Chapter 1

43 15 1
                                        

EYA'S POV

Nakatulala ako ngayon sa suot kong singsing, 2 weeks nadin ang nakalipas simula nong may nakita akong kagimbal gimbal at mga weird na pangyayari.

Hindi ko din alam paano ako nakapunta ng ligtas dito sa condo. Siguro panaginip lang yon, Oo panaginip nga lang yon. Hindi totoo ang mga bampira, nahihibang na ako.

" buhay ka, ikaw nga, at isa kang da-?? "  Ahhhhh ano baa , ano bang panaginip yon!?

"nababaliw na akoo, atsaka isa pa eya paano naman magiging tao ang isang uwak?? "  nasambit ko na lamang ito sa sarili ko habang nakatingin padin sa singsing ko ," Anong ibig-sabihin ? Bakit hindi ako pinatay nong bam-" napabalikwas ako . May tao sa labas. Paulit ulit na tumunog ang doorbell ko.

Walang gana kong binuksan ang pintuan ng condo ko.

" Eyaaa!! Miss na miss kitaaa" si Max ,andito sya ang bestfriend ko, sinalubong nya ako ng yakap na halos hindi na ako makahinga.

"An-o ba M-ax, hin-di n-a a-ko maka-hin-ga"  Sabi ko , dahilan para bitawan nya na ako sa pagkakayakap sa akin.

"ANO BA EYA!? 2 WEEKS KA HINDI PUMAPASOK SA WORK?? SIRAULO KA BA!?"  Naka-pamaywangan ito, natatawa ako para syang nanay, niyakap ko sya bigla, hindi ko maintindihan pero tumulo nalang bigla ang aking nga luha.

"Namiss kita sobra Max"  sambit ko sa kanya, ihh teary eyes akooo ,niyakap nya din ako pabalik

" bakit ba hindi ka pumapasok sa work, at sick leave ang nakalagay pero ,wala ka naman lagnat ah???"  Hindi ko sya pinakinggan at niyakap ko muna sya ng mahigpit bago ako kumawala sa pagkakayakap ko sakanya. " EYA?? HINDI MO BA SASAGUTIN MGA TANONG KO??" nakataas ang isa nyang kilay hahahah natatawa na ako sakanya.

" hahahahahahhahaah ikaw lang talaga nagpapatawa sakin ng ganto Max!! "  nakatingin sya sakin na tila naguguluhan sya, kaya lumapit ako muli sakanya.

"Max, nakakita ako ng bampira"  wika ko, kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko , at bigla itong..

" Hahahahaha EYAA , Ano nanaman bang kaemehan eto?? I guess, you're sick nga"  sambit nya habang humahagalpak padin ng tawa, hayss kahit sino hindu talaga maniniwala sakin, dahil ako mismo hindi ko din kaya paniwalaan mga nakita ko.

"May pangil nga ba talaga sila eya? Hahahaha"  tumatawa parin sya, nakisabay nalang din ako ng tawa sakanya na para na kaming siraulo at loka loka.

" Joke lang Max, hindi ka naman mabiro ee" pagbawi ko sa sinabi ko sakanya kanina. Tumigil na sya sa pagtawa at bigla naman syang ngumiti, Hayss sya yata ang siraulo samin dalawa , akala ko ako lang.

Humawak to sa aking mga braso na parang bata
" Need mo na pumasok sa work tommorow eya, alam mo ba bago na ang boss natin?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Nasaan na ang boss natin?"  Nagtataka kong tanong sakanya , dahil ang alam ko hindi bibitawan ng boss namin ang kompanya. " Hindi ko din alam e, basta isa lang masasabi ko, napaka-gwapo ng boss natin aaaahhhh nakakalaglag panty talagaa eyaaaa" nagtitili ito na may patalon talon pa si max, habang nagkwekwento sya sakin tungkol sa bago naming boss, nakakamiss talaga tong babae na ito.

Pero, hindi maganda ang pakiramdam ko bagong boss namin. I feel something strange.

" His name is Zion" kinikilig nitong sambit sakin. 

" Oh ? Cool name. Mabait ba? Papayagan nya din ba ako mag sick-leave?"  Natawa muli si max sa mga sinabi ko, baliw na yata ang bff ko .

" Nakuu Eya!! Pumasok ka bukas ,malalaman mo"  sambit nya , tumingin sya sakin ng seryoso at nilapit ang kanyang mga palad sa noo at leeg ko.

Clash of BloodlinesWhere stories live. Discover now