8

37 11 0
                                    

A NIGHT TO SERENADE

" Sigurado ka ba?" I tried to ask him again. 


I really don't want him to feel uncomfortable. Tumango siya, he really looks like he wants to do it. And I'm not going to stop him. Makikinig lang ako at hindi magsasalita. Sumandal ako sa kina-uupuan ko at pinagmasdan lang yung apoy. 


" Si mama ang kakampi ko noon. Favorite niya ako e'. Si kuya favorite siya ni papa. Nagsimula nang mag away ng madalas sina mama at papa noon dahil mataas ang ambisyon ni mama at gusto ni papa ay dito lang ang pamumuhay namin at walang mababago." He smiled bitterly. 


" Pag gising ko isang umaga , wala na si mama. Umalis na. Iniwan niya ako, nag promise siya sa'kin noon na i-cecelebrate niya pang labing tatlong birth day ko pero iniwan niya ako." 


" Kaming tatlo ang naiwan sa bahay, si kuya hindi mapakali noon at gustong sundan si mama. Pero pinagalitan siya ni papa at lumayas na din daw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon. Lahat sila gustong umalis, na parang sobrang dali lang para sa kanila ang iwan ang isa't isa. Nagpaalam si kuya noon na mag aaral siya sa Maynila, sa unang buwan nag kakamustahan pa kami . Pero bigla nalang namin nalaman sa kaibigan niya doon na nagpakamatay siya." 


" Dahil daw sa sobrang stress kaya kinitil niya ang buhay niya ." 


Nakita ko ang kumawalang butil ng luha na nang galing sa mga mata niya. It went down his face that he almost didn't notice it. 


" Kaito.." I took the handkerchief from my pocket and gave it to him. It must've been so hard for him keeping everything until now. 


Tinanggap niya iyon at pinunasan at luha siya. He laughs a bit, " Sorry , and drama ko talaga" 


" No you're not " Inilapit ko ang upuan ko sa tabi niya at ipinatong ang kamay sa balikat niya, " You're tears doesn't define your weakness Kaito" 


He smiled at me. Sana kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya. I sat back, " What happened after your kuya?" 


" Kami ni papa ang naiwan, simula nung mawala si kuya nag iba din si papa. Mas naging magagalotin din siya at lagi niya akong sinasaktan. Kinopkop ako ni lola at sa kanya ako tumira noon, mga ilang buwan nabalitaan ko na namangka si papa ng lasing at may bago pa noon. At yun..." 


Yung kaninag pinipiglan niyang iyak ay naibuhos na niya. Lumapit ako sa kanya at yinakap siya, " I'm sorry " 


Humagulgol siya, he was so fragile next to me. 


" Bakit ganon? Lagi nalang nila akong iniiwan?" His voice broke. 


Hinaplos ko ang kamay sa balikat niya. He must have feel unworthy because of his family leaving him. Hindi ko nakita noong una na nag-iisa lang pala siya. He was so happy but he was actually in pain, so much pain. 


Hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin para icomfort siya. I'm not good with those, but all I can do was to be there with him right now. And make him feel his not alone. From now on , he'll never be alone. 

Heartbeat Of SummerWhere stories live. Discover now