Chapter 15

1 0 0
                                    


Para akong nasa alapaap. Kahit natapos na ang selebrasyon sa kanila ay nakangiti pa din ako.

Hindi ko maintindihan pero gustong-gusto ko ang ganitong pakiramdam. Renz is my comfort. Nang sinabi niyang matutulog na siya ay natulog na nga ito. Payapa akong nakaalis sa kwarto niya. The celebration went well. Huling umuwi sila Papa sa bahay dahil nagkasiyahan pa ang mga ito hanggang mag-umaga. Tuloy ay parehas sila ni Tito na hindi makabangon kinabukasan.

Sa buong maghapon ay nasa bahay lang ako. I arranged my study area on my room. Balak ko kasing mag-advance study na sa mga subjects ko na alam kong sobrang mabigat para sa next semester. Naka-isang taon na ako sa kolehiyo. At do'n ko lang din nalaman na sobrang hirap pala. Ibang-iba ito sa high school na spoon feeding pa tayo sa mga lesson. Dito ay hindi. Hahayaan ka ng mga prof kung anong balak mo sa subject nila. Kung aabsent ka, kung mababa ang scores mo, kung ikaw pa man ang pinakamataas ay wala silang pakialam.

Lalo na sa kurso namin. Lahat naman ay mahirap. Walang madali. Pero iba ang bagsik ni Engineering. Literal na luluha ka kada exam.

"Maglalaba lang ako saglit." I informed my sister. "Kapag hinanap ako ni Kuya mo ay sabihin mong nasa laundry ako."

She nodded while on her cellphone.

Binitbit ko ang hamper at dinala sa bandang likod. I want to wash my clothes dahil ang iba dito ay sinuot ko pa sa dorm. Ngayong bakasyon ay baka maghanap ako ng summer job. Tamang-tama para may ipon din ako sa susunod. Ayaw ko din namang iasa sa magulang ko ang lahat dahil sa linggo-linggong allowance ay mahirap iyong iprovide kung wala namang maayos na trabaho ang magulang. Nasabi ko na ito sa kanya kaso ay hindi ko alam kung anong balak din niya ngayong summer.

Higit kinse minutos pa akong naglalaba ng maramdaman ang presensya sa bandang likuran ko. I turned my head at his direction. Nakita ko siyang nakahilig sa pader ng pintuan. Wala naman iyong pintuan o kaya ay kurtina kaya do'n siya humilig. His arms crossed in his chest. Naka-sky blue shirt lang ito at kupas na maong na short.

"Tulungan na kita." Sabi niya pero hindi naman umaalis sa pangkakahilig.

Nakamaang ko siyang tignan. Tila tinatantiya kung seryoso ba siya o hindi.

"Wag na."

"Pilitin mo muna 'ko." asar na balik niya sa akin.

I glared on his side. Nanunuksong nakangiti lang ang lalaki sa akin. I threw some bubbles at him pero tawa lang ang sagot niya sa akin habang umiiwas. "Come on." Ilag niya sa hinahagis kong bula.

"Umalis ka na nga!"

"Ayoko."

"Ang aga-aga, Renz!"

He checked his wristwatch. "Tanghali na kaya. Mataas na ang sikat ng araw oh!" pilit niya sa akin. He pointed the outside. Tumingin ako do'n ng nakakunot-noo kaya tawang-tawa siyang lumapit sa akin.

"Tsk! Alis nga!" giit ko sa kanya ng akmang hahawakan niya ang mga damit ko.

He shook his head. "Love, 'wag ng papilit."

My mouth turned "o". Inusog niya ako kaya siya na ang buong naglalaba. "Love you po." He whispered.

Kaya ang nging set-up namin ay siya ang nagkukusot at ako naman ang nagbabanlaw. Basa na din ng kaunti ang damit niya pero hindi naman siya nagrereklamo doon. I went to kitchen to cook rice. Tinignan ko ang stock namin ng gulay sa ref at nag-isip ng lulutuin para mamaya.

Bumalik din ako sa laundry area. "Anong gusto mong ulam? Nakakahiya naman kung hindi ko papakainin ang naglalaba ng damit ko." biro ko sa kanya.

"Kahit ikaw na lang." I glared at him. His lips pursed. "I mean, kahit ikaw na lang magdecide. Isip neto."

Pagkatapos kong banlawan iyon ay isinampay ko na sa labas. He even helped me doing those. Sinong mag-aakalang napaglaba at napagsampay ko siya? The former Vice President of the Student Council washed my clothes.

"Bilib ka naman na." porma niya sa akin pagkatapos naming maglaba.

"Pumunta ka sa sala at magpahinga ka do'n."

"Sure." Saglit pa niyang pinisil ang tagiliran ko bago sumunod sa sala.

"Renz!" he giggled. Tawang-tawa habang nakikiupo sa sofa katabi ng kapatid ko.

I prepared the ingredients. Ang kanin ay hindi pa lubos na luto. Pinahinaan ko lang ang apoy sa stove bago kinuha ang chopping board at kutsilyo. Balak ko sanang magluto ng gulay ngayon at isda. I sliced the onion, and garlic. Isununod ko ang paghihiwa ng mga gulay. I even cleaned the fish at inuna iyong iluto. Tamang-tama lang din na naluto na ang kanin. I sauté the garlic and onion.

"Ang bango naman." Rinig kong sabi ng dalawa sa sala.

Si mama ay lumabas muna at may aasikasuhin daw. They said na manananghalian sila dito kaso ay wala pa naman sila. I prepared the plates, and our drinks. Masarap ipares ang juice sa ganitong pagkain. I opened the fridge and took some ice cubes. Inilagay ko iyon sa pitchel.

Nang matapos akong magluto ay tinawag ko na sila. I texted my parents for their whereabouts. Ang sabi ay mauna na kaming kumain at tirhan na lang sila.

"Wow! Dabest talaga." My sister chirped. Naupo kami ng paikot sa lamesa.

We ate our food. "Hindi ka ba hinahanap nila Tita?"

"Paampon muna ngayon."

I know this. Tiyak akong napagalitan ito ni Tita. "Ayan, lasing ka kasi."

"Kaunti lang naman 'yun!"

"Kaunti? Ehh nalasing ka."

Hindi na niya ako pinansin. His phone beeped. Pinatay niya iyon tsaka kumain. "Istorbo."

I smiled. Ayaw na ayaw niya talaga kapag may humahadlang sa pagkain niya. pansin ko din ng hiramin ng kaklase niyang babae ang reviewer niya noon habang kumakain kami. His face was disturbed. Naka-kunot-noo at hindi natingin sa kausap. Basta niya na lang iniabot ang reviewer sa babae.

After we ate, ganado siyang naghugas ng pinagkainan namin. I sat on the sofa.

"Nakapag-evaluate ka na?" tanong ko sa kanya habang nasa kusina siya.

"Mamaya palang."

We need to evaluate our teachers. Based on how they teach the lessons. How are them as teachers, and the like. Wala naman akong naging hinanakit sa mga teachers ko. Kung meron man akong pagkukulang ay sa akin na iyon bilang estudyante.

"Sa susunod na sem ay magiging teacher niyo yata si Sir Badua."

I heard some says about that teacher. Na maraming hindi nakakapasa sa kanya, at halos hindi makapagbigay ng consideration.

"Mag-aral kang mabuti sa subject niya." paalala niya. Sa susunod na sem pa namin siya magiging teacher. Ngayon ang balita namin sa mga hinawakan niya ay marami ang bumagsak sa mga ito. Dahilan para hindi nila makuha ang higher subjects nila.

"Maging mabuti sana ang tadhana ko sa subject niya." tanging nasabi ko. Kung naipasa ko ang Calculus ngayon, may dahilan na ako para pagbutihin pa sa susunod. I will pass his subject. Pagbubutihin ko. 

Shining AloneWhere stories live. Discover now