Chapter 8

1 0 0
                                    


I locked our house door. Parehas na nagbabaon sila Mama kaya wala ding uuwi maya-maya para sa lunch. As for us ni Renz, baka bumili na lang kami sa madadaanan naming karinderya.

Dala-dala ko din ang mga problem sets na sasagutan namin. Libot na may kasamang acads!

"Ikaw magsuot nito." abot niya sa akin ng maliit na helmet. Nilagay niya iyon sa ulo ko. He placed my hair on my back. Nasa basket ng bike ang dala naming mga papel at tumblers. He also made sandwiches and brought a mat. Para daw mamayang hapon.

"Hold on tight."

Yumakap ako sa kanya. He started maneuvered the bike. Naka-cap siyang puti. Hindi gaanong mataas ang sikat nga araw ngayon dahil medyo makulimlim naman at mahangin.

Nasa probinsya na ako kaya hindi gaanong masakit sa balat ang araw.

Kapag nakuha ko na ang stipend ko sa scholarship ay baka bumili ako ng bike. May magagamit na ako sa University kapag nagkataon. Nakakapagod din kasing maglakad ng maglakad sa University lalo na at layo-layo din ang mga klase ko.

Si Renz naman ay may sarili ng bike na ginagamit sa University. Unlike sa gamit naming ngayon, ang kanya talaga ay walang basket sa harap. Sa ate niya itong ginagamit namin ngayon.

Mga dalawa o tatlong beses ko siyang nakikitang nag-bi-bike kasama ang mga kaklase niya.

"Sa plaza muna tayo." He said.

Tumango ako sa kanya. Hindi gaanong madami ang sasakyan dito kumpara sa bayan. Mabilis na lang kaming nakarating sa plaza. May mga nagtitinda ng mga street foods dun at ilan pang mga palamig.

"Grabe!" bulalas ko. "Ngayon na lang ulit tayo nakapunta dito."

Ngumiti siya. "Yeah. Kadalasan dito tayo nagpa-practice ng mga performance task."

I sat on the bench. Ipinarada naman niya ang bike sa gilid niyon. May mangilang-ngilan pang nagpapractice na mga estudyante dito dahil malawak naman ang lugar. Dito din madalas ginaganap kapag may mga beauty pageant o Parol making contest. Tapos sa Audi naman ang mga nagpa-praktis ng mga basketball at volleyball.

"Kakamiss din, ane?"

Sabay kaming tumango.

Nagtingin-tingim siya ng mabibiling pagkain sa labas habang ako naman ay nakaupo at nagmamasid lang sa paligid. Tanaw ko pa rin naman siya mula dito. I'm happy na tapos na kami sa buhay High School. Nakakamiss pero kailangan nating magpatuloy at umabante para may makamit sa buhay.

"Shine!" tawag niya sa akin.

Agad naman akong lumapit sa kanya at nakitingin sa binibili niya.

"Mga anak! Kayo pala 'yan!" bungad sa amin ni Manang. Madalas kami sa kanyang bumibili tuwing natatapos na klase namin. Mas mura kasi ang paninda niya at masarap ang timpla ng mga sauce at palamig.

"Opo, 'nay! Ngayon na lang po kami nakauwi." I answered. A small smile crept on her face. Ang mga mata ay masayang nakatingin sa amin Renz.

"Ay eh! Kamusta naman ang buhay-kolehiyo?" usisa ni Manang habang pinapawisan. Hawak-hawak nito ang plastic cup sa kanang kamay. Si Renz na ang naghahalo ng fish balls at kikiam sa kawali.

"Ayos naman po." Magalang kong sagot. "Kaso nakakapagod po talaga."

"Ay oo! Naalala ko ganyan din ang pamangkin ko nun. Panay ang reklamo na nakaka-stress daw ang college!" dagdag niya. "Eh hindi bale, kasama mo naman si Renz, hano!"

I nodded.

"Ay nako, Manang! Pagsabihan niyo nga 'yang si Shine na kumain sa tamang oras at wag magpalipas ng gutom." Sumbong ni Renz sa kanya.

Shining AloneWhere stories live. Discover now