RED CHRYSANTHEMUM
Kuya Kairus..." I said his name again, softly. Parang sinasanay ko ang sarili kong sambitin 'yon, dahil ilang taon siyang hindi tinawag sa pangalang 'yon.
He looked like he wanted to disappear.
"Hindi mo na kailangan magtago," I told him.
He gave a bitter laugh. "Hindi naman ako nagtatago dahil gusto ko. Pinili kong magbago ng mukha para makatakas. Sa gulo. Sa kasalanan ko. Sa pamilya ko."
Tumayo siya. Lumapit sa salamin ng hospital room. Tinitigan ang sarili niya.
"This face? Hindi ito 'yung mukha na naalala ni Kaito. Kung tumingin man siya sa'kin, he'll never see me. Kasi hindi na ako 'yung taong nawala sa kanya... at baka mas mabuti na nga 'yon."
I walked slowly behind him, watching his reflection beside mine.
"Pero 'yung puso mo, hindi nabago, kuya Kairus. Kapatid ka pa rin niya."
He closed his eyes, fists clenching by his side.
"Wala na akong mukang ihaharap sa kapatid ko. Galit siya sa'kin diba?" he asked, voice trembling.
"Kasi iniwan ko siya, yun ang alam niya. Kasi wala na 'yung mukha ng Kuya niyang minahal niya noon..."
I touched his shoulder gently.
"Kung ako si Kaito, mas pipiliin ko pa ring makita kang buhay, kahit ibang mukha ang dala mo, kaysa hindi ka makita muli habambuhay."
He finally faced me. Tears lining his new face. His real pain.
"Kahit ilang ulit mong palitan ang anyo mo... Kuya ka pa rin niya."
"At ikaw lang ang makakabigay ng kapayapaan na matagal na niyang hinahanap."
He fell silent, then finally whispered.
" I miss my brother"
Tahimik pa rin siya. Umiiyak pero walang ingay. Parang bata. Parang lahat ng taon na kinimkim niya 'yung bigat, ngayon lang siya huminga ulit.
Hinayaan ko lang. Minsan, kailangan ng luha para magsimula ulit.
"Alam mo ba kung kailan ako nagsimulang magduda?" tanong ko habang nakatingin sa sahig, pinipigilan ding lumuha.
Napatingin siya sa akin, nanatiling tahimik.
"Ever since Kaito told me the story of his brother, I somehow felt there's something wrong. Parang para sa'kin andito pa siya. Malapit lang. At napapansin ko yung palagi mong presensya pag meron din si Kaito. At first I actually thought you had a crush on him cause you're always looking at him. Weird actually. Then I asked for photos, para makita ang itsura ng kuya niya. Nung una hinayaan ko na nung nakita kong iba ang muka niyong dalawa. Pero hindi ako nakakatulog din dahil doon. It's telling me something wrong. Then I've noticed it more. I tried to ignore those outer signs, and tried the impossible signs. At tumugma nga lahat. I did some research, I've asked about you , a lot actually. Secret lang namin yun ni lola. But lola never knew you we're Kaito's older brother. "
YOU ARE READING
Heartbeat Of Summer
RomanceTo complete the last perfect summer. Sereia and family went on vacation to her lola. Where she mets the perfect tour guide to show how beautiful places are while they last. Kaito shares her the places he loves and adore, which also leads to learn ho...
