Chapter 11

1 0 0
                                    


Seryoso ako dito habang siya ay nailing lang sa tabi ko. Maang akong napatingin sa kanya. He seems so relaxed. Nakasandal ang buong katawan sa kinauupuan namin at ang kanang kamay ay nakapatong ng buo sa sandalan sa likod namin. Bahagya siyang nakatingala kaya kitang-kita ko mula dito kung gaano katangos ang kanyang ilong at kadepina ang kanyang mga braso.

Malaya ko siyang napagmamasdan dahil hindi naman siya lumilingon sa gawi ko. Siya yung tipo na madaling pakisamahan. Kaya napakarami niyang kaibigan sa dati namang school at tiyak akong mas dadami ito hanggang ngayon. Ngayon pang nasa kolehiyo na kami. Siya din yung tao na kahit tahimik ay mararamdaman mong hindi ka ma-i-intimidate. Na madali mo siyang lapitan at kausapin. Kaya minsan ay nakikita kong may mga nakakasama siyang mas matanda pa sa amin ditto. Mga Senior student.

Ang rinig ko pa nga ay balak siyang tulungan ng mga ito na makapasok sa student council ng kolehiyo namin. At alam ko namang iyon ang forte niya. He was the Vice President since we were High School. Ni isa ay wala akong narinig na pangit na feedback sa kanya. Maayos niyang nagagampanan ang lahat ng gawain kahit na sabihing hindi siya ang nasa pinakamataas na nasa posisyon. He is willing to do everything for the sake of studentry. Bagay na mas lalong nagpapahanga sa akin.

Sa ngayon ay siya ang Presidente ng section nila kaya alam kong busy din siya, hindi lang sa acads niya pati na rin sa pagma-manage ng section nila.

"I'm melting." Rinig kong sabi niya kahit na hindi siyan nalingon sa gawi ko. "Nalulusaw na ako sa titig mo."

"Hansamu mo kasi." Puri ko.

Gulat siyang napatingin sa akin pagkasabi ko niyon. Ang kilay ay nakataas at bahagyang nakabuka ang labi. Napaayos pa siya ng pagkaka-upo ng humarap siya sa akin.

"Ulitin mo nga."

Umiling ako. Ang kamay ay nasa bag na nasa kandungan ko. Sinundan ko kanina ang tinitignan niya sa itaas at ginaya ang paraan niya ng pagkakatitig dito. Wala naman akong makita kundi ang kahel na kalangitan at mga dahon sa itaas ng mga puno.

"Ulitin mo." Pangungulit niya sa akin. "Huy." Kalabit niya sa akin.

"Narinig mo naman. Ba't mo pa pinapaulit?"

"Basta ulitin mo. Dali na."

"Napakagwapo mo, Love." Ulit ko sa malambot na boses.

He cursed. At napatakip siya sa bibig niya. Ang mga paa ay mahinang pumapadyak habang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"I recorded it." Pakita niya sa hawak na cellphone. He played it. Malakas iyon na paulit-ulit.

"Hoyyy!" takip ko sa cellphone niya. "Ang lakas!" napatingin ako sa paligid namin para tignan kung may nakarinig niyon. Chinese Temple ang nasa likuran naming habang ang University Canteen naman ang nasa gilid. Medyo malayo ang huli kaya feeling ko naman ay hindi iyon rinig.

"I'll set this as my alarm." Nangingiting sabi niya habang nagce-cellphone. My cheeks blushed. "Para kapag gigising ako pinupuri na ako ng bebe ko!"

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Siya naman ay tuwang-tuwa sa nangyayari. Ganoon lang natapos ang araw naming dalawa. Kwentuhan at kaunting chismisan sa mga pinagdadaanan. More like ako. Ako lang naman itong mukhang drain na drain na sa mga nangyayari.

Nangako kami na magiging takbuhan namin ang isa't-isa. Na hindi namin pwedeng dalhin ang problema ng sa sarili lang namin. He said that he's willing to help me. At ganoon din naman ako sa kanya. Sabay kaming makaka-graduate. Sabay kaming lalabas sa Unibersidad na ito.

Months has passed. Huling termino na ngayong semester. Ibig sabihin, kailangan ko ng mas lalo pang pag-igihan para madami akong panghatak sa mga scores ko. Sa susunod na pasukan, mga 2nd year college na kami.

Halos araw-arawin ko na ang pagpunta sa library para lang magbasa at mag-aral ng maayos. Sa dorm kasi ay hihilahin lang ako ng antok at tulog kapag nandoon ako. Dito kahit papaano ay nakakatapos ako ng activity namin.

Lumabas na din ang schedule ng final exams namin. It was posted on the College bulletin board. Tatlong araw iyon kaya need kong maghanda talaga dahil hindi biro ang mga subjects ko ngayon. Isa pa, wala namang estudyanteng nanaising bumagsak.

Dalawang subjects ang itatake namin ngayon. Isa sa umaga at isa sa hapon. Tig-isa't kalahating oras. Bukas pa ang schedule ng Math subject namin kaya may panahon pa akong idadagdag sa pagre-review.

I wrote my name and section on the test questionnaire. Maigi ko iyong binasa at pinili ang tamang sagot. It was a pure multiple choice kaya madali akong natapos sa exam. Lumabas na din ako pagkayari ko at binabalak na puntahan si Renz sa classroom nila. Sa kabilang dako iyon ng kolehiyo kaya lalakadin ko na lang.

Sakto lang din ang dating ko dahil kalalabas din niya kasama ang ilang kaibigan. He bid his goodbye to them tsaka pumunta sa gawi ko.

"Kamusta ang unang exam?" akbay niya sa akin habang naglalakad. Kinuha niya ng bitbit kong tumbler at uminom do'n. Pagkatapos niyang uminom ay siya na ang nagbitbit ng tumbler.

"Ayos lang. Nakasagot naman kahit papaano. May exam pa kami mamaya. Kayo ay?"

"Meron pa din. Major." Tukoy niya sa subject nila. Tumambay kami sa bench ng University Canteen at duon naglabas ng baon. We ate while reviewing. 1:30 pm pa ang kasunod na exam niya habang ako ay saktong 2:00 pm. Mauuna lang siya ng thirty minutes.

"Gusto reviewhin kita dyan?" alok ko sa kanya.

He shook his head. "Hindi na. Magreview ka na lang din dyan."

Tumango ako. Halos kinse minutos din ang lumipas ng may lumapit sa aming babae. Sa kanya pala.

"Hi, Renz! May copy ka ng isang powerpoint ni Sir?" tanong nito. Maputi ang babae at medyo matangkad din ito kaysa sa akin. May kakulutan ang buhok na kulay blonde at may suot na black shades sa itaas ng ulo. Hindi ko maiwasang humanga sa kutis nito dahil napakaputi talaga. Idagdag pa na nakapalda ito kaya kitang-kita kung gaano kaputi ang hita ng babae.

"Yeah. Ito ba?" pakita ni Renz sa naka-print na powerpoint slides.

"Oo 'yan!" the girl said happily. Mabilis kong nginuya ang subo-subong ulam at tsaka pinagmasdan sila. "Hiramin ko ah. Thanks!"

Nang makaalis ito ay saka siya bumaling sa binabasa. Ako naman ay hindi maiwasang titigan siya ng malalim habang kumakain. "Why?" tanong niya.

Umiling ako habang nakataas ang kilay. "Wala naman." Ibinalik niya ng paningin sa papel. "Hindi mo pa nagagalaw ng kalahati yung pagkain mo."

"I'll eat that later." Sabi niya habang hindi pa din maalis ang mata sa binabasa. 

Shining AloneWhere stories live. Discover now