Chapter 2

29 14 1
                                    

ZION'S POV

Hindi ko akalain na sa paglipas ng mahabang panahon ay nahanap ko na din itong babaeng nasa harapan ko. Sinusubukan ko pasukin ang kanyang isip, Ngunit bigo ako, tila may pumipigil o humaharang na isang salamangka, dahilan para hindi ko mabasa ang nasa isip nya.

"Manyak" bulong nito, Anong manyak, ang sinasabi nya? Hindi ko alam masyado ang ibang lingguwahe ng mga tao.

" ang sabi ko po, ako po si eya , ako po ang secretary sa kompanyang ito" nagbuntong hina sya pagkatapos nya itong sabihin.

Hindi ako bingi, alam ko iba yong narining ko.

" i know, what i want to know is, what is manyak" walang gana kong sagot, pero di bale na , hindi ko dapat ito pag aksayahan ng panahon , sapat na na makita ko sya.

"Anyway eya, go back to your office and do your workloads, Im Zion! And the New CEO of this company. You may go out now. " pag papakilala ko sakanya, deretso padin ako sa mga mata nya.

Hindi na ito nagsalita pa, yumuko nalang siya bilang pag galang at umalis na.

Tanaw na tanaw ko ngayon mula dito sa taas ng opisina ko ang mga stupid na tao. Kung hindi ko lamang suot itong kwintas na ito, malamang kanina pa ako natakam sa dugo ng mga tao sa paligid ko.

Tama. Isa akong bampira. Hindi lang basta basta bampira. Dahil ako ang nag-iisang taga pagmana ng buong kaharian namin.

Narito ako sa mundo ng mga tao sa isang misyon.

***

"EYA POV"

Hanggang ngayon hindi pa din ako maka move on kung bakit ganon na lamang makatingin sa akin ang new boss namin. Hindi kaya minamanyak nya talaga ako? Malamang sa ganda at sexy kong to, hindi sya mahuhumaling. Hahaha charot. Pero may iba talaga akong kaba sa presensya nya.

Ano yon? Tinawag nya ako para lang magpakilala? Hayst dumadami na talaga ang weirdo sa mundo.

Napabuntong hininga ako ng makita ko patapos ko na itong mga workloads. Gumagabi na rin. Hindi ko napansin ang oras. At tila napahikab narin ako.

Pumunta muna ako sa aming pantry dahil nagugutom na ako.

Ng biglang.... " ay palakang sunog" ahhhhh nagulat ako, its max again!

" hahahaha magugulatin ka padin " wika ni max na tuwang-tuwa nanaman sa kalokohan nya.

" ano ba max, ikaw talaga ginugulat mo nanaman ako" habang hawak hawak ko ang aking dibdib sa gulat.

"Bakit hindi ka pa umuuwi max, gabi na ah? Tapos na duty mo right" puna ko sakanya, habang hindi parin sya nakaka get-over sa pagkakatawa nya, ako naman nag titimpla ako ng kape.

" hahaha ang cute mo talaga magulat eya , yass you're right ! uuwi narin ako ,magpapaalam lang ako sa iyo na hindi na kita maantay, kasi may family dinner kami tonight" pagpapaliwanag nito, na batid padin na natatawa parin ito.

"Okay max, mag-iingat sa daan ha" sambit ko ,sabay beso sakanya. Agad narin umalis si max.

Nagpasya muna ako mag stay dito sa pantry. Nakita ko na nakabukas pala ang bintana. Teka, hindi ako pwedeng magkamali, may balahibo sa tapat ng bintana?

Clash of BloodlinesWhere stories live. Discover now