Chapter 4

1 0 0
                                    


Months has passed. Nang makapasa kami sa CLSU ni Renz ay ilang linggo lang ang pagitan bago kami namili ng mga gamit at nag-ayos ng matitirhan. Kumuha ng boarding house si Renz habang ako naman ay nagdorm na lang. Mas mura kasi iyon kaysa sa Boarding House na buwan-buwan ay nagbabayad ng upa. Sa dorm kasi ay buong semester na.

"Akin na yan." Kuha niya sa maleta ko. Nilagay niya iyon sa sasakyan nila kasama ng iba pa naming gamit. Sa pinakagitna ako naupo habang siya ay katabi ng driver sa harap. He offered his water na mabilis ko namang inabot dahil kanina pa din ako nauuhaw.

Susunod na lang sila mama sa akin dahil hindi na kami kasya pa sa sasakyan. Ihahatid lang kami tapos ay uuwi na din sila.

Mahigit trenta minuto din ang itinagal ng byahe namin. Nakarating lang kami sa loob ng university mga bandang alas nuwebe ng umaga. Si Renz ang katulong kong nagpapasok ng mga gamit ko sa loob habang si Tito ay nasa labas lang para hintayin sila Papa. Magkakasama kasi sila nila Mama at Tita.

"Mukhang maayos na din 'to." Sambit niya habang pinapagala ang paningin sa loob ng kwarto.

It has 8 double deck beds. Nakaayos iyon ng paikot sa buong room. May mga lockers din sa loob at dalawang lamesa sa pinakagitna. Pinunasan ko muna ng basahan ang napili kong pwesto. Hindi yon masyadong gilid at hindi rin pinakagitna. Mukhang may nauna na sa ibang bed dahil may mga gamit na iyon.

Winalisan niya ang ilalim ng bed ko. I scratched my head when he finished sweeping the floor.

"Ako na dito." Kuha ko sa walis na hawak niya. "Ibaba mo na rin muna mga gamit mo sa Boarding."

He nodded.

"Naghihintay si Tito sa labas."

"Alright." Payag niyang sabi. "Balikan ka na lang namin mamaya." He assured.

Tumatango ako sa kanya. "May mga kasama na din naman ako dito." Sabi ko habang nakatingin sa ibang bed na nakaayos na. He also looked to it.

Sinamahan ko syang lumabas. Nasa labas lang ng sasakyan si Tito. He bid goodbye on me habang si Renz naman sumakay na ulit sa loob. Nang makaalis ay pumasok na din ako sa room para mag-ayos ng gamit.

I arranged my stuffs. Pumili na din ako ng locker ko para duon ilagay ang mga damit ko. I placed my study table katabi ng electric fan sa paanan ng kama. I also put curtains on each side para may takpanan ako habang natutulog.

It's my first year on college. Ako na lang ang naririto. Wala sila mama na aabutan kong nasa bahay. Walang magluluto ng pagkain ko sa buong maghapon kundi ako lang. Walang maglalaba ng mga damit ko kundi ako lang. At wala ng magpapaalala sa aking kumain na kundi sarili ko na lang.

Sana lang ay maging mabait sa akin ang tadhana sa buhay-kolehiyo ko.

"Hoyyy, kakapal ng mukha niyo!" I heard a footsteps and loud girly voice on the hallway. Mukhang hindi lang dalawa o tatlong tao ang pinanggagalingan ng mga boses na 'yun.

They laughed while approaching our room. "Loko kayo wala na akong pera! Bayaran niyo yang mga grinocery niyo!"

"Ayaw nga namen!"

I stopped arranging my stuffs on the locker when they open the door. They looked at me and smiled after. Nasa walo silang lahat kung tama ang pagkakabilang ko.

"Hello piii!" kiming bati ng isa sa kanila.

"Kadarating lang, Eya." Saway sa kanya ng may kulay brown na buhok.

"Makikipag-frenny ako. Ang gulo-gulo niyo!" she said.

Ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at pinanuod ang ginagawa ko.

"Ako si Eya 'teh! Ikaw ay?" she said cheerfully. Naka-braid ang buhok at may ribbon clip sa gilid.

"Shine." Maikli kong sagot. I smiled sweetly at her to make her feel comfortable on my presence.

"You make me shiiineee, shiiinee, shineee!" she sang.

I was shocked by her sudden movement. Ang mga kasama ay tumatawa lang sa ginagawa niya. they mouthed "Kaloko mo" to her.

"Feel at home lang 'teh! Kami lang 'to!" ngumunguyang sabi niya.

I waved my hand at them and said "Hi." They smiled and greeted me back. Ang ilan ay nakahiga na sa mga bed nila habang ang iba ay naghihiwalay ng mga pinamili nila sa paper bags.

"Ohh! Mga bayad! Bayad!" paniningil ni Gail sa kanila.

"Salamat, Gail!" sabay-sabay na sabi ng iba.

"Anong thank you? Magbayad kayo!" she looked at the receipt para tignan ang presyo ng mga pinamili ng iba. "Oh, kanino 'tong O'Puff? Sayo ba Lalaine? Pati 'tong Choco Mucho? Bayad-bayad din!"

She listed it on a piece of paper. Natapos na din ako maglagay ng mga gamit ko sa locker ko. I switched on my electric fan at naupo sa bed.

"Lalaine, 238! Loreen, 342! Lili, 259! Alisa, 351!" bigkas niya habang hawak ang papel na pinagcomputan.

"Ano na naman 'yan?!" tanong ni Eya habang nakahiga sa bed niya at nagcecellphone.

"Tanga. Yung mga binili niyo! Eya, 478!"

"Luh. Ba't kalaki? Patingin nga. Baka dinudugas mo naman!" agaw niya sa papel na hawak ni Gail. "Amputek! 478 nga. 'nubayan! Ubos na naman allowance ko. Mag-man-Monday pa lang!" she exclaimed.

They do their things on the table. Mahigit dalawang oras din bago nakarating sila Mama at Papa dito sa dorm. They checked the room and had a little tour around. Kalahating oras din silang tumagal dito bago umalis. Sumabay na lang sila kila Tita Liza na umalis. Nagbilin na lang sila sa akin na mag-ingat dito.


"Oyy 'teh, punta kaming alumni. Sama ka?" pag-aaya ni Eya sa akin.

"Alumni? Ano po 'yun?" I asked.

"Bibili ng foods. Dinner ganern." She answered. "Oyy penge nga facemask." Sabi niya sa kasama.

Kinuha ko ang wallet at face mask para sumama sa kanila. Maingay silang nagkwekwentuhan sa daan habang papunta kami. They are pretty closed to each other. Nalaman ko din na magkakasama na pala sila dati pa.

We ordered our dinner at sabay-sabay na kumain sa kitchen. We talked about things we expected in college. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Unang tingin pa lamang ay alam kong makakasundo ko na.

They are all friendly. Nakakatuwa dahil hindi naman pala mahirap makahanap ng kaibigan sa kolehiyo. I hope, our friendships last.

Shining AloneWhere stories live. Discover now