Chapter 2

1 0 0
                                    



"Ahhh!!!" tili ko. "Makakapasok ako sa college!"

I jumped because of excitement. It's Sunday in the morning. My mom handed me a letter from a certain agency offering a scholarship. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na inusisa pa si mama kung sino ang nagpadala ng sulat o kung ano pa man.

"Congrats 'nak! Sabi ko sayo eh." Si mama habang yakap-yakap ako sa sala. Nakita ko pa ang pagdaan ng ngiti sa mukha ni papa ng lampasan kami nito para lumabas.

Manghang binasa ko ang sulat. I can't believe that it's true. Renz only said it yesterday na baka may mag-offer ng scholarship and here it is!

"Saang university mo gustong pumasok, 'nak?" my mom asked a question when we have our lunch. Pupunta sana ako kila Renz kanina para sabihin sa kaniya pero sabi ni Papa ay isinama ito nila Tito sa bayan para ipaayos ang headlight ng sasakyan nila.

"Hindi ko pa alam, Ma. Siguro ay sasama na lang din ako kung saan papasok si Renz." She nodded.

"Oo para may bantay ka." Si Papa habang nahigop ng sabaw.

My cheeks blushed.

Kinahapunan ay hindi na ako sumama sa pagbisita nila papa kila Lola sa kabilang bayan. Uuwi din naman kasi sila mamaya. Isa pa ay gustong-gusto ko ng sabihin kay Renz na makakatuloy na ako sa kolehiyo.

"Anong gusto mong sandwich?" tanong niya sa kabilang linya. "Magdadala ako dyan."

"Kahit na ano na lang." I answered on the phone. I cooked sopas to celebrate my little happiness for today. Paano kayang nalaman ng agency na yun na kailangan ko ng scholarship? Unless tinignan nila sa academic performance namin. Kung gano'n edi ibig sabihin meron din si Renz?

Tiyak akong inofferan siya dahil running for valedictorian siya sa buong batch namin. He performed best when it comes on acads. Palaging matatas ang mga scores sa kahit na anong activity. Dahilan kung bakit gustong-gusto siyang ilaban ng mga teachers namin sa mga contest.

"Shine." Tawag niya sa labas.

Nakangiting Renz ang naabutan ko pagkabukas ko ng pinto. His wide smile radiated positivity. Nakasuot lang siya ng simpleng maong na shorts, a sky-blue shirt, and a pair of black slippers. His hair was neatly combed.

"Hi." Bati niya. He walked inside. His manly scent filled my nostrils. Ni wala man lang akong makitang butil ng pawis sa kanyang noo.

"Nagluluto ka?"

I nodded. He looked on the apron I'm wearing. Ngumiti ako sa kaniya ng makita ang pagtaas niya ng kilay.

"Sopas lang." I poured it on the two bowls. Naglabas siya ng softdrinks sa mini ref namin sa loob habang ako ay nagtatanggal ng suot na apron dahil tapos na din naman ang niluluto ko.

"Kamusta yung lakad mo kanina?" I asked. Rinig ko pa ang simpleng pagbukas niya ng softdrinks.

"Ayos lang. Pinagawa lang namin nila Papa yung headlight ng sasakyan." He poured the softdrinks. I cannot avoid my eyes on his arms. Kitang-kita ko sa maputi niyang balat ang kanyang ugat.

If there's one thing that I can called "handsome" on his body parts then...his arms.

"Tara sa likod." Aya niya.

I stood up. Inagaw niya sa akin ang tray ng sopas. "Ako na. Mainit."

Nauna akong makarating sa kanya sa likod. "May surprise ako sayo!" excited kong sabi ng makalapit siya.

His brows wiggled.

Pumasok ako sa loob ng bahay para kuhanin ang envelope. Saglit ko pa iyong binuklat at pinasadahan ng tingin bago lumabas. I ran to him with excitement.

"Be careful." Paalala niya.

"Guess what?!" ngiting-ngiti kong sabi. Pinipigilan niyang ngumiti sa harap ko.

"Makakapag-college na ako!" I exclaimed.

I hugged him quickly. Muntikan pang matapon ang sabaw ng sopas ng dambain ko siya ng yakap. Nakasandal kasi ito ng bahagya sa lamesa.

He laughed happily. He encircled his arms on my waist making me more secured and surer. Humahagikgik siyang yumakap sa akin pabalik. Mas isinubsob ko pa ang mukha ko sa kanya sa sobrang tuwa.

"Congrats, love." His voice sooth my eardrums.

"Tignan mo 'to oh!" I waved the letter in front of him. Kinuha niya ito gamit ang kaliwang kamay habang ang kabila ay pinanatili niya ito sa beywamg ko.

He scanned the letter. Saglit lang niya iyong tinignan.

"Congrats. I'm happy for you." He placed a gentle kissed on my forehead.

We talked about the things we want to be happened. Kung anong course ang kukuhanin namin. Kung saang university papasok. Ilang lingo na lang din ay graduation na namin. Masaya ako na mula Elementary hanggang Senior High School ay magkasama na kami.

Renz always been there for me. Kapag wala akong nadalang long pad ay ibibigay niya yung kaniya. Sa umaga ay sabay din kaming papasok hanggang sa uwian. Madalas lang ay nasa office siya at ako naman ay sa classroom namin. Nasanay na din sila Papa na kasama ko siya kaya naman wala silang problema sa kaniya.

"Nakatanggap ka din ba ng scholarships?" I asked. Sigurado naman akong nakatanggap siya kaso wala naman siyang binabanggit sa akin.

Tumango siya.

"Saang University tayo papasok? Yung final na?" Magana akong sumubo ng sopas habang siya ay nakasandal lang sa upuan niya. Pinapanuod akong kumain.

"Saan mo ba gusto?"

Nagkibit-balikat ako. "Diba parehas naman tayo ng gustong course? Engineering?" he nodded. Saglit siyang sumimsim sa baso ng softdrinks.

"Sa LSU lang naman ang may malapit na university. Dun na lang tayo?"

Louisana State University. 'Yan lang naman ang malapit na Unibersidad dito sa amin. Meron silang Engineering dun at maganda din ang estado ng Pamantasan. Mas makakatipid kami kung sa malapit lang din. Pwede kaming mag-uwian kada week.

"Sige. Dun na lang tayo." I said.

Inabot kami hanggang alas-singko ng hapon. Kung hindi pa tumawag ang mama niya na hinahanap siya sa bahay nila ay hindi pa kami matatapos. Naubos ko na din ang dala niyang chicken sandwich kanina.

Ganoon pa din naman ang routine namin. Sabay na papasok at sabay din na uuwi. Naging mas busy lang siya kumpara sa dati dahil naghahanda na ang Council sa nalalapit naming Graduation. Merong dalawa o tatlong beses na nauna siyang pumasok sa akin. Hindi naman naging kaso sa akin yun dahil sa hapon ay pinipilit niyang sumabay sa akin.

Sa kabila ng hirap at pagod, naniniwala akong magiging matagumpay kaming dalawa ni Renz. He will become a successful someday. Tiwala ako sa kanya sa lahat.

At ako... I will clap my hands loud. Smiling for what he will becomes. 

Shining AloneWhere stories live. Discover now