9

26 8 0
                                    

WHERE THE FUN BEGINS

" SUNSCREEN, shades, hat, jacket " Naglagay si ate Sienna ng mahabang long sleeves sa beach bag ko. " My gosh sistah, wag ka namang mag paitim "


Si ate talaga. Sobrang OA. Simula kagabi siya na nag ayos lahat ng gamit ko pang ligo sa dagat.


Ang bilin ni Kaito, extra t-shirt. Pero madami nang inimpake si ate. Wala naman akong choice kasi hindi niya ako papalabasin ng bahay ng wala lahat yan.


" Want ko rin mag swim, pero prioritize ko bebe ko eh " Kinikilig niyang sabi.


" Basta take pictures of everything okay " Isinuot niya sa ulo ko yung beach hat.


" Okay " I said bluntly. " Kompleto na ba?"


Tumango siya, ibinigay niya yung bag sa'kin saka bumulong, " Enjoy with your tourist boy"


I saw the smirk and amusement in her face.


Kunot-noo ko siyang tinignan, " What are you talking about?"


Tinignan niya lang ako ng nakakaloko. Tapos hinawi ang buhok ko at inipit yun sa likod ng tenga ko.


" Sereia! " Rinig namin ang tawag ni Kaito.


" Andito na siya, you're dearest prin— ay hindi ah. You're magiting na tour guide " Para siyang kinikiliti sa pwet.


Kinuha ko na yung bag ko at linayasan na siya. Ang hilig niyang mang-asar sa'kin kay Kaito. Para siyang ewan, eh hindi ko naman gusto yung tao. Tour guide ko lang siya. Yun lang yon'. 


" Madami kang inimpake ah " Natatawa niyang sabi. Kinuha niya bag na dala ko at siya bumitbit non. 


Hinayaan ko   nalang siya, " Maarte ate ko eh " 


Lumingon siya para tignan si ate, ako na nahiya sa mga pinaggagawa ni ate. Nag finger heart siya ng dalawang kamay kay Kaito tas itinuturo turo kaming dalawa. 


" Maling gamot nainom siya pasenya na " sabi ko at natawa nalang siya. 


We rode our bikes with the pack. Natawa ako kay Hampi dahil naka simming attire na siya, mag goggles nang suit tas yung mala donut niyang salbabida. 

Heartbeat Of SummerWhere stories live. Discover now