FULL TIME VISITOR
Tahimik lang ako, nakahiga sa kama habang naririnig yung boses ni Kaito malapit sa akin. Ramdam ko yung init ng kamay niya sa kamay ko kahit na mahina ako. Parang kahit mahina ako, hindi ako nag-iisa.
"Hey," sabi niya, at kahit hindi ako makasagot, alam kong ngumingiti siya.
Hindi siya aalis. Palagi siyang nandito , umaga, hapon, pati gabi kung kaya niya. Sa bawat pagdampi ng kamay niya sa akin, parang sinasabi niya, "Hindi kita iiwan."
Sa dami ng sakit at lungkot, 'yun ang tanging lakas ko 'yung simpleng katotohanang may isang tao na mahal na mahal ako, kahit sa mga ganito pang araw.
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging routine ang lahat. Ang tunog ng pintuan tuwing bumubukas, ang mga hakbang papalapit sa kama ko, at ang boses na palaging pabulong, para bang ayaw akong magising pero totoo rin, gusto niyang marinig ko.
Si Kaito.
Araw-araw nandito siya. Minsan nauuna pa sa nurse. Naka-cap, dala 'yung tote bag na may kung anu-anong laman minsan prutas, minsan crossword book, minsan tahimik lang siyang uupo at magbabasa habang nasa tabi ko.
Hindi siya demanding. Hindi siya nagtatanong ng "Kumusta ka?" kasi alam niyang paulit-ulit ang sagot. Pero naroon siya, palagi. At sa bawat pagdaan ng araw, parang mas dumarami ang gustong sabihin ng puso ko na hindi ko kayang bitawan.
Minsan, pagdilat ng mata ko, nahuhuli ko siyang nakatitig. At bigla siyang tatalikod, kunwaring busy, kunwaring walang nangyari.
Pero ramdam ko.
Ramdam ko sa katahimikan niya yung pag-aalala. Ramdam ko sa bawat pag-upo niya sa tabi ko, yung pagnanais na sana pwede pa akong gumaling. Sana... may bukas pa kami.
At sa bawat araw na dumarating siya, kahit wala kaming sinasabi, unti-unti kaming lumalapit sa isa't isa hindi sa salita, kundi sa presensya.
Kumikilos siya sa gilid ng kama, binubuksan ang dalang lalagyan ng prutas. Tahimik pa rin. Pero may tension sa hangin 'yung klaseng hindi masakit, pero ramdam mo sa dibdib.
Umupo siya sa tabi ko, saka iniabot ang isang hiwa ng mansanas.
"Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin... pero ito, sweet daw 'to sabi ng tindera." Pilit niyang ngumiti, pero may pagod sa mga mata niya.
Tinanggap ko yun kahit alam kong baka hindi ko rin maubos.
"Kaito..." Mahina ang boses ko, halos pabulong lang.
"Pwede mo naman akong hindi dalawin araw-araw,"
Tumigil siya. Tumingin sa'kin, tahimik. Saglit bago siya sumagot.
"Alam ko." Umiling siya, saka tumawa ng konti, walang saya.
"Pero gusto ko. Kasi... gusto kong nandito ako kung sakaling magising ka. Kung sakaling kailangan mo ng kausap. O kahit tahimik lang. Basta, nandito ako."
Wala akong nasagot. Kasi paano mo ba sinasagot ang isang taong pinipiling manatili kahit alam niyang unti-unting nauubos ang oras mo?
YOU ARE READING
Heartbeat Of Summer
RomanceTo complete the last perfect summer. Sereia and family went on vacation to her lola. Where she mets the perfect tour guide to show how beautiful places are while they last. Kaito shares her the places he loves and adore, which also leads to learn ho...
