Chapter 7

1 0 0
                                    


FRIDAY. Magkasabay kami ni Renz na uuwi ngayong hapon. Nag-bus na lang kami dahil malayo-layo rin ang byahe mula University hanggang sa probinsya namin.

Ako ang nasa tabi ng bintana habang siya naman ang nasa gilid ko.

Madami-dami ding umuuwi na estudyante ngayon. Pinapakita nila ang ID sa konduktor para makatipid ng pamasahe. Na isa sa natutunan ko.

"Kainin mo 'to." Abot niya sa akin ng tinapay. Mabilis ko iyong inabot at nagpasalamat.

Naglabas din siya ng sa kanya. Sabi niya ay ginawa niya iyon sa boarding house nila kanina bago kami umalis.

Punong-puno ang laman ng bus. Buti na lang ay maaga kaming nakasakay kanina. Meron kasing standing ngayon sa bus. Although, malapit naman na daw ang destinasyon nila.

Grabe. Pagod na pagod ako ngayong linggong ito. Pagdating ko talaga sa bahay ay matutulog ako. Babawi ako ng tulog.

Maganda naman sa dorm. Magkakaroon ka ng mga kaibigan na makakasama mo hanggang sa matapos ang semester o hanggang sa maka-graduate kayong lahat na magkakasama. You will have the best of friends who will make college bearable.

Sadyang halos araw-araw na problema naming ay ang paggising tuwing umaga. Kadalasan kasi ay may nag-iingay na sa kabilang kwarto na hindi maiwasang magising ka ng sobrang aga kumpara sa pasok mo. Ang ginagawa namin ay kinakatok namin ang pader para senyasan silang may natutulog pa.

Pero hindi naman lahat ay may kusang intindi. Kaya totoo ang sinasabi nila na ang College ang magiging training ground namin. Hindi lamang sa sarili naming kurso at career, pati na din sa pagkakaroon ng mahabang pasensya, at pakikisama.

Nakaidlip si Renz sa tabi ko. Nakapatong ng bahagya ang ulo sa sandalan habang nakatagilid ang gawi sa akin.

Kanina ay ako ang nakatulog. Ngayon ay siya naman. Salitan kami para mapansin namin kung nasaan na kami. Baka kasi mamaya ay makalagpas kami sa babaan.

Ilang oras din kaming nasa byahe. Nakababa lang kami ng mga bandang alas-kwatro ng hapon sa bayan. Bumili muna ako sa malapit na school supplies ng bond paper at marker dahil madami-dami kaming problem set na gagawin ngayong weekend.

Akala ko pa naman ay makakapagpahinga ako ngayon pero mukhang pagdating sa bahay ay papel pa din ang aasikasuhin ko.

Parehas kaming nasa loob ng tricycle ni Renz. Last na sakay na namin ito para makauwi sa bahay.

"Napagod ka?" he asked.

Tumango ako sa kanya. Hinawi ko ng buhok ko pakaliwa para hindi tumama sa kanya.

"Matutulog lang din siguro ako sa amin mamaya."

He said the same too. Nakasandal ako sa balikat niya habang umaandar ang tricycle. Hawak-hawak niya sa kanang kamay ang coke at paminsan-minsan itong iniinom habang ang kaliwa niyang kamay ay naka-akbay sa akin.

He tapped me ng malapit na kami sa bahay. Sabay kaming nag-abot ng pamasahe sa driver. I opened the gate. Inayos niya ang sombrero niya bago humarap sa akin.

"Punta ako bukas sa inyo. Gawa tayo ng problem sets." Paalam niya.

I bid my goodbye to him. Tumawid na siya sa kabila para makapunta na sa kanila.

Binuksan ko ang bahay habang hawak-hawak sa kabila kong kamay ang maliit kong maleta.

"Nandito na po ako." I closed the door. Nasa sala sila Mama at bunso. Nanunuod ng pang-hapon na palabas sa TV.

"Anak." Niyakap ako ni mama pagkatapos kong magmano sa kanya. "Kumain ka muna."

I nodded. Dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Hindi na sana ako bababa pa sa kusina para kumain pero dinalhan ako ni Mama ng pagkain sa kwarto.

Shining AloneWhere stories live. Discover now