WITHDRAWAL FROM THE PACK
Parang nakabibingi ang bawat segundo. Bawat tunog ng orasan sa pader ay parang martilyong dumadagundong sa loob ng dibdib ko.
Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Si tita niya, tulala. Si Ate, yakap-yakap ang sarili. Sina Elodie, Hampi, at Ason, nakaupo sa magkakahiwalay na sulok—mga matang wala nang iluluha.
Tapos bumukas ang pintuan ng OR.
Lumabas ang doktor, kasama ang dalawang nurse. At sa isang iglap, tumayo kaming lahat. Ako, halos hindi makahinga. Umasa.
"She fought hard," mahinang sabi niya.
"But we lost her at 5:17 PM."
Parang bumagsak ang lahat sa isang iglap. Ang mundo, ang oras, ang paghinga. Walang ingay, pero parang lahat sumisigaw. Wala nang
tunog ang paligid. Wala nang galaw. Wala nang kulay.
Ako? Nakatayo lang. Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto, o oras na ang lumipas. Basta ang alam ko lang... hindi ako gumagalaw. Hindi ko kayang gumalaw.
Parang may sariling mundo ang katawan ko. Hindi ko maramdaman ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko marinig ang tibok ng puso ko.
Tahimik. Napakatahimik.
Nakita ko ang mga pinto ng operating room na dahan-dahang bumukas.
Lumabas ang isang doktor, kasunod ang ilang nurse. At sa gitna nila, isang hospital bed.
At doon siya — si Sereia.
Nakahiga. Payapa. Walang galaw. Walang reaksyon. Parang natutulog... pero hindi siya hihinga muli.
Ang si tita, agad na lumapit. Halos mabitawan ang rosaryo sa kamay. Niyakap niya ang anak niyang parang ayaw
pakawalan.
"Sereia... anak... anak ko..."
Yung boses niya... basag. Umiiyak siya nang parang binibiyak ang puso niya sa bawat hikbi.
Pero ako... ako'y nanatili lang. Tulala. Parang estatwa.
Nilagpasan nila ako. Hindi na nila ako nakita. Hindi ko rin sila nakita nang buo. Malabo ang lahat. Parang nasa ilalim ako ng tubig. Parang pinapanood ko lang ang lahat mula sa malayo, kahit nandoon ako.
Walang makapagsalita. Walang gustong magsalita. Tanging mga iyak at hikbi lang ang naririnig.
Pero sa akin, wala.
Walang tunog.
Walang luha.
Wala na... si Sereia.
At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, hindi ko alam kung paano lumaban.
biglang naputol lahat ng tunog. Lahat ng kulay.
Dilaw na bulaklak lang ang nakita ko sa mesa.
Wala na si Sereia.
Dinala siya sa recovery room para sa final viewing. Naglakad kami papunta roon na parang mga multo. Hindi ko alam kung paano ako nakalakad. Hindi ko alam kung paanong umabot ako sa loob.
Pero nang makita ko siya, ang pinakaayaw kong sandali ay dumating.
Tahimik siyang nakahiga. Para lang siyang natutulog. Pero alam naming lahat — hindi na siya gigising.
Lumapit ako. Hindi ko napigilan ang luha.
HINDI KO ALAM kung paano ako napunta rito.
Isa lang akong anino sa loob ng maliit na silid sa baba ng ospital. Tahimik. Walang tao. Walang makina. Walang nurse na magpapaalala kung ilang minuto ka lang pwedeng manatili. Dito, walang oras.
YOU ARE READING
Heartbeat Of Summer
RomanceTo complete the last perfect summer. Sereia and family went on vacation to her lola. Where she mets the perfect tour guide to show how beautiful places are while they last. Kaito shares her the places he loves and adore, which also leads to learn ho...
