6

40 17 1
                                    

FIREFLIES NEAR THE SHORE

HABANG pabalik sa bahay nag sabi si Kaito ng one week siyang doon muna sa resort kasi kailangan siya ni lola doon.


Sinabi din naman niya na pwede daw bumisita sina Hampi at Elodie sa bahay kapag kaya nila. Pero ayaw daw nila pag hindi siya kasama kasi nahihiya sila. Tumango nalang ako, trabaho niya rin naman yun. Kaya pala si ate Sienna medyo busy rin sa resort eh. 


Ibinaba na niya ako sa bahay , nag paalam na siya kay lola na uuwi na siya. 


" Bye Sereia! One week lang akong mawawala wag mo akong masyadong mamiss!" Pahabol niya habang paalis na siya gamit ang bike niya. 


Inirapan ko lang siya. Puro talaga siya kalokohan. Nakita kong tumatawa si lola sa tabi ko. " Kamusta sa dalalmapasigan apo?" 


" Lola ang ganda doon sobra , tapos andami pang firefly . Feel ko tuloy parang nasa movie ako eh " Excited na kwento ko sa kanya. 


" I'm glad you're enjoying " She smiled and kissed me in the forehead, " Tara na pasok na tayo" Pag aaya niya sakin. Pumasok na rin ako. Umakyat na ako sa taas at nakasalubong ko si ate. 


Tinignan niya ako from head to toe, tapos bigla nalang akong hinarang , tinaasan ng kilay , then later on she smirked. " Sis ,kanino yan ha?" 


Tinignan ko yung suot ko, ay oo nga pala. Hindi ko naisuli kay Kaito itong jacket niya . 


Tinignan niya ako ng nakakaloko , " Kita ko yang suot kanina nung Kito ba yun? " 


" Kaito" I corrected her. 


Nanlaki naman ang mata niya. " Omg my dearest sistah! May boyfriend ka na baby girl " 


Ang OA niya magreact. 


" Hindi ko siya boyfriend. Pinahiram lang to " 


" Indenial " Inaasar niya ap rin ako. 


Alam kong hindi ako titigilan neto. " Si kuya Theros nga pala nasa baba nagdeliver ng tubig" 


" What ? Really?" Dali dali siyang umalis sa harap ko at bumaba . See? Easy. 


Pumasok na ako sa kwarto , inalis yung jacket ni Kaito at isinampay. Ibalik ko nalang bukas. Nagpalit na ako ng pantulog at natulog na. 


I was already in bed ready to sleep pero hindi ko makuha ang tulog ko ngayon. Naka ilang palit na ako ng pwesto sa kama, kaya gusot gusot na tong bedsheet na hinihigaan ko.


Hindi ko maalis yung sinabi ni Kaito nung andoon kami sa dalampasigan. Huminga ako ng malalim at umalis na sa kama. Kinuha ko yung cardigan ko na blue at lumabas sa terrace ng kwarto ko.


Ang sarap ng simoy ng hangin. Ngayon ko lang napansin na tanaw ko dito yung dalampasigan kung saan niya ako dinala kanina. Madami pang alitaptap doon.

Heartbeat Of SummerWhere stories live. Discover now