Chapter 12

1 0 0
                                    


Magkasabay kaming pumunta ni Renz sa CEn. Nauna na siyang pumasok para makapag-exam na habang ako naman ay pumunta na din sa room namin for examination. Wala namang nag-ta-take ng exam sa ganitong oras kaya uubusin ko na lang muna ang kalahating minuto sa pag-re-review.

Sa Chemistry iyon kaya feeling ko ay madugo din ang magiging exam namin. Familiar na ako sa mga periodic elements kaya ang pro-problemahin ko na lang ay ang pagba-balance nito. Fifteen minutes has passed. May mga kaklase na din ako na dumating ng maaga. Kanya-kanyang labas ng notes at memorize ng mga terminologies.

Nakapag-review naman na ako dito last week pa kaya hindi ako nagagahol sa pakiramdam na baka walang maisagot. Isa ito kasi sa sinabi sa akin ni Renz na mas magandang naka-review ka na a week before the exam schedule para hindi iyon magtambak-tambak sa utak natin. Sabi pa niya ay dahil sa bigat ng mga subjects namin ay talagang mahihirapang i-digest ng brain namin ang lahat ng impormasyon kaya mas magandang mas maaga na.

Sa bandang gitna ako nakapwesto. Nang dumating na ang instructor namin ay duon pa lang kami nag-umpisa. Sa unang part ng exam ay identification. Lumabas iyon sa nireview ko kaya walag problema. May tatlong balancing lang kaming need na sagutan kaya duon ako medyo nahirapan pero nakasagit naman ako kahit papano. Sa bandang dulo ay essay naman na kaya naihabol ko pa ang papel ko bago matapos ang oras.

"Walang magtatanong kung kamusta exam ko!" hanash ni Eya sa amin pagkapasok palang ng room namin sa dorm. "Ako ang dapat kinukumusta, hindi ang exam!"

And their conversation about the final exam goes on. Hanggang sa maggabi ay kanya-kanya kaming hanap ng pwesto. Ang iba ay nasa sala study area namin sa labas habang ang iba naman ay sa bed.

"Bahala na. Nagmanifest naman akong papasa! Okay na yun."

Halos abutin kami ng madaling-araw kakareview. Ang iba pa ay nakatulog na sa nirereview na papel. Sa mismong bed ko ako nag-review dahil mas komportable ako kapag duon. May harang na kurtina ang bed ko kaya may privacy ako.

Kalagitnaan ng pagrereview ko ng mapagod ang mata ko sa binabasa. I scrolled on Facebook para pampalipas ng oras. Kauna-unahan sa news feed ko ang isang post na naka-tag kay Renz. It was a picture took during their final examination. Kuha iyon sa labas ng room nila. Hawak ang test booklet na may score na agad.

Sila-silang magkakaklase iyon. Katabi niya sa kanan ang mga kaibigan niya habang sa kaliwa ay yung kaklase niyang babae. Yung nanghiram ng reviewer sa kanya kaninang kumakain kami. Malawak ang pagkakangiti nito habang nakahawak sa braso ni Renz at pinapakita ang hawak na test booklet.

"Maui Angela Valdez." Basa ko sa pangalan ng babae. She posted it with the caption "Got this with a passing remarks."

I clicked the whole post to see the other pictures. Kaswal lamg ang pagkakangiti ni Renz sa tatlong litrato. Sa pang-apat na picture at sa mga sumunod pa ay wala na siya do'n. Wala naman siguro iyong kahulugan kaya hinayaan ko na lang.

Kinabukasan ay maaga din akong pumasok. Final Term namin sa Calculus kaya kabadong-kabado ako. Our professor sent our raw score on the subject. Madami pa ang hindi umabot sa passing. Ako ay kaunti na lang ang hahabulin para makapasa pero kahit na ganoon ay alam kong hindi iyon madali. Lalo na kung mahirap ang mga topics ngayong finals. At kung hindi ka din naman ganoon ka-confident sa mga sagot mo.

One and a half lang ang duration ng examination namin dito pero nag-extend ng ilang minuto dahil karamihan ay hindi pa tapos. Isa na ako dun. Ang alam ko lang ay may sagot ako kaso hindi ko yun sure kung tama.

Mukhang mas madami pa ang mali ko kaysa sa tama. Halos dasalan ko na din ang test booklet ko pagkabigay sa prof namin. Kailangan kong maipasa ito dahil napakadaming pre-requisite na subjects ang nakasunod dito.

Shining AloneWhere stories live. Discover now