Nagising ako ng may umihip na malamig na hangin na nagmumula sa aking bintana. Pag mulat ng aking mata may isang uwak na lumipad. At alam ko galing ito sa kwarto ko. Teka? Bakit may UWAK??
Tahimik akong naglakad papunta sa aking bintana para sana e-lock na ito. But I just notice na kabilugan na pala ng buwan.
Habang nakatulala ako sa ganda ng buwan, hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng bahay. Tila hindi ko mapigilan ang aking mga paa kung saan ako dadalhin nito. Napahinto ako. Bakit nasa kagubatan na ako? Napagtanto ko din na sinusundan ako ng isang uwak. Pero bakit??
Tila nagising ako sa katotohan na nasa gitna nga ako ng gubat, dali-dali akong tumago sa may puno ng may marinig ako na sumisigaw.
"TULONG! TULONG!!" isang tinig na nagmumula sa isang babaeng umiiyak. Familiar amg boses nito " Anong ka-sala--nan ko sayo? Ano kai--langan mo sakin? " nauutal na ang babae , kitang kita ko ng dalawang mata ko ang kanyang maruming damit, punong puno ito ng putik, napansin ko din na dumudugo na ang kanyang paa.
"NAPAKAHALIMUYAK NG DUGO MO BINIBINI" tinig na nagmumula sa isang ??... Ha?? Ano to Aswang ba sya? Totoo ba ang ASWANG juskoooo!!!
Napasigaw ako kaya napatikom ako ng bibig ng bigla nalang nito kinuha ang puso ng babae. Hindi ko na alam ang aking gagawin, sobrang bilis na ng tibok ng aking puso, kaba ,takot, pangamba.
Hindi ako magkakamali, isa syang "BAMPIRA" napatakip muli ako ng aking bibig ng makitang nakatingin ang mga mata ng babae sa aking direksyon ngunit wala na itong buhay, Hindi ko maaninagan buo nyang mukha, dahil sa dilim na kumukubli rito. Sobrang putla na ng kanyang katawan dahil wala na itong dugo, dahilan para mapaatras ako....
" Kung sini-swerte nga naman ako ngayong gabi" isang tinig na nakakatakot na nagmumula sa likudan ko, ayoko sya tingnan, ayokooo, ramdam na ramdam ko ang haplos ng kanyang mga kukong matulis sa aking batok " sino ka? Bakit mo sya pinatay" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magsalita at humarap sakanya. Ngayon kitang kita ko na ang dalawa nyang pangil , at duguan nyang kamay. Tumayo ako. Gusto kong tumakbo pero parang nakapako mga paa ko sa kinatatayuan ko.
" Akala mo ba makakaligtas ka sakin? " he said. Oo tama lalaki sya , hindi ko halos marinig sinasabi nya dahil mas rinig ko ang kalabog ng dibdib ko. Jusko ayoko pa mamatay.
" pero nakakapag-taka hindi ko maamoy ang dugo mo? " hindi ko pinansin ang kanyang sinasabi, at tumayo ako para sana tumakbo,
Buo na loob ko tatakbo ako, makakatakas ako sa kanya.
Tatakbo na sana ako ng bigla syang lumitaw sa unahan ko, ang bilis ng kanyang mga kilos, " Saan ka pupunta? Tila may misteryong bumabalot sa pagkatao mo? " Napaupo ako, dahilan para maputikan ang aking damit, what should I do now. Susungaban nya ako, " AHHHHHH " sigaw ko tinakpan ko ng aking kamay ang aking mukha, pero .... biglang umilaw ang singsing ko ..
" hindi ito maaari , buhay ka" ito nalang ang tinig na
narinig ko , tumakbo ito ng kaybilis, pero may nakita akong isang marka sa batok nito. Hindi malinaw kung ano yon.Bumuhos ang malakas na ulan, Andito parin ako sa gitna ng kagubatan.. litong lito, panaginip lang ito lahat, wala akong nasaksihan, walang aswang, walang bampira. Buong lakas na sana akong tatayo ng makita ko na yong uwak na palagi kong nakikita ay naging isang taoo... tao nga ba kaya? Hindi ko sya mamukhaan , sobrang lakas na ng ulan, sa pagkabigla ko at hindi ko na alam ang takot at kaba na nararamdaman ko, unti-unti na akong naghihina..
Napapikit nalang ako, wala ng lakas ang katawan ko. Ramdam ko ang yapag ng taong uwak na papalapit sakin, naramdaman ko ang pagkapit nya sa mukha ko, gusto kong magmulat, pero para bang wala na akong natitirang lakas para gawin yon,
Gamit ang mahahaba nyang kuko na ramdam na ramdam ko ang tulis nito, hinawakan nya ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing ko.
Wala na talaga akong lakas.. hindi na ako makahinga..
" ikaw nga, buhay ka, at isa kang da-"
****
YOU ARE READING
Clash of Bloodlines
VampirosEya Lopez is a half vampire and half human, that robbed of her memories, hidden away from the world of humans. But beneath the veil of forgotten past, a powerful vampire sleeps to her, waiting to awaken. Zion Aeternus stands as a figure of terror a...