Sadya talagang napaka-unfair ng buhay. Kung sino pa ang nag-aaral ng mabuti ay sila pa ang pinagkakaitan ng oportunidad. Alam ko naman sa sarili ko na may ibubuga ako sa pag-aaral. Mula elementary hanggang ngayong Senior High School ay hindi ako nawawala sa Honor List. Tuwang-tuwa pa nga sila papa kapag nasa top ako. Kaya naman bakit hindi niya ako patutuluyin sa kolehiyo gayong nakikita naman niyang masipag akong mag-aral.
"Mahal siguro ngiti mo?" tumatawang sabi niya. "Magkano ba ang limang ngiti at bibilhin ko na."
Renz always been playful whenever he's around me. Kilala siya bilang seryosong Vice President ng Student Council dito sa school. Mas madalas pa siyang maglibot sa school kaysa sa Presidente. Not that walang ginagawa ang huli. Si Renz lang talaga ang may awrang strikto kapag school rules na ang pinag-uusapan while the President has this joyful aura. Kaya naman kapag usapang violation sa school ay madalas nakakalusot ang mga estudyante.
Hindi ko siya pinansin. Iniisip ko pa rin ang pagkokolehiyo. Kung sana lang ay may mag-offer ng scholarships sakin ay tiyak na makakatuloy ako. Subukan ko kayang humanap ng part-time?
"Konti na lang, magtatampo na ako sayo." He whispered.
Agad akong napabalikwas sa gawi niya. Nakatingin siya sa kabila kaya hindi ko maaninag ang histura niya. I hold his shoulder para ipaharap siya kaso ay nagmamatigas din siya.
"Hoy!" tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako tinitignan at nakakunot-noo lang siya. "Hala!" medyo kinakabahan kong bigkas.
"Renz..."
I stood up to face him. "Nagtatampo ka na ba?"
"Oo." His face hardened.
"Naririnig naman kita kanina." Depensa ko. "May iniisip lang ako kaya medyo nawala ako."
Bumaling siya sa akin. Nakakunot ang malalagong kilay. Ang mga mata ay mariin na nakatingin sa akin. His pointed nose makes me allured on his handsome face.
"Gaya ng?" he asked.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang tungkol dun kasi nahihiya ako, knowing na sure siyang makakapagkolehiyo samantalang ako ay hindi. Kung hindi ko naman sasabihin ay baka tuluyan na siyang magtampo sa akin.
"Gaya ng?" pag-uulit niya.
I looked at him. Tinatantya kung sasabihin ko pa sa kaniya. I remained silent.
"Ang daya naman nito!" he said ng mapagtantong wala akong balak na sabihin sa kaniya. "Lahat naman ay sinasabi ko sayo ah!" He straightened his body. "Bakit naman ayaw mo sa aking sabihin? Lahat nga ng tungkol sa akin sinasabi ko sayo tapos ikaw..."
"Kasi..." tanging nasabi ko. I placed my hands on my back. Itinatago iyon sa kaniya.
Nakaupo siya ng bahagya sa lamesa niya dito sa office nila habang ako ay nakatayo sa harap niya. His broad shoulder screams authority. Maayos ang postura niya sa harap ko. He's like intimidating me! Ganitong-ganito siya sa mga makukulit na mga estudyante kapag walang gustong umamin sa nagawa.