Chapter 10

1 0 0
                                    


Pagod ako. Literal.

Nakatulog naman ako kaso pakiramdam ko ay hindi ganoon ka-kumpleto kaysa dati. Ito pala 'yun, ane? Yung pakiramdam sa kolehiyo. Naghalo-halo na ang pagod, antok, gutom, at pag-aalala.

Only the toughest can survive.

Ang laking pagbabago pala kapag nasa kolehiyo ka na. Yung ang iisipin mo na lang talaga ay paano ka makakaraos sa bawat araw. Well, there's a lot of students, and people out there na mas hirap pa kaysa sa pinagdadaanan ko but this is what I currently feel.

A couple of months has passed. Tatlong buwan na yata. Natapos na ang First Term Exam namin, at ngayon ay approaching naman ang midterm exam. For the past months, ang ginawa ko lang ay mag-aral. Magpapasa ng activity, uuwi sa dorm, matutulog, kakain, at babalik sa bahay namin.

It just a normal day. Nasanay na din ako kahit papano sa buhay-unibersidad. Sobrang layo pala nito sa kung anong meron tayo sa high school.

"Tara sa Wag-wag!" aya ng ka-dorm ko. Bilihan iyon ng kung ano-anong pagkain at ukay-ukay. Tamang-tama iyon kapag gusto mong magtanggal ng stress. Yun nga lang ay mapapagastos ka.

"Wala na akong pera." Ingit ni Lalaine.

"'nubayan kasi! Bakit naman kasi nagkaroon ako ng kaibigan na anak ni Henry Sy ehhh!"

"Tuloy kakain na kasi tayo dun! Para hindi na magluto si Li!"

Sa huli ay nayaya din niya kaming mag-wag-wag. Sumama na ako para naman maging pamilyar na din ako sa lugar na ito. We bought foods, and some drinks. Mura lang naman iyon kaya may natira pa din sa baon ko.

Nagtingin silang ukay-ukay duon kaya nakigaya na din ako. There's a lot of beautiful dresses, and shirts kahit na mga ukay iyon. Karamihan pa nga ay mga estudyante ang namimili duon. Bumili sila duon ng mga pandagdag pamasok kaya nakitingin na din ako.

"Kuya, hindi ba 150 na lang 'tong dalawa." Tawad ni Eya sa tindero.

"Hindi 'neng! Wala pa sa puhunan."

They giggled. Sa huli ay kinuha din naman nila.

"Ito na uulamin namin, Kuya!" Eya handed the 200 pesos. "Ilalaga namin itong mga ukay!"

Pagkatapos nun ay saka lang kami namili ng mga pagkain. We ate our foods on the bench. Ang iba ay nasa mga stalls pa para humanap ng tubig. Pagbalik nila ay may hawak-hawak na silang mga palamig at buko shake.

Gabi na din ng matapos kami sa Wag-wag. Kanina pa din ako nakaka-receive ng text kay Renz kung nasaan daw ako. For once, I ignored his messages. Hindi ko muna iyon nireplyan. Mas gusto ko munang i-pamper ang sarili.

"Desurb natin 'to!" they said habang hawak-hawak ang mga supot ng pinamili. Pagkatapos kasi namin kumain ay nag-aya sila sa Supermarket para bumili ng grocery nila. I bought what I need. Toiletries, and some biscuits. Babaunin ko iyon habang nasa klase.

May hawak din silang paper bags galing sa Jollibee. Kahit ako ay meron ding hawak. Sa sobrang pagod sa college ay pakiramdam ko kulang ang isa o dalawang comfort foods na kakainin mo.

My parents said na hindi ko dapat tinitipid ang sarili ko that's why I enjoyed so much foods this day. Nasa akin na din naman ang stipend ko mula sa scholarship na nakuha ko kaya masusulit ko na ang kumain lagpas sa ordinaryong consume ko. Although, kailangan ko pa ring tipirin syempre ang nakuha kong pera.

"Oyy, Shine! Jowa mo oh!"

I lift my head up. Tanaw ko mula sa nilalakaran namin siya. He stands up relax and with posture habang nasa kanang kamay ang cellphone. Ang maputing kaliwang kamay ay suot ang itim na relo. He wears a simple khaki short, and a printed white t-shirt. Ang buhok ay maayos na naka-suklay. He looks fresh, and clean. He captivated almost girls who's passing by on our dorm.

Binati siya ng mga kasama ko at ibinalik naman niya iyon. Lumapit siya sa akin pagkaalis ng mga kasama ko. Atubili naman akong humarap sa kanya. It's like I committed a sin to him pero wala naman. Yung gano'ng pakiramdam.

Bigla ang dagundong ng kaba ko kahit wala naman akong dapat na ikakaba. Na kahit na nakangit siya sa akin at malamyos na nakatingin ay siyang bulusok ng ganong pakiramdam. Siguro ay dahil ngayon ko lang siya nakita o baka dahil dala na lang ng pagod ko.

"Hi." Maikling bati niya. Inayos niya ang nalukot na laylayan ng kanyang t-shirt kahit na plantsado naman iyon. He seems a bit shy. Kung nahihiya siya ay paano na lang akong hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Hello." I greeted him back. "Napadaan ka." Malamang, Shine. Kita mo namang nasa harap mo 'yong tao!

He hummed. Medyo madilim na din. Naghahalo ang kulay rosas, at kahel sa kalangitan. He gestured me to go on a walk. May ilang dumadaan pang mga estudyante pero kakaunti na lang iyon kumpara kaninang may pasok pa.

Gosh. Pakiramdaman ko ay ngayon pa lang kami nagkakilala dahil hindi kami nagkikibuan. Naiilang ako sa kanya.

"Kumusta?" he asked. Tuwid ang tingin niya sa daan habang naglalakad kami.

"Ayos lang." feeling ko anytime wala na akong boses sa sobrang hina nito. Nakita ko siyang tumango.

Bakit nakokonsensya ako dahil hindi ko siya naharap nitong nakaraan? Nahihiya ako sa kanya gayong siya itong palaging nag-aalala sa akin. His efforts are beyond. Alam kong concern lang siya nito pero heto ako at hindi siya inintindi. Paano na lang kung magalit siya sa akin? Paano na lang kung tuluyan niya na akong hindi pansinin dahil dun?

"Sorry." Sabi ko ng makarating kami sa Rizal Park dito sa University. Mahina lang ang pagkakasabi ko niyon kaya hindi ko alam kung narinig ba niya. Nakita ko naman siyang lumingon sa gawi ko kaya baka...

"Hmmm." He hummed in a serious tone. "Bakit ka nag-so-sorry?"

Nakayuko pa din ako sa gawi niya habang siya ay nakatayo at nakapamulsa. Hindi ko siya tinitignan dahil hindi ko naman kayang salubungin ang tingin niya.

I scrunched my nose. Ang mahaba kong buhok ay lumaylay sa magkabilang gawi ko. Making me sadder in front of him. Du'n na siya gumawi sa akin at umupo sa harap ko.

Hinuhuli niya ako tingin ko pero pilit ko naman iyong iniiwas. He giggled tila nang-aasar.

"Look at me." He said. A smile crept in his lips.

I shook my head.

Tinakpan ko na iyon ng buo kong kamay para hindi niya ako makita. Naka-squat siya sa harap ko.

"Love." He holds my hands and gently caressed it para ialis ko na iyon sa mukha ko. "Come on."

"Ayoko." Mariin kong tanggi. "Galit ka."

"I'm not."

"No. Galit ka." Hindi pa din ako pumapayag sa sinasabi niya.

"Hindi nga. Hindi ako galit." Pilit din niya. "Come on. Show me your face."

Natatawa niyang sabi. "Love."

Nahihiya talaga ako sa kanya. Ewan ko ba. Feeling ko ehh wala akong maiharap na mukha sa kanya. Dahil hindi sa pagpansin ko sa kanya.

"Shine."

Sabi na ehhh galit siya. Tinawag na niya ako sa pangalan ko. huhu.

Unti-unti ko ng niluwagan ang pagkakatakip ko ng mukha habang hawak-hawak niya iyon. "Sure ka, ah?"

"Yeah." With his assurance, I removed my hands. At nang maialis ko iyon ay bigla siyang tumayo ng bahagya para mapantayan ako. He quickly kissed my forehead while his hands are on the both sides of my legs. Tila kinukulong ako niyon.

Maang akong napatingin sa kanya. He smiled a little. Ang mga mata ay diretsong nakatitig sa akin habang ako ay hindi makapaniwala sa ginawa niya. Inulit pa niya iyon sa pangalawang pagkakataon.

He planted a long gentle kiss on my forehead, and pinched my nose softly.

"Cute mo." 

Shining AloneWhere stories live. Discover now