Chapter 16

1 0 0
                                    


Nakuha ako sa SPES. I passed the examination at ngayon ang unang araw ko sa munisipyo. Hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa pero sabi ni Mama ay mag-aayos ng mga papel.

I wear a semi-formal outfit. Unang araw ko ngayon kaya dapat ay maayos akong tignan. Isinukbit ko ang kulay puti kong tote bag. Ihahatid ako ni Papa.

Si Renz naman ay nakuha bilang Construction Assistant. Sa makalawa pa siya mag-uumpisa. Sa kabilang bayan iyon. Mas madaming establisyemento kaysa sa lugar namin. Branch iyon ng sikat na construction company. If I am not mistaken, it is owned by Cilla Engineering Corporation. Base sa balita ay mamanahin iyon ng nag-iisang apo ng Cilla na si Elle Amara Cilla. She's an Engineer. Isa sa mga hinahangaan ni Renz sa larangan.

"Ilagay mo ito sa bag mo." Abot ni mama sa akin ng baunan. May laman iyong kanin at ulam para sa tanghalian mamaya.

I said my thank you at her. Nakarating ako sa munisipyo bago mag-umpisa ang seremonya. Wala si Renz ngayon dahil inaasikaso ang mga papel niya sa summer job. The staff oriented us. Nasa higit dalawampu pala kami. Sa agriculture department ako na-assign. Mainam na iyon dahil naka-align sa kurso ko.

"Paki-compile nga ito sa bakanteng computer." Utos ng head sa amin.

I simply encoded the data in the computer. Inabot ako ng lunch ng makalahati ko iyon. Meron silang pantry sa loob kaya doon na lang kami kumain ng mga kasamahan ko. Tatlo kaming babae ang na-assign dito.

"Isang buwan tayo dito, ane?" tanong ni Kyla.

Tumango ako sa kanya. "Natapos ka na sa pinagagawa sa'yo?"

"Hindi pa din pero kaya naman mayari ngayong araw. Yung sa inyo napakarami kaya pala dalawa ang kinuha."

It's true. Napakarami niyon. Tingin ko ay aabutin kami ng tatlong araw kung paputol-putol ang pag-e-encode namin.

"Makapasakit ng ulo nga yung babad ka sa radiation." Ani ni Miles. Kasama ko sa pag-e-encode.

Ganoon lang ang nangyari sa tatlong araw ko. Hanggang sa lumipas ang isa at dalawang linggo na nasa munisipyo lang ang nilalakaran ng buhay ko. Siya naman ay pumapasok na din sa summer job niya. Bihira na lang kaming magkita sa isang linggo. Hindi na ganoon kadalas tulad ng dati. Busy din kasi siya sa trabaho at tanging weekends lang siya napupunta sa bahay.

Awa ng diyos ay naipasa ko lahat ng subjects ko noong nakaraang semester. Parehas kaming nasa University Scholar at makakatanggap ng incentives pero sa susunod pa na buwan pa namin makukuha. Tamang-tama sa pasukan.

Balak kong bumili ng laptop sa nakuha kong stipend. 20,000 iyon kaya makakapag-ipon pa ako ng pandagdag.

He sends me a picture of his workplace. Minsan ay nasa office lang siya pero madalas ay nasa construction site. Tuloy ay hindi maiwasan nila Tita na mag-alala dahil baka magkasakit na daw siya dala ng sobrang init. Nag-send siya ng picture ng ginagawang building. May suot na engineering hat at naka-long sleeves.

"Look, napakaganda niyang 'pag nagawa na ng todo!" sabi niya sa video call namin. Nasa site siya habang kausap ko. Sabi niya ay breaktime nila na sakto namang ganoon din sa akin. Mainit at maalikabok ang nakikita ko. Tipikal na construction site.

"Parang ang hirap naman." Reklamo ko imbes na sa kanya manggaling.

"Ganito naman talaga linya ng magiging trabaho ko."

I nodded. Oo nga naman. Civil Engineering ang kinukuha niya. Mas madalas na nasa site kaysa nasa office. Hindi pa naman siya Engineer talaga dahil nag-aaral pa din. Training na ito sa kanya.

"Alam mo ba na-meet ko yung si Engr. Elle." Simula niya. Tinutukoy niya ang tagapag-mana ng kumpanya. Sikat iyon at kilalang pangalan. Magaling at hinahangaan. Lalo na ng maging publiko ang relasyon nito sa sikat na singer ng bandang "Shades of Blue" si Arrow Anthony Dela Vega. Sikat din ang banda nila pati ang iba pang miyembro nito. Muntik na akong maging taga-hanga nito kung masyado lang akong gumagamit ng social media.

"Ang ganda-ganda niya, Love." Puri ni Renz. "'tas ang bait-bait pa. She also offered some tutorial para sa mg lessons na hindi ko daw maintindihan." Napangiti ako. Wala naman akong naramdamang selos o kung anupaman ng sabihin niya iyon. I am happy na may inspirasyon siya sa ganyang career.

"Someday, I will be someone like her."

Iyon ang huli naming usap. Parehas din kaming pagod galing sa summer job. Ganito siguro talaga ano? Kapag nag-ta-trabaho na. Papasok sa trabaho at uuwing pagod. Kaya nakaka-hanga yung mga taong nagpapakapagod sa trabaho tapos ang kinikita ay sumasapat lang sa mga pangangailanga. Kadalasan ay kulang pa.

Next week ay enrollan na namin. May limang araw pa ako para makapaghanda. Another bardagulan na naman kasi sa acads. May naipon na akong kaunti para makabili ng bago kong gamit. Siguro ay bago ako pumasok ay aayain kong mag-mall sila mama. Treat ko na sa kanila. Isa pa, pwed ko ng gamiti iyon para makapaghanap ng laptop. Doon kasi madaming nagbebenta. Hindi tulad ditto sa bayad na halos wala kang makitang bilihan ng ganoong gadgets. Wala din namang kasing gaanong naghahanap.

"Congrats, Shine!" basa ko sa mga comments sa shared post ko. Nagkaroo kasi ang student council ng college namin para i-recognize ang mga academic scholar. University Scholar kaming dalawa ni Renz. Madami pang nag-comment pero hindi ko na na-replyan isa-isa. I sent my thank you to them in a single comment.

Hindi ko naman kasi naugaling ang mahilig sa soc med. Nahihiya pa akong magpost sa ganoon. Bukas ay uuwi si Renz at pupunta kami nila Tita at Mama sa Samgyupsalan. Treat na daw ng mga matatanda iyon sa amin dahil pinagbuti namin.

Tuloy ay hindi magkamayaw ang kapatid ko para bukas. First time lang daw niyang makakatikim niyon kaya excited siya.

"Nakikita ko lang kasi sa fyp ko 'yun, ate. Sabi ay masarap daw." Aniya. "Kaso ay hindi ako marunong mag-chopstick."

"May kutsara't tinidor naman."

"Kahit na. Gusto ko din namang maranasan. Po-post ko 'yon!"

I shook my head. Siya ang kabaligtaran ko sa maraming bagay. Kung anong kina-ayaw ko ay siya namang kinahilig niya.

Ahh, basta. Pagbubutihin pa naming dalawa. Hangga't maaari ay dapat ma-maintain ko ang mga grades ko. Ito lang din naman ang magagawa ko. Everybody is expecting us to achieve great things. Nakaka-pressure pero ano bang magagawa ko? Sa ganitong larangan nila kami nakilala. Honor students. Kahit naman na hindi ko narinig kila Mama at Papa ko ang pressure, I know they are expecting this. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shining AloneWhere stories live. Discover now