Chapter 14

2 0 0
                                    


Nasa byahe na kaming dalawa. Katulad dati ay ako ang nasa tabi ng bintana. Seryoso pa din siya buhat pa kanina. Naalala ko tuloy yung nangyari sa student center. He becomes more serious. Kahit ng pabalik na kami sa boarding house niya para kuhanin ang mga gamit ay ganoon pa rin ang mukha niya. I dared to joke around him but he just ignored me.

Is he jealous?

Kung oo ay bakit naman? I mean, classmate ko lang naman si Marcus at mas lalong walang malisya yung kay Kleo dahil unang interaksyon palang naman naming iyon.

I took my phone out, and flipped the screen on the camera. "Smile!" tinutok ko iyon sa aming dalawa at nag-peace sign. Nagulat siya kaya inulit ko iyon. "Isa pa. Smile!"

He smiled at gumaya sa mga poses ko. Siya pa ang kumuha ng phone ko para mas kita kami. Kapagkuwan ay ibinalik niya sa akin iyon.

I placed my head on his shoulder para sumandal. Umayos siya ng pagkakaupo para mas komportable kaming pareho. "Ayos ka lang?" I asked.

Tumango siya sa akin. "Yeah. Just a little grumpy earlier."

"Wala namang malisya 'yun." I assured him. "Selos na selos ka naman."

"If you only knew."

Ilang oras kaming nasa byahe. I slept in his shoulder at ganoon din siya. Isang babaan lang din naman itong sinasakyan namin kaya kapag huminto ay do'n palang din kami magigising.

"Anak!" rinig kong sigaw ni Papa at ni Tito mula sa di kalayuan. Kinuha nito ang gamit ko at siya na ang nagbuhat habang papalapit kami sa sasakyan. "Tara muna bumili ng pagkain." He said. We stopped at the nearest convenience store. Naunang bumaba si Renz at kasunod naman kami. They bought cold drinks and some foods.

Balak nilang maghanda bukas dahil birthday na din ni Tita. Nakarating kami sa bahay. I changed my clothes, at ilang minute lang nakipaghalubili sa kapatid ko at kila mama. Ewan ko ba. Kapag galling sa byahe ay sumasakit ang ulo ko at gusto ko na lang matulog. The good thing is that hinahayaan na lang ako nila at gigisingin na lang kapag kakain na.

Kinabukasan ay may naririnig na akong tumutugtog na mga sound system sa bahay nila Renz. Birthday ngayon ng mama nito kaya kahit papano ay busy din siyang tumulong sa pag-aayos. Ganito kasi kapag may naghahanda. Nagsisipuntahan ang mga tao kahit na hindi sila pagsabihan. They are all welcome.

"Magbihis kayo ng maayos mamaya at sumunod kayo dun." Bilin ni Mama sa amin. Pupunta na kasi ito ngayon dun para tumulong sa pagluto. Si Papa ay nandoon na din.

Medyo tinanghali ako ng gising ngayon. Wala din namang notifications o kahit na anong mensahe sa phone ko kaya nagsimula na din akong mag-ayos. I cooked eggs and bacon. May fried talong at banana na ding naluto kaya hindi na ako nag-abala pang dagdagan iyon.

Malamang ay nadoon din ang ilang schoolmates namin ni Renz. Tuwing may okasyon naman ay pumupunta sila kaya wala ng bago. I washed my body.

"Ate, punta na ako dun!" hiyaw ng kapatid ko sa sala.

Saglit lang akong nagpatuyo ng buhok. Simpleng baby blue dress lang ang sinuot ko. Sa buhok ay ang puting headband na iniregalo ni Tita ang suot-suot ko. Ganoon din sa paa na puting sandals.

I unplugged my phone on the charger outlet at isinukbit ang bag. I checked my phone to see any message from Renz pero wala naman.

Pagdating do'n ay dumiretso na ako sa loob ng bahay nila. Naabutan ko sa kusina sila Mama na naghihiwa ng mga gulay. "Napakaganda talaga ng dalaga mo." Tita complimented me.

"Mas maganda ka po."

"Ayan ang gusto ko ehh!" we giggled. Inabot ko ang ilang gulay at ingredients na hindi pa nabubuksan. I helped them to prepare. Tumulong akong maghalo ng pasta at mag-mix ng ilang ingredients.

Shining AloneWhere stories live. Discover now