"As you can see, Engineering ang pinili niyong kurso. Kayo ang pumili dito kaya better do your best. Expect so many turns in your academic life dahil sobrang bigat ng kurso niyo. Hindi biro ang pinasok niyo. You may experience a lot of stress, distractions, and pressures. But I guarantee all of you...your hardworks will pay off." My calculus professor said.
We listened on her advice. Hindi pa naman ganoon katanda si Ma'am. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam kong punong-puno na siya ng karanasan sa buhay. And that's what we need. A professor who will not only teach us about academic lesson but also a life lesson that we can use to achieve the future that we deserve.
"Isa lang gusto kong sabihin sa inyo. Always choose yourself. Kung anong alam niyong makakabuti sa inyo. Always choose your mental health. Dahil alam ko kung gaano kalala ang kolehiyo kung hindi niyo pipiliin ang sarili niyo." She added. "Kung may bagsak na score, wag malungkot. Bumawi sa susunod na pagkakataon. Sabi nga nila "Always choose to have the willingness to learn". Palaging pipiliing matuto. Hindi naman na mahalaga ang mataas na grades sa college. As long as those grades are the fruits of your own hard work then be happy...kasi hindi lahat may kakayahan na kagaya ng sa inyo. Pwedeng mahirapan pero bawal sumuko. 'Yan palagi ang tatandaan niyo."
I'm happy na makilala si Ma'am. Tama siya. After college, dun pa lang magsisimula ang tunay na laban. Kaya hangga't nasa kolehiyo palang ako, kailangan ko ng pagbutihan pa ng lalo. Kailangan ko pang matuto ng doble o ng triple pa kung kakayanin. Dahil kagaya ng sabi ni ma'am, hindi biro ang pinasok naming kurso.
Sa totoo nga lang ay sinusubok na ako ng kolehiyo. Kung dati ay ang bilis ko pang umunawa ng mga problem solving, ngayon ay halos mawalan na ako ng tiwala sa sarili. Trust issue. Na ultimong 3 minus 2 ay i-ca-calculator pa.
"Para mas mapadali ang pagdederivatives niyo, dapat may kopya kayo ng mga Basic Integration Formulas and Power Formulas. For now, i-a-allowed ko kayong may copy when we do our class discussion." She stated. "But... sa exam and some long quizzes, dapat wala na kayong hawak na derivatives cheat sheets. Maliwanag ba?"
We agree. Kung titignan ay may ilang linggo pa ako o matagal-tagal pa para makabisado ko lahat ng derivatives.
Ayokong bumagsak. Huhu.
...kasi alam kong sobrang hirap ng subject na'to.
Wala pang isang buong linggo ay pagod na pagod na ako. Paano pa kaya sa buong sem?
Papasok kang walang laman ang sikmura at pagkatapos ng klase ay uuwi kang tulog ang hinahanap.
From: Renz
Sabay tayong kumain. I cooked.
Napangiti ako ng mabasa ang message niya. I did not eat my breakfast. Pumasok akong puro numero ang almusal.
Nung nakaraang linggo ay umuwi ako. Sa bahay ko lang naramdaman na kumpleto ako sa tulog. Pagkatapos ng weekends ay bumalik na din ako agad sa University. Ang bilis lang lumipas ng dalawang araw. Para bang humiga lang ako saglit tapos pagkadilat ay Monday na naman.
"Here." Abot niya sa akin ng pinggan.
Andito kami sa boarding house niya. Sinundo niya ako sa klase ko kanina. Sakto naman dahil nag-cancel ang last period niyang subject kaya nakapagkita kami ngayon.
"Ang sarap talaga ng luto mo!" sumubo ako ng niluto niyang Chapseuy. Malasa iyon. Hindi tulad ng tinitipid sa mga rekadong ulam.
"Hindi ka kumain ng umagahan mo?" usisa niyang tanong sa akin.
Umiling lang ako sa kanya at sumubo na din agad.
"Ayan." Sisi niya sa akin.
Huminto ako sa pagnguya. "Malalate na kasi ako kanina sa first period ko." palusot ko pa sa kanya.
"Ehh bakit hindi ka dumaan sa canteen para bumili ng pagkain mo? Madadaanan mo naman 'yun." Litanya niya.
Nakatingin lang siya sa akin. Itinigil ang pagsubo.
My lips pouted. "Ehh kasi... akala ko kasi maaga mag-di-dismiss si Ma'am. Tsaka humigop naman ako ng kape kanina."
"Humigop." Pagtatama niya sa sinabi ko. "Ibig sabihin hindi mo ininom lahat." He rolled his eyes.
Nakangangang napatingin ako sa kaniya. Para siyang si Mama kapag pinagsasabihan ako.
Umirap pa nga...
"Ubusin mo lahat 'yan." Turo niya sa niluto niya.
I nodded.
"Sa susunod 'wag kang magpapalipas ng gutom. Kumain ka."
Tumango ako.
"May pera ka naman, bumili ka na sa Canteen."
Tahimik akong sumusubo.
"O kaya magbaon ka ng tinapay. May binili naman tayo nung nag-grocery."
Uminom ako ng tubig. "Kung hindi kaya, i-chat mo ko para madalhan ka ng pagkain." Sunod-sunod niyang sabi.
Dapat pala naki-boarding na lang ako sa kanya. Next time imbes na sa dorm ako dederetso ay dito na lang ako uuwi. Makakatipid ako sa kanya.
Napahagikgik ako sa naisip.
"Tinatawa-tawa mo?" masungit niyang tanong.
"Wala." Hinalo ko ang sabaw ng chapseuy sa pinggan ko at hinati ang carrot. Tumingin ako sa kanya. His eyebrows furrowed. Para siyang babaeng may dalaw.
"Cute mo." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
He shook his head. Hindi naniniwala sa kapilyahan ko.
Ganon lang lumipas ang halos 15 minutes. Tahimik kaming kumakain. Halata namang mas madami akong nakain kaysa sa kaniya. Kinukuha ko ang mga pinggan sa kanya para maghugas pero hindi niya ako hinayaan. Siya na daw.
Edi hinayaan ko.
"Nabusog ako!" I said while holding my tummy.
Nilingon ko siya habang naghuhugas ng mga plato. His face flushed a little smile.
Saglit ko lang siyang hinintay na matapos at kapagkuwan ay naupo na din sa tabi ko.
He sniffed my hair and gently tightened his hands on my waist. "Namiss kita."
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaka-tatlong linggo na kami sa unibersidad. Pero sa loob ng 3 weeks na 'yun ay hindi ganoon kadalas ang pagsasama namin.
I mean, hindi tulad dati na magkaklase lang kami. Sabay pumasok, sabay kumain sa Canteen, at sabay umuwi. Ngayon, sa chat na lang kami madalas nakakapag-usap ng matagal. Kapag nakikita ko siya sa campus ay sobrang saglit lang dahil may kanya-kanya kaming susunod na klase.
I wrapped my arms around him. Medyo nahiya pa ako ng kaunti dahil suot-suot ko pa ang dami na pinampasok ko kanina. Nakapagpalit na kasi siya ng preskong damit habang ako ay yung damit ko pa kanina na alam kong puno ng pawis ko.
"Kamusta ang adjustment mo?" he asked. Tinutukoy niya ang adjustment ko sa kolehiyo. Sa experience ko.
"Pagod." I answered. "Araw-araw."
He released a deep sigh. Hinigit pa ako lalo sa kanya.
"Nahihirapan ka sa acads?"
Bagama't nahihiya ay tumango ako. Kasi diba, parehas kaming honor student ng klase tapos ako pa ang aamin na nahihirapan sa klase.
"Then, I will teach you." He offered.
Napatingala ako sa kanya.
"Seryoso ka?"
"Kailan ba ako nagloko sayo?"
I purred my lips. Tinatanong ko lang naman kung seryoso siya.
"Never." He stated. "Never will I cheat."