magkasabay ni Renz sa hapon dahil iba ang lugar ng room namin. Nasa Department of Chemistry ang huli kong klase habang siya ay sa College of Engineering pa rin.

Nakakasundo ko na din ang mga ka-room ko sa dorm. They are fun to be with. Pure and Happy. Sumasama ako sa kanila kapag nag-aaya sila at sumasama din sila sa akin kapag may kailangan akong puntahan.

Adjustment. Yan palagi ang nangyayari sa akin araw-araw. College is tough so I should be brave enough to survive. Lalo na at napakabigat din naman ng kursong kinukuha ko. Yesterday, we had a short quiz. Ilang items lang iyon pero sobrang napiga lahat ng brain cells na meron ako.

I heard murmurs everywhere. Expressing how difficult that task.

"Grabeee! Nakakadugo ng utak!" reaksyon ng mga classmates ko.

I agree. Ngayon ko lang napatunayan na may ihihirap pa pala ang Math. Kung dati ay nakukuha kong sagutan agad ang mga problem solving namin sa High School, ngayon ay pagpapawisan ka talaga bago ka magkaroon ng sagot.

Pero kasi isang subject pa lang yun! Paano pa kaya sa limang subject kong puro solving din.

I sighed.

"Ilang math subjects ay meron ka?" tulalang tanong ko kay Renz.

"Lahat naman ng subjects natin related sa math." Simple niyang sagot habang nagsusulat sa notebook niya. Nasa Student Center kami. Hapon na din naman kaya halos wala na ding gaanong estudyante pa dito. Mangilan-ngilan na lang.

Nasa pinakadulo kami ng mga upuan at lamesa. "Hindi ka nahihirapan?"

"Medyo lang pero makukuha naman sa pagbabasa." He shrugged. Tutok na tutok pa din ang mga mata sa ginagawa. Titingin saglit sa cellphone tapos magsusulat.

Nakakaloka naman sagot niya. Sana all na lang ako na nakukuha sa pagbabasa ang sinosolve.

Napabuntong-hininga ako. Bakit ko pa kasi siya tinanong?

I intently looked at him. Pinanuod ko siya habang nagsusulat. Matikas na nakaupo habang ang mga kamay ay malambot na gumagalaw sa ibabaw ng papel. Kukunot ang noo ng ilang segundo sa binabasa at kapagkuwan ay tsaka tutungo sa sinusulat.

"Nahihirapan ka ba?" tanong niya ng matapos sa ginagawa.

Ibinaba ko ang binabasang lecture note. I opened my tumbler para uminom.

"Sa mga subjects mo?" dagdag niyo.

I closed my tumbler. "Medyo." I answered. "Hindi ko lang gaanong maintindihan yung mga problem solving. Dati naman ay kabisado ko kung paano iyon isolve pero ngayon...feeling ko hindi tama mga solutions ko."

Umayos siya ng pagkakaupo at inabot ang buhok ko para guluhin ito. "Welcome to college!"

I giggled. Nasa kolehiyo na nga talaga ako...

Shining AloneWhere stories live. Discover now